Did KD Estrada just take a swipe at Eian Rances for "mistreating" Alexa Ilacad?

by Rachelle Siazon
Apr 12, 2022
KD Estrada, Eian Rances, Alexa Ilacad
"MARITES KA PA RIN TOL." KD Estrada (left) shields Alexa Ilacad (center) from Eian Rances (right) who allegedly dissed her in a group chat with his fans.
PHOTO/S: @kdestrada_ / @alexailacad / @eianrances Instagram

Tila hindi nakatiis si KD Estrada na birahin si Eian Rances dahil sa hindi nito umano pagtrato nang tama kay Alexa Ilacad.

Sina KD, Eian, at Alexa ay batchmates sa Kapamilya reality search na Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Trending sa Twitter ang tensiyon sa pagitan ng tatlo matapos kumalat sa social media ang screen capture ng group chat ng supporters ni Eian.

Makikitang kasali rito si Eian; at nag-send siya ng screenshot ng tweet ng kanyang supporter na may text na, "NEVER NAG HABOL AT NEVER MAG HAHABOL SAYO SI EIAN."

Sinang-ayunan ito ni Eian. Sabi pa niya, "Sino si BEAH? Boto natin for President!"

Eian Rances

Continue reading below ↓

Hindi malinaw kung ano ang mitsa ng mensaheng iyon, pero usap-usapan sa Twitter na patama raw iyon ni Eian kay Alexa.

Mabilis iyong kumalat sa Twitter.

Malinaw na nakarating ito kay KD, na hindi nagustuhan ang hinihinala ng netizens na patalikod na tirada ni Eian kay Alexa.

Sunud-sunod ang tweets ni KD hinggil sa isyu ngayong Martes, April 12, 2022.

Hindi napigilang hirit ni KD (published as is), "marites ka parin tol."

KD Estrada, Eian Rances, Alexa Ilacad

Continue reading below ↓

Hindi man tahasang binanggit ni KD, tila tinutukoy niya ang group chat kunsaan waring pinag-uusapan ni Eian at ng fans nito si Alexa.

Sabi pa ni KD (published as is), "lookin left coz you didn't treat her right hahahah"

KD Estrada, Eian Rances, Alexa Ilacad

Ito pa ang panghuling mensahe ni KD (published as is): "i have respect naman, just none for you and just unfollow me please i know you can see this."

Continue reading below ↓

KD Estrada, Eian Rances, Alexa Ilacad

Trending ang "PROTECT KD AT ALL COST" dahil sa fans nila ni Alexa na ikinatuwa ang pagtatanggol ni KD sa dalaga.

WHAT HAPPENED DURING THEIR PBB STINT

Hindi kaila sa fans na nagkaaminan sina Eian at Alexa na may "crush" sila sa isa't isa sa loob ng Pinoy Big Brother house.

Continue reading below ↓

Pero naudlot iyon nang magkaroon sila ng di pagkakaunawaan.

Read: Alexa Ilacad to Eian Rances: “Omigod, do you think ginagamit lang kita?"

Naging malapit din sina Alexa at KD sa isa't isa habang nasa loob ng PBB house dahil si Alexa ang naging takbuhan ni KD nang mabasted si KD ni Anji Salvacion.

Paglabas ng Bahay Ni Kuya, naging bukas sina Alexa at KD na mas naging malapit sila sa isa't isa lalo pa't napagtatambal sila sa mga proyekto.

Naging maayos din naman ang pagkakaibigan nina Alexa at Eian, pero sa di malinaw na dahilan ay nagkairingan sila ngayon.

Read: Alexa Ilacad describes closeness with KD Estrada, Eian Rances

ALEXA'S REACTION TO GROUP CHAT ISSUE

Kung nasaktan man si Alexa sa naunsiyami nilang pagkakamabutihan noon ni Eian, tila ngayon ay nagpapasalamat siyang hindi sila natuloy sa mas malalim na ugnayan.

Tweet niya kalakip ng no-good emoji: "i dodged a bullet."

Continue reading below ↓

KD Estrada, Eian Rances, Alexa Ilacad

Sa comments section, humirit ang kaibigan ni Alexa na si Alora Sasam na, "guilty" daw siya na hindi pinapansin ang "red flags" dahil "you want to see the good in people."

Pero diin ni Alora, "Never again."

KD Estrada, Eian Rances, Alexa Ilacad

Continue reading below ↓

Nakarating naman kay Alexa na trending ang "YOU ARE LOVED ALEXA," na mensahe ng kanyang fans na ipinagtatanggol siya sa isyu sangkot si Eian.

Sabi ni Alexa sa supporters, "too blessed to be stressed. sending you all my love."

KD Estrada, Eian Rances, Alexa Ilacad

EIAN'S STATEMENT

Samantala, pinutakti naman ng batikos si Eian dahil sa lumabas na patalikod na tirada niya umano kay Alexa sa kumalat na group chat screenshot.

Continue reading below ↓

Tweet ni Eian (published as is): "in time, everything will fall into place.

"so for now, embrace the uncertainties, ngumiti sa kabila ng mga pangungutya, maging matatag and keep reminding yourself that God is in charge of all things at lahat ng bagay ay nangyayari ng may dahilan."

Inalmahan ito ng fans ni Alexa dahil ni hindi man lang daw nakuhang mag-sorry ni Eian at ito pa raw ang nagpaawa sa tweet nito.

Dahil dito ay nag-trend din ang "CANCELEIANRANCES."

Eian Rances

Continue reading below ↓

Eian Rances

Eian Rances

Continue reading below ↓

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"MARITES KA PA RIN TOL." KD Estrada (left) shields Alexa Ilacad (center) from Eian Rances (right) who allegedly dissed her in a group chat with his fans.
PHOTO/S: @kdestrada_ / @alexailacad / @eianrances Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results