Kylie Verzosa evades question about rumored breakup with Jake Cuenca

by Jojo Gabinete
Apr 22, 2022
kylie verzosa
Kylie Verzosa on the last person she said "Ikaw lang ang mahal ko" to: “Ang sarili ko… siguro ikaw lang ang mahal ko… kailangan mo kasi… Oo, sinabihan ko ang sarili ko na ikaw lang ang mahal ko…"
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Lalong lumakas ang mga haka-hakang may problema sa relasyon nina Kylie Verzosa at Jake Cuenca dahil sa naging sagot ng former Miss International sa face-to-face press conference ng Ikaw Lang Ang Mahal ng Viva Films na naganap sa isang events place sa Quezon City ngayong Biyernes ng hapon, April 22, 2022.

Tinanong kay Kylie, sa kanyang co-stars na sina Zanjoe Marudo, Cara Gonzales, at sa kanilang direktor na si Richard Somes kung sino ang una nilang sinabihan ng "Ikaw lang ang mahal"?

“Una kong sinabihan romantically, siguro nu’ng ako, mga padulo na ng college ko, yung una ko pong boyfriend.

"Siya yung sinabihan ko ng ikaw lang yung mahal ko," sagot ng beauty queen-turned-actress, na natuwa dahil muli niyang naranasang dumalo sa isang face-to-face presscon makalipas ang halos dalawang taon.

Sa tanong kung sino ang huling sinabihan niya ng "ikaw lang ang mahal," matagal na nag-isip si Kylie bago ito nagsalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Ang sarili ko… siguro ikaw lang ang mahal ko… kailangan mo kasi…

"Oo, sinabihan ko ang sarili ko na ikaw lang ang mahal ko…"

Nabigo ang mga entertainment writer na umasa at nag-akalang babanggitin niya ang pangalan ni Jake.

Noong Martes, April 19, isa si Kylie sa mga judge sa "Showtime Sexy Babe" ng It’s Showtime.

Napaluha siya nang maging paksa ang breakup kaya nagkaroon ng mga hinalang may pinagdaraanan ang relasyon nila ni Jake.

Read: Kylie Verzosa gets emotional about relationship question amid rumored breakup with Jake Cuenca

Tinanong si Kylie kung maaaring ibahagi niya ang dahilan ng pag-iyak niya sa It’s Showtime, pero magalang ang naging pakiusap niya.

“Mahirap ko kasing i-explain saka kung okay lang sana huwag niyo nang tanungin ngayon.

"Pero gusto ko lang po i-focus yung movie ngayon.

"Sana po, huwag niyo na lang pong tanungin," apela ni Kylie, na pinagbigyan at nirespeto ng entertainment press.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Verzosa on the last person she said "Ikaw lang ang mahal ko" to: “Ang sarili ko… siguro ikaw lang ang mahal ko… kailangan mo kasi… Oo, sinabihan ko ang sarili ko na ikaw lang ang mahal ko…"
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results