Kylie Verzosa's "broken" tweet sparks breakup rumors with boyfriend Jake Cuenca

by Arniel C. Serato
Apr 19, 2022
Is Kylie Verzosa-Jake Cuenca relationship on the rocks?
Is Kylie Verzosa-Jake Cuenca relationship on the rocks?
PHOTO/S: Courtesy: @juancarloscuenca on Instagram

Ikinabahala ng mga tagasubaybay nina Kylie Verzosa at Jake Cuenca ang isang cryptic tweet ng Miss International 2016 noong Linggo, April 17, 2022.

Maiksi man ang nasabing tweet ni Kylie, nagdulot ito ng hinalang baka may pinagdadaanan ang magkarelasyon.

Tanging tweet ng beauty queen-actress: “Broken”

Tanong ng isang follower ni Kylie: “Did u split up?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diretsong komento ng isang follower: “Nganong gabuwag man mo dai? Kasayang ba oi. [Bakit kayo naghiwalay ‘Dai? Sayang naman.]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpaabot naman ang ilan ng comforting words kay Kylie:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang sinagot si Kylie sa mga pang-uusisa ng kanyang followers.

Sa Instagram, walang bagong post si Jake tungkol sa kanila ng girlfriend.

Ang huling upload ng aktor na magkasama sila ni Kylie ay noon pang March 23.

Si Kylie ay hindi naman mahilig mag-upload ng larawan nila ng nobyo. Pero nananatiling naka-follow sila sa isa’t isa.

September 2019 nang umamin ang dalawa na may relasyon na sila.

Noong December 2019, itinanggi ni Jake na nagli-live in na sila ni Kylie.

Read: Jake Cuenca neither confirms nor denies live-in rumor with girlfriend Kylie Verzosa

Noong June 2020, sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, magkasama sa isang condo unit sina Jake at Kylie.

Ikinukunsidera pa ni Jake na isang "luxury" ang bawat araw na kasama niya ang kasintahan.

Saad ng Kapamilya actor, "Kumbaga, iyong lockdown, parang siyang early stage, parang ito na rin siguro, parang ganito na pagka kasal na.

"Di ba, lagi kayong magkasama and everything?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"This is siguro an early experience for us both.

"And if anything, nag-strengthen iyong relationship namin."

READ: Jake Cuenca on spending ECQ with Kylie Verzosa: "Parang ganito na pagka kasal na."

Wala pang bagong pahayag ang dalawa ukol sa isyu.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is Kylie Verzosa-Jake Cuenca relationship on the rocks?
PHOTO/S: Courtesy: @juancarloscuenca on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results