Diego Loyzaga to comment “lalo kang pumupogi” from netizen: “stress free”

by Arniel C. Serato
Apr 11, 2022
Netizens allude to "Barbie Imperial" about Diego Loyzaga's "stress-free" look
It seems that Diego Loyzaga is slowly moving on from his breakup with ex-girlfriend Barbie Imperial.
PHOTO/S: Courtesy: @diegoloyzaga on Instagram

Pansin ng maraming netizens na maaliwalas ang hitsura ngayon ng Kapamilya actor na si Diego Loyzaga.

Kagabi, April 10, 2022, ibinahagi ni Diego ang mga larawang kuha sa isinagawa nilang BBM-Sara Celebrity All-Star basketball event sa Cebu City Coliseum.

Ang nasabing event ay pinangunahan ni Diego at amang si Cesar Montano upang mangumbinsi sa mga undecided na pumanig sa kanilang sinusuportahang sina UniTeam presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential aspirant Sara Duterte-Carpio.

Ginanap ito noong Biyernes, April 8.

Sa caption, tanging sabi lang ni Diego ay “proof of life.”

View this post on Instagram

A post shared by Diego ???? (@diegoloyzaga)

Dito nagkomento ang isang netizen: “lalo kang pumupogi [weary face, red heart emojis]”

Walang kagatul-gatol na sagot ni Diego: “stress free [smiling face with three hearts emojis]”

Diego Loyzaga's reply to netizen telling him

Continue reading below ↓

Hindi naman napigilan ng ilang netizens na maghaka-hakang ang ex-girlfriend ni Diego na si Barbie Imperial ang nagdulot ng maraming stress sa aktor.

Hindi man nila nilagyan ng apelyido ang pangalang "Barbie," alam ng publiko na si Barbie Imperial ang huling nakarelasyon ni Diego.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

Diego Loyzaga reacts to netizen's

Continue reading below ↓

Diego Loyzaga reacts to netizen's

Diego Loyzaga reacts to netizen's

Continue reading below ↓

May nagtanggol din kay Barbie laban sa sinabi ng netizens:

Diego Loyzaga reacts to netizen's

Ayon naman sa isa pa, sana hindi na kinaladkad ang pangalan ni Barbie sa kanilang mga komento.

Diego Loyzaga reacts to netizen's

Continue reading below ↓

Walang sinagot ni isa sa kanila ang 26-year-old actor.

Nitong nakaraang April 3, sa panayam ni Toni Gonzaga, inamin ni Barbie na akala niya ay si Diego na ang “the one” para sa kanya.

Pero nasobrahan daw sa public exposure ang kanilang relasyon kaya tila napapakialaman na ito ng publiko.

Aniya, “May mga conversations kasi kami ni Diego na parang akala din namin pareho na yun na yun.

“Pero nagulo talaga yung relasyon namin. Siguro din kasi too much din yung exposure namin sa mga tao.

"E, para sa akin kasi minsan, pag sobrang alam na ng lahat ng tao yung about sa personal na buhay niyo, parang kaya na rin nilang sirain.

“Pag in-allow niyo sila na parang makapasok sa world niyong dalawang couple.”

Aminado naman si Barbie na noong huli silang nag-usap ng ex-boyfriend pag-uwi nito galing Amerika, may nararamdaman pa sila para sa isa’t isa.

Ngunit mas pinili nilang tuluyan nang maghiwalay para hindi na raw sila magkasakitan pa ng damdamin.

Continue reading below ↓

Read: Barbie Imperial recounts past relationship with Paul Salas, JM de Guzman, Diego Loyzaga: "Ang bilis ko ma-in love."

Wala pang bagong pahayag si Diego ukol sa hiwalayan nila ni Barbie.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It seems that Diego Loyzaga is slowly moving on from his breakup with ex-girlfriend Barbie Imperial.
PHOTO/S: Courtesy: @diegoloyzaga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results