Tim Connor slams commenters accusing Maggie Wilson of cheating on Victor Consunji

by Rachelle Siazon
Apr 21, 2022
Tim Connor, Maggie Wilson, Victor Consunji
Businessman Tim Connor (left) refuses to take cheating allegations hurled against him and Maggie Wilson (in both photos) sitting down. The two have been rumored to be in a relationship months after Maggie's separation from husband Victor Consunji (right).
PHOTO/S: @inamartelino via @iamtimconnor / @wilsonmaggie Instagram

Pinabulaanan muli ni Tim Connor ang akusasyon sa kanila ni Maggie Wilson na may sinagasaan sila sa kanilang pagkakamabutihan.

Kahapon, April 20, 2022, idineklara ni Maggie ang espesyal niyang saloobin para kay Tim.

Read: Maggie Wilson goes public with her feelings for Tim Connor

Noong March 19, 2022, unang nag-post si Tim ng litrato kunsaan nakaakbay siya kay Maggie.

Malaman ang caption ni Tim na nagsasabing, "Some things in life happen for a reason..."

Maggie Wilson, Tim Connor

Continue reading below ↓

Isang netizen ang nagpasaring ng alegasyong cheating kina Tim at Maggie.

Kaugnay ito ng espekulasyong sina Tim at Maggie ay higit sa pagiging magkaibigan at business partners ang ugnayan.

"Some things in life happen for a reason.... Like the cheating and the betrayal," sarkastikong komento ng netizen.

Hindi ito inatrasan ni Tim na nagsabing hindi totoong may niloko sila ni Maggie.

Depensa ni Tim (published as is): "not quite...have another go..."

Maggie Wilson, Tim Connor

Continue reading below ↓

May dalawa pang netizens ang nagpahiwatig ng opinyon nilang may kinalaman umano si Tim sa hiwalayan ni Maggie at estranged husband nitong si Victor Consunji.

Babala ng netizen sa kausap nitong commenter, siguradong ide-delete daw ang comments nila sa thread ng Instagram post ni Tim.

Sabi ng netizen sa kausap nitong commenter (published as is): "nagcomment ka na naman, ililimit na naman ni @iamtimconnor yung comments dito like last time nung may mga nagcomment Ng affair nila ni Maggie kase takot sila na malaman Ng mga tao kung ano talaga yung nangyari."

Tinawag ni Tim na "troll" ang inaakusahang cheater umano si Maggie.

Zero kasi ang post sa Instagram feed ng commenter.

Pambabara ni Tim sa commenter: "I love you have such a big opinion hiding behind a troll account.

"If something was true you would have no issue with using your own account, but it's not so there we are.

Continue reading below ↓

"Your right we do delete comments of not real people, if you are a real person comment what you want."

Maggie Wilson, Tim Connor

Pinalakpakan naman ni Tim ang netizen na nag-akusa na "obvious" daw na si Maggie "ang nagloko" kaya nauwi sa hiwalayan ang marriage nito.

Maggie Wilson, Tim Connor

Continue reading below ↓

Read: Maggie Wilson alludes to "strong reasons" for separation from husband Victor Consunji

TIM AGREES VICTOR IS HOTTER THAN HIM

Dahil sa hinihinalang relasyon nina Tim at Maggie, isang netizen ang nagkomento na tingin niya ay "hotter" si Victor kaysa kay Tim.

Sabi ng netizen, "Victor is hotter tho, just sayin [shuts mouth emojis]."

Sang-ayon naman ni Tim, totoong hotter si Victor sa kanya.

Maggie Wilson, Tim Connor

Continue reading below ↓

Magkakilala sina Tim at Victor.

Pareho silang dumalo sa Maldives wedding ng kanilang common friend noong July 2021.

Kasama pa noon ni Victor si Maggie, at si Tim naman ay ka-date ang kanyang longtime girlfriend noon.

TIM's earlier denial about cheating issue

Noong December 2021, naiulat ang unang pagsagot ni Tim sa isyung cheating na ibinabato sa kanila ni Maggie.

Nilinaw ni Tim na wala silang nilokong tao dahil hindi sila nagkarelasyon ni Maggie habang sila ay may kanya-kanya pang karelasyon noon.

Galing din kasi si Tim sa isang long-term relationship sa co-founder ng pag-aari niyang kumpanya na may kinalaman sa investment at partnership sa iba-ibang negosyo.

Read: Maggie Wilson, Tim Connor deny cheating on their ex-partners; are they a couple now?

MAGGIE'S SEPARATION FROM VICTOR

Hindi naman lingid sa sumusubaybay kay Maggie na September 2021 nang inanunsiyo niya ang hiwalayan nila ng asawang si Victor Consunji.

Read: Maggie Wilson, Victor Consunji announce separation

Continue reading below ↓

Sinabi niya noong "mutual" ang desisyon nilang tuldukan ang kanilang 11-year marriage.

Kinalaunan, unti-unting nagpahiwatig si Maggie na hindi naging madali para sa kanya ang mga huling taong pagsasama nila ni Victor.

May "vault" daw siya ng "receipts" na magpapatunay ng kanyang saloobin, pero hindi niya tuwirang sinasabi kung anu-ano ang mga ito.

Read: Maggie Wilson alludes to conflict with estranged husband Victor Consunji

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kung anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Businessman Tim Connor (left) refuses to take cheating allegations hurled against him and Maggie Wilson (in both photos) sitting down. The two have been rumored to be in a relationship months after Maggie's separation from husband Victor Consunji (right).
PHOTO/S: @inamartelino via @iamtimconnor / @wilsonmaggie Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results