Derek Ramsay sends "hugs and kisses" to basher giving him, wife Ellen Adarna "1 year max before you break up"

by Bernie V. Franco
Apr 21, 2022
derek ramsay ellen adarna
Derek Ramsay replies to basher who said he was "clingy" to wife Ellen Adarna, and gave their relationship just a year before it ends.
PHOTO/S: @ramsayderek07 on Instagram

Hindi nagustuhan ni Derek Ramsay, 45, nang taningan ng isang basher ang pagsasama ng aktor at ng misis nitong si Ellen Adarna, 34.

Noong April 12, 2022, nag-post si Derek sa Instagram ng happy family photo nila ni Ellen at anak ng aktres na si Elias Modesto.

Sa series of photos, makikita ang tatlong nakahiga pa sa kama at tila kakagising lang.

“Mornin [happy face emojis]” simpleng caption ni Derek na indikasyong maganda ang kanilang gising.

Sweet comment ni Ellen: “My boys My lovesss [red heart emojis] im home [red heart emojis]”

Si Elias ay anak ni Ellen sa dati nitong karelasyong si John Lloyd Cruz.

ellen adarna

Continue reading below ↓

Sa comments section ay may basher na tila hindi maganda ang gising.

Tinawag nitong "clingy" si Derek na daig pa raw ang babae.

Tinaningan din nito ng isang taon ang pagsasama nina Derek at Ellen.

Inakusahan pa ng basher si Derek na mas mahal pa raw nito ang anak ni Ellen kesa sa sariling anak ng aktor.

Si Austin, 18, ay anak ni Derek sa kanyang first wife na si Mary Christine Jolly.

Sinagot ni Derek ang basher at tila naramdaman niya ang pagka-bitter nito.

Buong sagot ni Derek: “If you are feeling alone and unloved I can help.

“I can feel your sadness and loneliness.

“Sending you virtual hugs and kisses. Take care.”

derek ramsay

Continue reading below ↓

Pinuna rin ng supporters ni Derek ang basher sa hindi magandang komento nito sa aktor.

Hindi na muling nagkomento ang basher.

Sina Ellen at Derek ay nagkakilala sa isang salo-salo na ginanap sa bahay ng aktor noong January 2021.

Kasama pa noon si Ruffa Gutierrez at dating kaibigan ni Derek na si John Estrada.

Sa isang radio interview ay ibinunyag nina Ellen at Derek na first monthsary nila bilang couple noong March 4, 2021.

Ginanap naman ang kanilang kasal sa isang outdoor wedding noong November 2021.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay replies to basher who said he was "clingy" to wife Ellen Adarna, and gave their relationship just a year before it ends.
PHOTO/S: @ramsayderek07 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results