Wala pa ring pahayag hanggang ngayon sina Jake Cuenca at Kylie Verzosa kaugnay ng balitang on the rocks umano ang kanilang relasyon.
Kasunod ito ng “broken” tweet ng beauty queen noong Linggo, April 17, 2022.
Read: Kylie Verzosa's "broken" tweet sparks breakup rumors with boyfriend Jake Cuenca
Lalo pang uminit ang usap-usapang may pinagdadaanan sila dahil sa pag-iyak ni Kylie sa segment ng It’s Showtime na “Showtime Sexy Babe” kahapon, April 18, nang mapag-usapan ang tungkol sa hiwalayan.
Read: Kylie Verzosa gets emotional about relationship question amid rumored breakup with Jake Cuenca
Kinagabihan, sunud-sunod ang posts ni Jake sa kanyang Instagram Stories.
Sabi niya sa isang IG Story: “I wish I could wipe away your tears...”
Kasunod nito ang isang mensahe para sa taong ipinaramdam niya ang kanyang pagmamahal.
Saad sa post: “Whatever someone you become, wherever you are in the world…
“I’m sending you love.”
Makahulugan naman ang huling IG Story ni Jake.
May larawan ito ng isang band aid na may caption na “i will try to fix you..”
Dalawang taon at kalahati na ang relasyon nina Jake at Kylie, na umaming sila na noong September 2019.
Noong June 2020, inamin ni Jake na magkasama sila sa iisang condo ni Kylie sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic lockdown.
Read: Jake Cuenca on spending ECQ with Kylie Verzosa: "Parang ganito na pagka kasal na."