Watch Now

Herlene Budol rates Alden Richards a “perfect five”; clarifies stolen kiss

by Bernie V. Franco
Apr 9, 2022
herlene budol
Herlene "Hipon Girl" Budol addresses issue that she stole a kiss from Alden Richards: “Kasi sabi nila [sa comments], sumimangot daw. Hindi naman po ganoon. Sobrang bait ni Alden."
PHOTO/S: Herlene Budol

Lumabas ang pagka-fan ni Herlene Budol o Hipon Girl, 23, kay Alden Richards, 30, nang magkita at magkasama sila sa isang event sa Nueva Ecija noong March 31, 2022.

Ang sobrang kilig na si Herlene, hindi napigilang panggigilan si Alden at tila ninakawan pa ng halik sa pisngi.

Pinag-usapan pa nga ang TikTok video na ito ni Herlene na ipinost niya noong April 3, 2022.

Sa comments section, humingi ng paumanhin si Herlene sa fans na na-offend sa kanyang ginawa kay Alden.

Nilinaw ng Kapuso talent na nagpaalam siya kay Alden na hahalikan niya ito.

Lumalabas na sadyang fan si Herlene ng Kapuso primetime actor.

Gaya na lang sa recent video interview nina Herlene at Rose Vega, ang Pinay na napasama sa 90 Day Fiancé, isang American reality show.

Ginampanan ni Herlene ang papel ni Rose sa isang recent episode ng Magpakailanman.

Naglaro ang dalawa ng Spicy Meter at ire-rate ng 1-5 ang mga Kapuso actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Una nilang ni-rate si Alden at todo-puri si Herlene sa iniidolong si Alden.

Rating ni Herlene kay Alden: “Perfect five ako diyan. Kiniss-an ko pa nga, e,” sabay tawa niya.

Paglalarawan niya kay Alden nang magkita sila recently, “Nakita ko siya sa personal, bongga talaga, ‘teh!

“Ang kinis ng mukha, manikin [mannequin], walang lait, gano’n.”

herlene budol alden richards

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang YouTube video noong March 23, 2022, nabanggit ni Herlene na noon pa man ay fan siya ng AlDub—ang tambalang Alden at Yaya Dub o Maine Mendoza.

Ang AlDub ang sikat na love team sa sikat na "Kalyeserye" segment ng Eat Bulaga! mula July 2015 to December 2016.

Nabanggit pa ni Herlene na binansagan pa siyang Yaya Dub sa school, at ginagaya pa talaga niya ang mga kilos ni Yaya Dub.

HERLENE SPEAKS UP ABOUT KISSING ALDEN

Sa kabilang banda, nagsalita si Herlene tungkol sa paghalik niya kay Alden na hindi ikinatuwa ng maraming netizens.

Sinabihan nila si Herlene na hindi tama ang ginawa niyang paghalik kay Alden nang walang permiso.

Pero sa exclusive interview ng GMA Network kay Herlene, April 6, idiniin niyang nagsabi siya kay Alden.

"Bago po ako nag-video, nagpaalam na po ako. Marami lang po talagang tao noon kaya parang hindi lang po sa akin naka-focus si Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi sabi nila [sa comments], sumimangot daw. Hindi naman po ganoon. Sobrang bait ni Alden. Walang eme talaga," ani Herlene.

Muli naman siyang humingi ng paumanhin kung na-offend ang fans ni Alden.

"Kung may mali po ako, sorry. Sorry sa mga AlDub nation at Aldenatics.

“Isa po ako sa inyo kaya sobra lang 'yung kilig ko."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene "Hipon Girl" Budol addresses issue that she stole a kiss from Alden Richards: “Kasi sabi nila [sa comments], sumimangot daw. Hindi naman po ganoon. Sobrang bait ni Alden."
PHOTO/S: Herlene Budol
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results