Watch Now

Zeinab Harake unfollows partner Skusta Clee on IG; tweets, "Help me out of this hell."

Apr 22, 2022
Zeinab Harake, Skusta Clee
YouTuber Zeinab Harake unfollows partner Skusta Clee days after reported miscarriage. Both Zeinab and Skusta are tight-lipped as netizens speculate if the two are having a lovers' quarrel.
PHOTO/S: @zeinab_harake / @extraordinaryl Instagram

May pinagdadaanan ba ang relasyon ng live-in partners na sina Zeinab Harake at Skusta Clee?

Si Zeinab ay YouTuber na may 12.1 million subscribers; habang si Skusta, aka Daryl Ruiz, ay kilalang rapper at member ng grupong Ex Battalion.

Hindi nakaligtas sa masugid na sumusubaybay sa dalawa nang i-unfollow ni Zeinab si Skusta higit isang linggo na ang nakararaan.

Zeinab Harake, Skusta Clee

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pati si Skusta ay naka-unfollow rin kay Zeinab.

Zeinab Harake, Skusta Clee

Napansin din ng netizens na kung di man burado ay naka-archive sa ngayon ang mga litrato ni Skusta sa IG feed ni Zeinab.

Bunsod nito ay may napatanong kung ano ang nangyayari sa couple.

Read: Zeinab Harake gives virtual tour of "sobrang perfect" nursery room for her baby girl

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ZEINAB TWEETS "HELP ME OUT OF THIS HELL"

Kagabi, April 21, 2022, emosyunal ang tweet ni Zeinab na "Help me out of this hell."

Wala namang sinabi si Zeinab kung may kinalaman ang tweet niya kay Skusta o kay Baby Moon.

Hindi kaila na lubos na nalumbay si Zeinab nang ibalita niya sa publiko na nakunan siya noong April 11. Pinangalanan niya ang kanyang unborn baby na Baby Moon.

Waring nililibang niya ang sarili nang magtungo siya ng restobar kasama ng ilang kaibigan kagabi, April 21.

Zeinab Harake, Skusta Clee

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila nito ay naalala pa rin ni Zeinab ang pumanaw na unborn baby niya, base sa kanyang Instagram Story kahapon kunsaan tinatanaw niya ang buwan.

"hi moon ko miss na kita sa tummy ko," saad sa written text dito.

Zeinab Harake, Skusta Clee

Hindi naman malinaw kung ano ang reaksiyon ni Skusta na walang paramdam o anumang post sa social media tungkol sa miscarriage ni Zeinab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE "THIRD PARTY" ISSUE

Sa gitna ng pinagdadaanan ni Zeinab, ngayong Biyernes, April 22, kumalat sa social media ang ilang litrato ni Skusta kasama ang isang di kilalang babae.

Nakasuot si Skusta ng red hoodie at naka-matching red shirt din ang di kilalang babae. May wacky photos ang dalawa na magkaakbay at waring nagkukulitan sa parking lot.

Skusta Clee

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nabigyan iyon ng malisya ng ibang netizens na inakusahan si Skusta ng diumano'y pambababae.

Dahil dito ay pinutakti ng batikos si Skusta at binansagang "once a cheater always a cheater."

Skusta Clee

Skusta Clee

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dawit ang di kilalang babae na itinuturong alleged third party.

Pero agad itong dinepensahan ng isang Facebook user na nagpakilalang kaibigan niya ang babae na inuugnay kay Skusta.

Kuha raw ang picture ni Skusta at ng lady in red noon pang March 2021.

Taliwas daw sa paratang ng mga malisyosang netizens, ka-close umano ni Skusta ang lady in red na iyon.

"And that time magkasama sila ni skusta together with zeinab pero tulog si buntit kaya di nasama sa picture," sabi pa ng netizen na nagtanggol kina Skusta at lady in red.

Skusta Clee

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinasabing ang pink car na hagip sa litrato ay sasakyan ni Zeinab.

Bilang patunay ay ipinakita ng netizen ang screenshot ng Messenger messages na ipinadala sa kanya ni lady in red na may picture kasama si Skusta.

Ayon pa rin sa netizen, sinend sa kanya ni lady in red ang pictures nito kasama si Skusta dahil alam daw nitong fan siya ng Ex Battalion.

Skusta Clee

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SKUSTA'S ALLEGED CHEATING IN THE PAST

Sa mga sumusubaybay sa couple, hindi kaila na on-and-off ang relasyon ng couple noong mga panahong wala pa silang anak.

Kadalasan na mitsa ng kanilang awayan ay may kinalaman sa pambababae umano ni Skusta.

March 2019 nang mag-livestream si Zeinab para almahan ang isyung "sinisigaw" umano ni Skusta sa isang club na siya ay "p*kp*k."

Binanatan naman ni Zeinab na mas akma raw ang salitang iyon kay Skusta na marami umanong babae.

Hiwalay sila noong panahong iyon, pero kinalaunan ay nagkabalikan din.

Kasagsagan ng pandemya, mid-2020, muling naghiwalay sina Zeinab at Skusta.

Sa isang vlog ay naghinaing pa si Zeinab na "paulit-ulit" siyang nagpapatawad "hanggang sa naubos ako."

Ayaw na raw niya maging "marupok" dahil walang mangyayari kung hahayaan niyang papasukin muli sa buhay niya si Skusta.

Pero noong December 2020 ay nag-post si Skusta ng sweet photo nila ni Zeinab na nagpahiwatig na nagkabalikan sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May 1, 2021 nang ipanganak ni Zeinab ang anak nila ni Skusta na si Baby Bia.

Read: Zeinab Harake gives birth to baby girl

Mula noon ay tila naging maganda ang pagsasama ng couple.

Sa ngayon ay hindi pa rin malinaw kung mayroon nga bang hindi pagkakaunawaan sina Zeinab o Skusta.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
YouTuber Zeinab Harake unfollows partner Skusta Clee days after reported miscarriage. Both Zeinab and Skusta are tight-lipped as netizens speculate if the two are having a lovers' quarrel.
PHOTO/S: @zeinab_harake / @extraordinaryl Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results