Fifth Solomon reveals relationship with gamer

by Rachelle Siazon
Apr 14, 2022
Fifth Solomon
"Ganito pala feeling ng may jowa," writes Fifth Solomon in his Instagram post showing his picture with Sacarie during their trip to Bohol.
PHOTO/S: @fifthsolomon Instagram

Ipinagmalaki ni dating Pinoy Big Brother All In housemate Fifth Solomon na mayroon na siyang kasintahan.

Ngayong Maundy Thursday, April 14, 2022, ipinost ni Fifth sa kanyang Instagram ang litrato nila ng kanyang "jowa" na ang username sa Instagram ay Sacarie.

Nakalagay sa bio ni Sacarie na isa siyang gamer at freelance model.

Magka-holding hands sina Fifth at Sacarie sa viewing deck sa Chocolate Hills sa Carmen, Bohol.

"Ganito pala feeling ng may jowa," kilig na caption ni Fifth.

Dagdag niya, "makakagamit na din ako ng quotes tulad ng 'I wish I knew you before I knew you.'

Ginamit din niya ang hashtag na "#JowaReveal."

Fifth Solomon

Continue reading below ↓

Marami sa mga kaibigang artista ni Fifth ang masaya para sa kanyang love life.

Kabilang sina Maris Racal, Barbie Imperial, Rufa Mae Quinto, Candy Pangilinan, Loisa Andalio, Joj Agpangan, Alora Sasam, at Pamu Pamorada sa mga bumati kay Fifth.

Batchmates ni Fifth sa PBB All In sina Maris at Loisa

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ganito pala feeling ng may jowa," writes Fifth Solomon in his Instagram post showing his picture with Sacarie during their trip to Bohol.
PHOTO/S: @fifthsolomon Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results