Katrina Llegado "ready to defy expectations" in Miss Universe Philippines 2022 bid

by Nikko Tuazon
Apr 20, 2022
Katrina Llegado
Miss Taguig City Katrina Llegado on what to expect from her performance at the Miss Universe Philippines 2022 grand coronation night: "Isang word lang talaga: extravaganza. So talagang pinaghandaan namin ito ng team ko and I hope you guys would also appreciate yung mga pinaghandaan namin. Bongga talaga. It’s what the fans want and I will give it to them."
PHOTO/S: Nikko Tuazon

Isa si Katrina Llegado sa maituturing na front runner para sa Miss Universe Philippines 2022 title lalo't malawak na rin ang experience nito sa pageantry.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Boracay nitong Lunes, April 18, 2022, sinabi ni Katrina na malaki ang tulong ng kanyang experience sa mga nasalihang pageants sa performance niya para sa Miss Universe Philippines 2022.

Sumali si Katrina sa Miss World Philippines noong 2019, kung saan napanalunan niya ang korona bilang Reina Hispanoamericana Filipinas 2019.

Sa Bolivia naman lumaban si Katrina para sa Reina Hispanoamericana 2019 title noong February 2020. Nakuha nito ang 5th runner-up sa nasabing pageant.

Pahayag ni Katrina, "Being a national titleholder and competing in Bolivia, my pageant experience dun talaga is nakatulong sa akin into what my status is right now.

"Ako kasi, before, I have a lot of doubts as a person and my confidence talaga growing up is parang I started from the bottom.

Continue reading below ↓

"Kaya right now, being able to compete sa Bolivia and here sa Miss Universe, I could really tell na I’m a woman who evolved and who has grown.

"And I hope people would see that."

Patuloy niya, "The Kat who fought sa Bolivia is someone who’s new, who’s raw. But right now, I am stronger and I am ready to defy the expectations of all the people watching me.

"And here to prove that, not just everyone watching me, but to myself na kaya ko maging Miss Universe Philippines."

Aminado naman si Katrina na nababasa niya ang mga kritisismo sa kanya sa social media, partikular na ang tungkol sa kanyang communication skills.

Ginagamit daw ni Katrina ang mga komentong ito bilang inspirasyon upang patuloy na i-improve ang sarili.

"Sa akin naman, I’m very much aware that people always criticize me about my communication skills. And that is something na I’m very open and I’m continuously improving.

Continue reading below ↓

"As long as you have the character, as long as you have the influence, and you’re genuine and authentic, you can make it."

MUPH SISTERHOOD

Kalaban muli ni Katrina ang kapwa beauty queen na si Michelle Dee para sa Miss Universe 2022 title.

Si Michelle ang nanalong Miss World Philippines 2019. Top 12 semi-finalist din si Michelle sa Miss World 2019 pageant na ginanap sa London, England noong December 14, 2019.

Continue reading below ↓

Si Michelle ang itinuturing ni Katrina na biggest competitor niya sa Miss Universe Philippines 2022 title, ngunit friendly competition daw ito sa pagitan ng dalawa lalo't matalik din silang magkaibigan.

Saad ni Katrina, "Ang lagi ko namang sagot dito is si Michelle Dee. And, of course, this is a friendly competition.

"Kasi way back 2019, nagkasama na kami with Miss World Philippines 2019. That previous pageant of ours, and ngayon we’re together again.

"Of course, this time, it’s a sisterly competition. You all guys know naman how strong our friendship is.

"And also with Celeste, so the three of us talaga built a connection here sa Miss Universe Philippines."

Si Miss Pasay City Celeste Cortesi, na kinoronahang Miss Philippines Earth 2018, ang isa pang former national titleholder na kasalukuyang lumalaban para sa Miss Universe Philippines 2022 title.

Nangako naman si Katrina na marami pa siyang pasabog na ipakikita sa mga susunod na araw, lalo na sa grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 pageant na gaganapin sa April 30, 2022, sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City.

Continue reading below ↓

Aniya, "Isang word lang talaga: extravaganza.

"So, talagang pinaghandaan namin ito ng team ko and I hope you guys would also appreciate yung mga pinaghandaan namin.

"Bongga talaga. It’s what the fans want and I will give it to them."

READ MORE:

Miss Universe Philippines 2022 candidates heat up Boracay in colorful bikinis

Is Catriona Gray attending Miss Universe PH 2022 coronation night?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Taguig City Katrina Llegado on what to expect from her performance at the Miss Universe Philippines 2022 grand coronation night: "Isang word lang talaga: extravaganza. So talagang pinaghandaan namin ito ng team ko and I hope you guys would also appreciate yung mga pinaghandaan namin. Bongga talaga. It’s what the fans want and I will give it to them."
PHOTO/S: Nikko Tuazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results