Tim Connor reacts to Pinay netizen asking him, "Are you tuli?"

by Rachelle Siazon
Apr 23, 2022
Tim Connor, Maggie Wilson
Maggie Wilson laughs out loud as rumored boyfriend Tim Connor exclaims, "Aww! What is with Filipinas asking about my penis?"
PHOTO/S: @iamtimconnor / @wilsonmaggie Instagram

Kasalukuyang nasa California, USA ang rumored couple na sina Maggie Wilson, 33, at Tim Connor, 34.

Noong April 20, 2022, isinapubliko ni Maggie ang espesyal na ugnayan nila ni Tim, sa pamamagitan ng Instagram, na tinuruan daw siyang mahanap ang best version ng kanyang sarili.

Sakto iyon sa ika-34 kaarawan ni Tim.

Read: Maggie Wilson goes public with her feelings for Tim Connor

Kasabay ng pagiging bukas tungkol sa kanilang saloobin para sa isa't isa, nagpaunlak si Tim ng "Ask Me Anything" sa kanyang Instagram Stories kunsaan sinagot niya ang ilang mga katanungan mula sa kanyang followers.

Isa rito ay diretsahan siyang tinanong: "Are u tuli?"

Halatang Pinoy ang netizen dahil ang "tuli" ay Filipino word na ang English translation ay "circumcised."

Sa video, tinawag ni Tim si Maggie para i-translate ang tanong sa kanya ng netizen.

Ani Tim, "Hi, Mags. What's this for me?"

Lumapit si Maggie at napangiti nang mabasa niya ang tanong ng netizen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Translate ni Maggie, "Are you circumcised?"

Natawa si Tim at sinabing, "Aww! What is with Filipinas asking about my penis? I have 50 in my DM."

Tila ang tinutukoy niya ay may 50 direct messages (DM) siyang natanggap mula sa Pinay netizen na ganoon ang tanong.

Napahagalpak ng tawa si Maggie sa tinuran ni Tim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa namang netizen na naguwapuhan kay Tim ang nagtanong, "Why are you so hot? And I love your accent."

"Thank you, yeah, I really can't answer this one. But my accent is British. Unlike this one's accent, which is, well, American," tukoy ni Tim kay Maggie, na half-British din.

Nasa loob sila ng kotse noon nang i-pan ni Tim ang camera kay Maggie.

"I'm eating!" protesta ni Maggie.

Sinabi rin ni Tim na siya ay may tangkad na six-foot-one-inch.

May Pinoy fan din si Tim na nagtanong na sana raw ay gumawa siya ng reality show sa Pilipinas.

Sabi naman ni Tim, wala siyang proyekto sa Pilipinas sa ngayon, "But who knows what could come?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Maggie, 33, ay Filipino-British na Bb. Pilipinas World 2007 titlist, model, host, at may negosyong may kinalaman sa interior design.

Si Tim, 34, ay isang British-Thai entrepreneur na ang negosyo ay may kinalaman sa investment at partnership sa real estate, restobars, at start-up companies.

BACK STORY

Bago pa nagdeklara si Maggie ng saloobin niya tungkol kay Tim, una nang naghayag si Tim ng paliwanag tungkol sa closenes nila ni Maggie.

Nag-post si Tim ng litrato nila ni Maggie na kuha sa Arab Fashion Week noong March 15, 2022.

Kalakip nito ang caption ng paliwanag nitong hindi rin daw niya akalaing aabot sila ni Maggie sa kung anuman ang ugnayan nila sa ngayon.

Pero paglilinaw ni Tim, wala silang nilokong ibang tao.

Hindi tahasang binanggit ni Tim pero ang tinutukoy niya ay ang pagkuwestiyon ng netizens hinggil sa pagkakaroon nila ni Maggie ng kanya-kanyang karelasyon noon.

Si Maggie ay 11 taong kasal sa property developer na si Victor Consunji, hanggang sa inanunsiyo ni Maggie noong September 2021 na hiwalay na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Tim ay mayroon ding longtime partner na kasosyo niya sa negosyo, pero nag-break din sila noong 2021.

Dahil tila magkasabay na nahiwalay sa kani-kanilang partner noon, at agaw-pansin ang pagiging malapit nila ngayon, kaya may mga netizen na binabato sina Tim at Maggie ng "cheating" allegations.

TIM ON REAL SCORE WITH MAGGIE

At nang magdiwang ng 33rd birthday si Maggie noong March 15, 2022, may malamang pahayag si Tim tungkol sa pagiging malapit nila ng model-host-interior designer.

Ito ang kabuuang post ni Tim (published as is):

"Happy Birthday to this one!

"Before you ask NO, there was NO 'plan', NO cheating, and nothing more than just two people that 'clicked' getting close! (almost by accident).

"Although I can't speak for Maggie if you asked me eight months ago, would things have turned out the way they have? I would have thought you were crazy!

"I think we both agree it's not been easy, but having had each other to chat things through, whether it's laughing or crying, has been an absolute blessing!

"What you see with Maggie is what you get; she wears her heart on her sleeve, she is loving, caring and doesn't mind being vulnerable in front of the whole world to see. (sometimes to her detriment).

"Raw and to the point, a great friend and an amazing 'business' partner!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, patuloy ang espekulasyon ng netizens hinggil sa tunay na estado ng relasyon nina Maggie at Tim.

Hanggang sa kasalukuyan ay walang direktang kumpirmasyon kung magkasintahan ba sila o magkaibigan at business partners lamang.

Maggie Wilson, Tim Connor

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maggie Wilson laughs out loud as rumored boyfriend Tim Connor exclaims, "Aww! What is with Filipinas asking about my penis?"
PHOTO/S: @iamtimconnor / @wilsonmaggie Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results