Open na talaga si King of Hearts Daniel Padilla sa pagpapahayag ng kanyang suporta sa presidential bid ni Vice President Leni Robredo.
Nitong April 16, 2022, kumalat sa social media ang kanyang mga larawan habang kasama ng grupo ng mga artists at mga Leni supporters na nagpipinta ng mural nina VP Leni at ng ka-tandem nitong si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa isang subdivision sa Fairview, Quezon City.
Kung pagbabatayan ang mga kuha, maoobserbahang naroon na sa lugar si DJ mula noong sinimulan ang pag-sketch ng mural hanggang sa matapos ito.
Matatandaang unang isinapubliko ni Daniel noong March 9 kung sino ang kanyang bet sa May 9 national elections nang magpa-picture siya sa tabi ng isang campaign poster ni VP Leni.
Sinuportahan din niya si VP Leni noong 2016.