What did Jeremy Jauncey say when asked if he's engaged to Pia Wurtzbach?

by Rachelle Siazon
Apr 23, 2022
Jeremy Jauncey, Pia Wurtzbach
Business owner Jeremy Jauncey gets quizzed if he and Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach are engaged to be married. The couple have been in a relationship for more than two years.
PHOTO/S: @jeremyjauncey Instagram

Umugong ang balitang engaged na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa businessman boyfriend na si Jeremy Jauncey noong April 12, 2022.

Read: Are Pia Wurtzbach and Jeremy Jauncey engaged?

Ito ay matapos mamataang nakasuot si Pia ng diamond ring sa kanyang left ring finger, kunsaan karaniwang nakalagay ang engagement ring.

Nahuli iyon ng mapanuring netizens sa video ni Pia nang kitain nila ni Jeremy ang ina ng beauty queen sa kanilang quick stop sa London, England.

Ngayong nasa Pilipinas ang couple, nakapanayam si Jeremy sa World Travel and Global Tourism Summit kunsaan imbitado siya bilang founder at CEO ng content and creative agency na Beautiful Destinations.

Dito ay tinanong siya kung engaged na nga ba sila ni Pia, ayon sa ulat ni Mario Dumaual ng TV Patrol noong April 21, 2022.

Makikita sa video na bahagyang natawa si Jeremy bago iniwasang sagutin ang isyu.

"Oh... I cannot comment about that," nakangiting saad ni Jeremy.

Continue reading below ↓

Hindi malinaw kung bakit hindi dinenay at hindi rin naman kinumpirma ni Jeremy ang hinihinalang engagement nila ni Pia.

NOW YOU SEE IT, NOW YOU DON'T MOMENT WITH PIA'S RING

Pero sa kilos din ni Pia sa vlog ng ina noong April 12, makikitang sandali lang suot ni Pia ang diamond ring sa kanyang left ring finger.

Mahahalatang tinanggal din niya iyon dahil hindi ito makikita sa kabuuan ng vlog.

Kapansin-pansin din noong maya't maya niya kinakapa ang gawing itaas ng dibdib na waring may tsine-check na kung ano.

Dahil hindi na nga makita ang diamond ring sa kanyang ring finger, hinihinalang posibleng isinukbit niya iyon sa kuwintas na nakatago sa kanyang top kaya panay ang kapa niya rito noon.

Mukhang mamahalin ang diamond ring na nakitang suot ni Pia dahil malaki ang diamond stone nito.

Hinihinalang nag-propose si Jeremy kay Pia nang magpunta sila sa Switzerland kamakailan para sa work commitment doon ng binata.

Continue reading below ↓

Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey

PIA TELLS JEREMY PH IS NOW HIS "SECOND HOME"

Kung anu't ano man, hindi maikakailang masaya ang takbo ng relasyon ng couple.

Noong April 18, nag-post si Jeremy ng litrato nila ni Pia na kuha sa eroplano nitong pauwi sila ng Pilipinas.

Continue reading below ↓

Excited si Jeremy dahil four years ago pa raw ang huling punta niya sa Pilipinas.

Sa comments section, nag-reply si Pia (published as is), "Welcome to your 2nd home [lovestruck emoji] we’re adopting you, youre a Pinoy now [laughing emojis] get ready to eat some balut hahahaha."

Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey

Higit dalawang taon nang magkasintahan ang dalawa. Ipinagdiwang nila ang kanilang second anniversary noong December 31, 2021.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Business owner Jeremy Jauncey gets quizzed if he and Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach are engaged to be married. The couple have been in a relationship for more than two years.
PHOTO/S: @jeremyjauncey Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results