Jake Cuenca posts crying photo after confirming breakup with Kylie Verzosa

by Rachelle Siazon
Apr 23, 2022
Jake Cuenca, Kylie Verzosa
A heartbroken Jake Cuenca posts crying photo soon after announcing that his three-year relationship with Kylie Verzosa has ended.
PHOTO/S: @juancarloscuenca Instagram

Hindi napigilan ni Jake Cuenca, 34, ang maiyak matapos isapubliko na totoong break na sila ni Kylie Verzosa, 30.

Read: Jake Cuenca confirms breakup with Kylie Verzosa

Tatlong taon silang magkarelasyon.

Nitong pandemya ay may panahong magkasama rin silang nanirahan sa isang bubong.

Bago mag-alas singko ng hapon ngayong Sabado, April 23, 2022, nag-post si Jake sa Instagram ng pahayag niya.

Makalipas ang higit-kumulang 30 minuto, may sumunod siyang Instagram Story ng litrato niyang umiiyak.

Makikitang tumulo ang luha niya hanggang sa kanyang leeg. Naka-topless si Jake sa litrato.

Walang caption ang photo pero hindi malayong may kaugnayan ito sa breakup nila ni Kylie.

Jake Cuenca, Kylie Verzosa

Continue reading below ↓

Binanggit ni Jake sa kanyang IG post na mabigat sa puso niya ang sabihing bigo ang pag-iibigan nila ni Kylie.

Babaunin daw niya ang mga magagandang alaala sa loob ng tatlong taon nilang relasyon.

JAKE'S CRYPTIC POSTS

Ngayong Sabado, April 23, may iba pang IG Stories si Jake na quote cards.

Isa rito ay nagsasabing "Let them keep what they took from you." Nilagyan niya iyon ng crying emoji.

Jake Cuenca, Kylie Verzosa

Continue reading below ↓

Sinundan niya iyon ng kantang "Let It Go" ni James Bay, isang hugot song tungkol sa couple na nag-iibigan noon, pero nauwi sa awayan at pagkakanya-kanya ng buhay.

Bahagi ng lyrics nito: "So come on, let it go / Just let it be / Why don't you be you /
And I'll be me?

"Everything that's broke / Leave it to the breeze / Let the ashes fall / Forget about me."

Jake Cuenca

Continue reading below ↓

Tila pinipilit naman ni Jake maging positibo ang disposisyon sa kabila ng pinagdadaanan.

Narito ang isa pang quote card mula sa kanyang IG Story na nilagyan niya ng prayer emojis:

Jake Cuenca, Kylie Verzosa

TEARY-EYED KYLIE VERZOSA

Maging si Kylie ay tila hirap din sa hiwalayan nila ni Jake.

Noong April 19, 2022, hindi napigilan ni Kylie na maiyak sa It's Showtime kunsaan isa siya sa mga hurado ng segment na "Sexy Babe."

Continue reading below ↓

Agaw-pansin na napaisip si Kylie nang magbigay ng payo si Vice Ganda tungkol sa mga couple na nag-aaway.

Ayon kay Vice, "May mga pagkakataon na kahit meron ka pang pagmamahal, kailangan mo nang tapusin ang relasyon na ito."

Dito na napaluha si Kylie, na hindi umamin noon kung totoong may pinagdadaanan itong breakup.

Read: Kylie Verzosa gets emotional about relationship question amid rumored breakup with Jake Cuenca

Kahapon, April 22, 2022, sa presscon ng pelikulang Ikaw Lang Ang Mahal, sinubukang tanungin ng press si Kylie kung bakit siya umiyak sa It's Showtime at kung break na sila ni Jake.

Pero sa halip na sagutin ang tanong, pakiusap ni Kylie, "Sana po, huwag niyo na lang pong tanungin."

Pinagbigyan at nirespeto ito ng entertainment press.

Read: Kylie Verzosa evades question about rumored breakup with Jake Cuenca

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A heartbroken Jake Cuenca posts crying photo soon after announcing that his three-year relationship with Kylie Verzosa has ended.
PHOTO/S: @juancarloscuenca Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results