Andrea Brillantes reveals past relationship with Seth Fedelin; explains issue involving Francine Diaz

by Rachelle Siazon
Apr 12, 2022
Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Francine Diaz
Andrea Brillantes (left) on why she was affected by Seth Fedelin (center) and Francine Diaz's (right) viral photo last January: "I had no contact with them when I saw the picture. So I made a TikTok which made everything worse... But I had no bad intentions. Di ko lang naisip because I was acting based on my emotions and pagkakamali ko yun."
PHOTO/S: @blythe / @imsethfedelin Instagram / Nice Print Photo

Sa wakas ay binasag na ni Andrea Brillantes, 19, ang pananahimik sa insidenteng pagbitiw niya ng patutsada sa kapwa Kapamilya stars na sina Seth Fedelin, 19, at Francine Diaz, 18.

Noong January 2022, nag-trend silang tatlo sa Twitter dahil sa hinihinalang disgusto ni Andrea sa kumalat na pagbisita ni Seth sa bahay ng pamilya ni Francine.

Read: Is there brewing tension between Andrea Brillantes and Francine Diaz over Seth Fedelin?

Kasabay ng espekulasyon kung may ugnayan ba sina Seth at Francine, agaw-pansin ang pag-unfollow at pag-follow back ni Andrea kay Francine sa Instagram.

Kilalang magka-love team sina Seth at Andrea, pero marami sa fans ni Francine ang kumuwestiyon kung bakit ganoon na lang kaapektado si Andrea.

Lalo pa't nag-post noon sa TikTok si Andrea ng kanta ni Selena Gomez na "Lose You To Love Me," na may lyrics tungkol sa gaano kasakit maipagpalit sa iba.

Noong kasagsagan ng isyu ay nilinaw ng manager ni Seth na hindi totoong nanliligaw ang young actor kay Francine, at lumabas na magkaibigan lang ang dalawa.

Continue reading below ↓

Kaya marami sa fans ang nainis kay Andrea sa anila'y pagdamay nito kay Francine sa isyung wala naman daw basehan.

ANDREA ON RELATIONSHIP WITH SETH FOR MORE THAN TWO YEARS

Ngayong April 4, 2022, sa unang pagkakataon ay inamin ni Andrea na naging magkasintahan sila ni Seth sa loob ng dalawang taon at tatlong buwan.

Naghiwalay raw sila noon lamang October 2021.

"It was a painful breakup, but it was a mutual decision yung paghihiwalay namin.

"We both love each other truly and deeply. We've learned so much from each other, but in the end, we realized na we weren't growing as individuals.

"Lahat ng fake news at pag-assume niyo sa relasyon namin, hindi totoo yun.

"We ended on good terms at yun naman ang importante," paliwanag ni Andrea sa kanyang Instagram Live nitong Lunes ng gabi, April 11, 2022.

Sa kabila ng hiwalayan, nangako raw sila ni Seth sa isa't isa na ipagpapatuloy ang kanilang love team.

Continue reading below ↓

Pero aminado si Andrea na nasaktan pa rin siya nang makita ang viral picture nina Seth at Francine noong January 2021.

Totoo raw na pinatamaan niya ang dalawa nang i-post nito sa TikTok ang "Lose You To Love Me" ni Selena Gomez.

"I had no contact with them when I saw the picture. So I made a TikTok which made everything worse.

"I know that I should have asked first, I should have consulted my managers before posting it or sana nanahimik na lang talaga ako.

"Pero sana man lang, guys, once maisip niyo na tao lang din ako. And it was my first heartbreak and hindi ko talaga alam kung papaano siya iha-handle," paliwanag ni Andrea.

Sa kabilang banda, hindi rin naman daw niya masisi ang netizens dahil hindi alam ng publiko na sila ni Seth.

"Kaya kahit sinasabi ng ibang tao na wala akong karapatan kasi never naman naging kami, masakit.

Continue reading below ↓

"Kasi actually, naging kami. Naging kami for two years and three months.

"Kaya nga I used that song kasi that's the most accurate and most relevant lyrics to what I was feeling at that time.

"Wala rin naman akong sinisisi. I never meant to pull anyone down. Nagulat lang talaga ako and I was just really hurt kasi kaibigan ko pa yung kasama."

Hindi man binanggit ni Andrea ang pangalan ni Francine, malinaw na ito ang tinukoy niyang "kaibigan" na kasama ni Seth sa sinasabi niyang kumalat na picture.

Ayon pa kay Andrea, alam na niya ngayong mali na nagpadala siya sa kanyang emosyon at hindi siya nag-isip nang i-post ang TikTok video niyang iyon na patama kina Seth at Francine.

