Kylie Verzosa gets emotional about relationship question amid rumored breakup with Jake Cuenca

by Arniel C. Serato
Apr 20, 2022
Kylie Verzosa in tears when breakup topic discussed on It's Showtime
Kylie Verzosa can't hold back her tears after a contestant on "Showtime Sexy Babe" shared her breakup experience.
PHOTO/S: Courtesy: ABS-CBN Entertainment on YouTube

Hindi napigilang maiyak ng beauty queen-actress na si Kylie Verzosa nang mapag-usapan ang tungkol sa hiwalayan sa Kapamilya noontime show na It's Showtime, kahapon, April 19, 2022.

Sa segment na “Showtime Sexy Babe,” kung saan isa si Kylie sa mga hurado, bigla na lamang siyang naluha dahil sa kuwento ng isang contestant kung paanong ang minsang maliliit na bagay ay pinag-aawayan na nila ng nobyo.

Ayon sa host na si Vice Ganda, minsan talaga sa mga relasyon ay magkakaroon ng mga away na kahit mga maliliit lang na argumento, hudyat na pala ito upang maghiwalay.

Ani Vice, “Minsan kasi confusing 'yan, na ito ba ay isang pagsubok lang ulit? Na bukas lalampasan namin ‘to o sign na ito na dapat tapusin na?

“Kasi hindi ka naman laging nakikipaghiwalay, para sa akin lang naman, hindi mo naman laging tinatapos ang relasyon dahil… hindi naman laging natatapos ang relasyon, dahil naubos na ang pagmamahal mo.

Continue reading below ↓

“May mga pagkakataon na kahit meron ka pang pagmamahal, kailangan mo nang tapusin ang relasyon na ito.”

Dagdag pa ni Vice, may mga pagkakataon na yung parehong pinag-awayan ng magkarelasyon noon ay iba na ang dating sa kanila kung pag-aawayan din nila ito ngayon.

Ayon pa kay Vice, ito kaya ay bagong pagsubok o senyales na itong kailangan na nilang tapusin ang kanilang samahan.

Hirit pa niya, “Uy, si Kylie nag-iisip. May pinagdadaanan ka bang challenge o may nakikita kang sign?”

Hindi naman nakasagot agad si Kylie hanggang sa naluha na lamang ito.

Kaagad naman siyang niyakap ng mga kapwa niya hurado na sina Chie Filomeno at Ruffa Gutierrez.

Niyakap din siya ni Vice.

Sabi lang ni Kylie, “Na-touch lang ako.”

Umingay kahapon, April 19, ang isyung baka nagkakalabuan si Kylie at ang boyfriend niyang si Jake Cuenca.

Kasunod ito ng cryptic Twitter post ni Kylie nung Linggo, April 18 na, “Broken.”

Continue reading below ↓

Read: Kylie Verzosa's "broken" tweet sparks breakup rumors with boyfriend Jake Cuenca

September 2019 umamin sina Kylie at Jake na sila na.

Wala pang pahayag pareho ang dalawa ukol sa breakup rumors.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Verzosa can't hold back her tears after a contestant on "Showtime Sexy Babe" shared her breakup experience.
PHOTO/S: Courtesy: ABS-CBN Entertainment on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results