Kakai Bautista calls out body shamers anew: "Pa end of the world na ganyan pa din ang mga ugali."

by Arniel C. Serato
Apr 12, 2022
Kakai Bautista reacts to body-shamers
Kakai Bautista to body shamers: "Try nyong wag pakialaman ang buhay ng mga hindi nyo naman pinapalamon, MAS SASAYA ang mga buhay nyo. Walang nagtatagumpay na nega ang pagiging inggitera. Maniwala kayo sa akin."
PHOTO/S: Courtesy: @ilovekaye on Instagram

Hindi pa rin tinatantanan ng body shamers ang comedienne at singer na si Kakai Bautista.

Sa kanyang verified Facebook account noong April 5, 2022, nag-upload si Kakai ng kanyang TikTok video kung saan makikitang nagsasayaw siya sa beach.

Ang suot niya sa naturang video ay isang two-piece bikini na kulay lila.

Simpleng caption ni Kakai: “Hello.”

Continue reading below ↓

Halos isang linggo na ang video pero kahapon, April 11, ay nagkomento si Kakai sa kanyang post.

Marami raw kasing bashers ang nag-react nang hindi kaaya-aya sa kanyang video

Tila nasasagwaan daw ang mga ito sa hitsura niyang naka-two piece, kaya hinikayat ni Kakai ang bashers na huwag na lang panoorin ang kanyang video.

Saad ng komedyana: “Nakakatawa yung mga nagko-comment na halos ka-age ko. Or mas matanda ng konti sa akin.

“Mga marites, Oi wag nyo ISISI sa akin ang mga BAGAY na hindi nyo KAYANG GAWIN in PUBLIC.

“Watch nalang. Kung ayaw, wag kayo dito. Simplehan naten ang buhay. Kung gusto, salamat [heart emoji]”

Suhestiyon pa ni Kakai, huwag makialam sa buhay ng iba dahil hindi naman ang mga pakialamero ang nagpapakain sa mga ito.

Baka mas sasaya raw ang buhay kapag tinigilan ng mga basher ang pagiging inggitera at pakialamera.

Aniya, “Try nyong wag pakialaman ang buhay ng mga hindi nyo naman pinapalamon, MAS SASAYA ang mga buhay nyo. Walang nagtatagumpay na nega ang pagiging inggitera. Maniwala kayo sa akin [laughing emoji]

Continue reading below ↓

“Enjoy lang ang buhay! Pa end of the world na ganyan pa din ang mga ugali. [laughing emoji]”

Kakai Bautista reacts to body-shamers anew

Madalas nabibiktima ng body shaming si Kakai. Pero wala raw siyang pakialam sa mga panlalait sa kanya.

Minsan ay may nagsabing hindi maganda ang hugis ng kanyang katawan.

Buwelta ni Kakai: “I have come across so many Body shamers this past few days!

Continue reading below ↓

“And I just wanna say that… I do believe that food is very much essential in our lives.

“I LOVE TO EAT. And….pak all that Toxic Filipino culture that says chubby is not sexy and healthy.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kakai Bautista to body shamers: "Try nyong wag pakialaman ang buhay ng mga hindi nyo naman pinapalamon, MAS SASAYA ang mga buhay nyo. Walang nagtatagumpay na nega ang pagiging inggitera. Maniwala kayo sa akin."
PHOTO/S: Courtesy: @ilovekaye on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results