Herlene Budol makes it to Top 40 of Binibining Pilipinas 2022

by Jojo Gabinete
Apr 22, 2022
herlene budol
Kapuso comedienne Herlene "Hipon Girl" Budol is among the 40 official candidates of Binibining Pilipinas 2022.
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram

Nagbubunyi ang mga tagasuporta at tagahanga ni Herlene "Hipon Girl" Budol dahil kabilang siya sa official Top 40 candidates ng Binibining Pilipinas 2022.

Read: Herlene Budol, nag-transform sa litrato niya para sa Binibining Pilipinas 2022

Naganap ang final screening para sa 58th edition ng Binibining Pilipinas sa New Frontier Theater.

At ngayong gabi, April 22, 2022, inilabas ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) ang listahan ng mga opisyal na kandidata.

Si Herlene, ang ex-Pinoy Big Brother housemate na si Diana Mackey, at ang former Viva actress na si Stacey Gabriel ang tatlo sa mga showbiz personality na nabigyan ng pagkakataon para magkaroon ng beauty title mula sa Binibining Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Contestant din sa 58th edition ng Binibining Pilipinas si Roberta Tamondong, ang Miss Eco Teen International winner noong 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa 40 official candidates, ang pagsali ni Herlene sa Binibining Pilipinas 2022 ang tinututukan dahil sa kanyang popularidad sa kasalukuyan at sa paghingi ng dasal mula sa mga tagahanga niya para makasali siya sa nabanggit na prestigious beauty pageant.

Matindi ang pressure sa paglahok ni Herlene sa Binibining Pilipinas dahil sa mga unsolicited advice na pagbutihin niya ang kanyang communication skills, bilang hindi sapat na puhunan ang katangkaran at ang kagandahan para manalo at magkaroon ng korona.

Ang pagpasok ni Herlene sa Top 40 candidates ng Binibining Pilipinas ang kanyang unang hakbang para matupad ang pangarap niyang a maging beauty queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Bb. Pilipinas-International, Bb. Pilipinas-Grand International, Bb. Pilipinas-Intercontinental, at Bb. Pilipinas Globe ang mga beauty title na ipamamahagi ng BPCI.

Ang mga sumusunod ang magtutunggali para sa mga nasabing karangalan:

1. Anna Valencia Lakrini

2. Anne De Mesa

3. Chelsea Fernandez

4. Christine Juliane Opiaza

5. Cyrille Payumo

6. Diana Mackey

7. Diana Pinto

8. Eiffel Rosalita

9. Elda Louise Aznar

10. Esel Mae Pabilaran

11. Ethel Abellanosa

12. Fatima Kate Bisan

13. Gabrielle Basiano

14. Gracia Elizabeth Mendoza

15. Graciella Lehman

16. Gwendoline Meliz Soriano

17. Iman Franchesca Cristal

18. Ina Patricia Malaluan

19. Jane Darren Genobisa

20. Janine Navarro

21. Jashmin Dimaculangan

22. Jasmine Omay

23. Jeriza Uy

24. Jessica Rose Mcewen

25. Joanna Day

26. Joanna Ricci Alajar

27. Karen Laurrie Mendoza

28. Krizzia Lynn Moreno

29. Leslie Avila

30. Ma. Francesca Taruc

31. Mariella Esguerra

32. Maru Justinne Punsalang

33. Natasha Ellema Jung

34. Nicole Borromeo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

35. Herlene Nicole Budol

36. Nyca Mae Bernardo

37. Patricia Go

38. Roberta Tamondong

39. Stacey Daniella Gabriel

40. Yllana Marie Aduana

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso comedienne Herlene "Hipon Girl" Budol is among the 40 official candidates of Binibining Pilipinas 2022.
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results