"But I had no bad intentions. Di ko lang naisip because I was acting based on my emotions, and pagkakamali ko yun.

"I tried to call so many times to have an explanation, but no one answered.

Continue reading below ↓

"Nung meron naman nang sumagot, it was too late for me to take it all back. It was too late for me to delete the video that I posted," saad niya.

HOT STORIES

NO TRUTH TO "SINUGOD SI FRANCINE SA DRESSING ROOM" ISSUE

Sa kabilang banda, sinabi ni Andrea na walang katotohanan ang isyung sinugod niya si Francine sa dressing room sa ABS-CBN nang ganapin ang ABS-CBN Christmas Special noong December 2021.

Hindi umano nagustuhan ni Andrea ang nangyaring picture-taking nina Seth at Francine kasama ng glam team ni Francine.

Lumabas ang kontrobersiyang iyon noong kasagsagan ng pag-unfollow ni Andrea kay Francine noong January 2021.

Lahad ni Andrea, "After posting the TikTok, andami kumalat na fake news. Wala po doong totoo.

"Di po ako nagloko. Di ko po dyowa yung kasama kong lalaki sa pictures.

"At pinakaimportante sa lahat, hindi po ako nanugod sa dressing room.

"I also don't know where people got that. Ang alam ko lang may isang dummy account na nag-tweet, and naniwala naman agad lahat sila kahit it was just words.

Continue reading below ↓

"Pero meron din kasing entertainment reporter, may public figure na sinabi niya, which made the alleged rumor more credible for people to believe."

Sobrang nagalit at nasaktan daw si Andrea noon sa mga akusasyong ibinabato sa kanya. Inisip pa raw niyang magsampa ng demanda sa mga nagpapakalat ng kasinungalingan tungkol sa kanya.

Saad niya, "I was mad and broken because everyone was accusing me of something I didnt do.

"Guys, let's be real. Kung totoo man yun, sana may kumalat na. Pero walang kumalat na video.

"There's CCTV in every corner of ABS-CBN. And I actually asked for a footage para lang may mapakita ko sa mga tao na, 'Hindi ko ito ginawa. Andito ako sa elevator, bumalik ako sa dressing room.'

"Pero matagal na yun. Di ko na tinuloy because binaon ko na sa limot yun kasi alam ko yung katotohanan. Alam ng Diyos yung totoong nangyari.

"I moved on."

Continue reading below ↓

SPEAKING UP FOR "CLOSURE"

Sa huli, nilinaw ni Andrea na hindi siya nagsalita para gumawa ng panibagong isyu.

"I'm doing this for closure," diin niya.

Pinutakti raw kasi si Andrea ng batikos matapos ang public proposal sa kanya ng UP Maroons basketball player na si Ricci Rivero na maging girlfriend nito.

Nangyari iyon matapos ang UAAP game ng U.P. Maroons laban sa FEU Tamaraws noong April 9.

Read: Ricci Rivero, pinag-"YES" si Andrea Brillantes sa harap ng publiko para maging girlfriend niya

May mga kumuwestiyon kung bakit gumawa pa raw ng kontrobersiya si Andrea nang patutsadahan niya sina Seth at Francine, at pagkatapos ay may iba naman daw pala siyang napupusuan.

"Pinili ko na lang sana manahimik at lunukin lahat ng mga ibinabatong salita sa akin.

"Pero kasi, here I am, at my happiest moment, pero marami pa ring nadadamay at nababalik na mga pangalan kahit na hindi na ho dapat, at mas lalo pa po dumadami ang fake news," saad ni Andrea.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, "I'm so tired of taking all the blame for something I didn't do...

"I'm so tired of people portraying me as the bad guy based only on alleged rumors that has no truth.

"But I found my peace. I decided to forgive and forget. I've been through worse. Ano ba naman ito."

Nagpasalamat naman si Andrea sa ex-boyfriend na si Seth na ipinagtanggol siya laban sa bashers.

Una nang inihayag ni Seth sa Instagram Live niya na masaya siya para sa bagong magkasintahang sina Andrea at Ricci.

Read: Seth Fedelin defends Andrea Brillantes's relationship with Ricci Rivero from bashers

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Brillantes (left) on why she was affected by Seth Fedelin (center) and Francine Diaz's (right) viral photo last January: "I had no contact with them when I saw the picture. So I made a TikTok which made everything worse... But I had no bad intentions. Di ko lang naisip because I was acting based on my emotions and pagkakamali ko yun."
PHOTO/S: @blythe / @imsethfedelin Instagram / Nice Print Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results