Piolo Pascual, Regine Velasquez declare all-out support for Leni Robredo

by Rachelle Siazon
Apr 11, 2022
Piolo Pascual. Regine Velasquez, #PHElections2022
Piolo Pascual (left) on his chosen presidential candidate: "Ang totoong unity ay pagkakaisa ng taong bayan—Pilipino para sa kapwa Pilipino. Iisa lang ang taong nagpakita at nagaparamdam niyan sa atin sa loob ng maraming taon. Si Leni Robredo lang." Regine Velasquez (right) also declared her support to Robredo and Kiko Pangilinan.
PHOTO/S: Piolo Pascual Facebook / Regine Velasquez Instagram

"Ganito ang totoong hitsura ng unity."

Ito ang buong pagmamalaking pahayag ni Piolo Pascual sa jam-packed crowds sa mga nagdaang campaign rally ni presidential aspirant Leni Robredo.

Sa unang pagkakataon, idineklara ni Piolo ang suporta kay Leni na iboboto raw niyang presidente sa nalalapit na May 9, 2022 elections.

Ngayong April 11, 2022, ibinahagi ni Piolo sa Instagram ang madamdaming video kunsaan sinabi nitong tanging si Leni ang nakitaan niya ng tunay na lideratura.

"Ang kampanyang ito ay hindi na tungkol sa iisang pamilya o kandidato, kundi para sa Pilipinas na gusto nilang ipamana sa ating lahat.

"Ang totoong pagkaisa ay inspirasyon at panawagan na tayong lahat ay gumawa ng kabutihan.

"Sure ako, totoo at malalim ang unity ng mga Pilipino kung tapat, mahusay, at mabuti ang namumuno.

"Hindi ito yung pagkakaisa ng political dynasty para sa sarili nilang interes.

"Ang totoong unity ay pagkakaisa ng taong bayan—Pilipino para sa kapwa Pilipino.

Continue reading below ↓

"Iisa lang ang taong nagpakita at nagparamdam niyan sa atin sa loob ng maraming taon.

"Si Leni Robredo lang. Si Leni Robredo lang ang tanging iboboto kong pangulo ngayong eleksyon."

PIOLO'S CHOSEN CANDIDATE IN 2016

Noong 2016, ibinahagi ni Piolo sa PEP.ph na si Pangulong Rodrigo Duterte ang ibinoto niyang presidente sa 2022 elections.

Pero hangga't maaari ay tikom ang bibig ni Piolo ukol sa kanyang political stand.

Noong July 2016, muling naugnay si Piolo na supporter ni Pangulong Duterte dahil sa pagsama niya sa kaibigang direktor na si Joyce Bernal nang kumuha ito ng behind the scenes para sa video na ipinalabas sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo.

Nilinaw noon ni Piolo na hindi siya nakikialam sa mga usaping pulitika at walang kaugnayan ang pagkakaibigan nila ni Joyce sa kanyang pagtingin sa gobyerno at pati na rin sa ABS-CBN.

Nabatikos kasi noon si Piolo na walang malasakit sa ABS-CBN, na noo'y kapapasara ng Kongreso.

Continue reading below ↓

Read: Piolo Pascual breaks silence on Sagada trip, ABS-CBN franchise

REGINE VELASQUEZ FOR LENI

Sa kabilang banda, isa pa ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez sa nagpahayag ng suporta kay Leni Robredo.

Kahapon, April 10, ipinost ni Regine sa Instagram ang maiksing video kunsaan sinabi niyang ang tambalan nina Leni at Kiko Pangilinan ang susuportahan niya sa 2022 elections.

Aniya, "Dahil mas liliwanag ang kulay ng buhay pag si Leni at si Kiko ang ipapanalo natin."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Piolo Pascual (left) on his chosen presidential candidate: "Ang totoong unity ay pagkakaisa ng taong bayan—Pilipino para sa kapwa Pilipino. Iisa lang ang taong nagpakita at nagaparamdam niyan sa atin sa loob ng maraming taon. Si Leni Robredo lang." Regine Velasquez (right) also declared her support to Robredo and Kiko Pangilinan.
PHOTO/S: Piolo Pascual Facebook / Regine Velasquez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results