Trina Candaza says reconciliation with Carlo Aquino not happening because...

by Rachelle Siazon
Apr 15, 2022
Trina Candaza, Carlo Aquino
Trina Candaza admits she initiated breakup with live-in partner Carlo Aquino.
PHOTO/S: @trinacandaza / @jose_liwanag Instagram

Tila may parinig si Trina Candaza kay Carlo Aquino kung ano ang balakid bakit hindi posibleng magkabalikan sila sa ngayon.

Noong March 31, 2022, isang netizen ang nagpaabot ng mensahe kay Trina na sana ay magkaayos sila ni Carlo sa ngalan ng anak nilang si Baby Mithi.

Pinayuhan pa ng netizen si Trina na "kalimutan" ang nakaraan at "magsimula muli."

Diretsong sinagot ni Trina ang isyu, at sinabing may mga tao sa paligid ni Carlo ang tila hindi pabor na magkaayos sila ng dating live-in partner.

"Mahirap na po magkabalikan lalo na kung yung mga taong nakapaligid support sa pagiging single ng tao na para bang walang batang nawalan ng buong pamilya," saad ni Trina.

Trina Candaza, Carlo Aquino

Continue reading below ↓

Noong March 30, unang natanong si Carlo ng media kung posibleng balikan niya ang isang dating karelasyon.

Safe ang sagot ni Carlo na ayaw niyang magsalita nang tapos, at tatanggapin lang daw niya kung ano ang ibigay ng "tadhana" sa kanya.

Sa panayam ding iyon inamin ni Carlo na early this year nang maghiwalay sila ni Trina.

Napanatili raw nilang "civil" ang kanilang relasyon sa ngalan ng anak.

Read: Is Carlo Aquino open to a reconciliation with Trina Candaza?

THIRD-PARTY ISSUE?

Hindi malinaw kung ano ang mitsa ng hiwalayan nina Trina at Carlo.

Pero noong January 2022, naging usap-usapan ang pag-alis ni Trina sa bahay ni Carlo sa Quezon City.

Kasama ni Trina ang anak na si Mithi sa nilipatan nilang condo unit.

Naisapubliko ang breakup ng couple dahil sa cryptic Facebook post ni Trina na, "You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya.

Continue reading below ↓

"Kung may pinupuntahan na agad na babae…"

Read: Is Trina Candaza alluding to Carlo Aquino in "may pinuntahan agad na babae" post?

Sinundan pa niya iyon ng makahulugang Instagram Stories kunsaan ni-repost ni Trina ang tungkol sa isang babaeng sinabihang "toxic" ng kanyang karelasyon.

Pero sa parte raw ng babaeng iyon, pakiramdam nito ay na-gaslight ito nang kuwestiyunin ang karelasyong nagsinungaling dahil sa ibang babae.

Read: Trina Candaza hits back at basher who said "binalikan ka ng karma" amid rumored breakup with Carlo Aquino

TRINA'S CANDID STATEMENTS

Prangka si Trina kahit noong sila pa ni Carlo.

Sa vlog niya noong November 2021, inamin nitong may pagkakataong nag-aaway sila ni Carlo at minsan ay may kinalaman sa "girls" ang tampuhan nila. Madali naman daw silang nagkakaayos noon.

Hanggang sa nito ngang pagpasok ng 2022, nagkahiwalay ang dalawa.

Sa isang Facebook comment niya noong April 3, 2022, nilinaw ni Trina na siya ang nag-initiate ng hiwalayan nila ni Carlo.

Continue reading below ↓

"Parang wala naman po kasi sinabi si carlo na siya ang nakipag hiwalay, sa pag kaka alala ko po parang baliktad," saad ng mensahe ni Trina sa isang ulat tungkol sa hiwalayan nila ni Carlo.

Trina Candaza, Carlo Aquino

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Trina Candaza admits she initiated breakup with live-in partner Carlo Aquino.
PHOTO/S: @trinacandaza / @jose_liwanag Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results