Troy Montero recalls manager asking him to break up with Aubrey Miles for publicity

by Rachelle Siazon
Apr 26, 2022
Aubrey Miles, Troy Montero
Aubrey Miles on staying committed to Troy Montero long before they got engaged: "Hindi ako yung type na pag one time nagkamali siya, I'm out. Wala akong ganun. We treated our relationship na parang kasal na, kung anuman feeling ng kasal. We fight because we want to stay together. Not to fight because you just want to say, 'I'm right, you're wrong.'"
PHOTO/S: @miles_aubrey / @troymontero Instagram

Matagal na nagsama sa isang bubong sina Aubrey Miles at Troy Montero nang hindi kasal, pero hindi raw nila naranasang mag-walkout sa kanilang pagsasama.

READ: Why it took 18 years for Aubrey Miles, Troy Montero to want to tie the knot

Sa sobrang chill ng relasyon ng dalawa, ibinahagi ni Troy na may insidenteng pinayuhan sila ng manager nila ni Aubrey na maghiwalay para lang sa publicity.

"I have to admit there was one point... This was very long time ago. We both shared a manager at one point.

"And then, I remember there was a talk na, I think he said, 'You guys need something. You need to have a breakup or something. You know, have some spice.'

"I go, 'Why? If we're happy why do we need to take a break just to make the news?' 'Don't worry, news is always good news.'

"I said, 'Yeah, but can we just release everything is good?' So we did not agree."

Continue reading below ↓

Dagdag ni Aubrey, "Parang pang-spice lang. And then after that, ano yun? That's it? We're back together?"

Eksklusibong nakapanayam sina Aubrey at Troy sa taped episode ng PEP Spotlight na umere sa PEP.ph ngayong April 2022.

Umpisa pa lang ay desidido raw silang panindigan ang isa't isa sa hirap at ginhawa.

Paliwanag ni Aubrey: "Ako yung type na I never had a short relationship. Important sa akin to value that person, my time, my relationship.

"Sa kanya nakita ko, before I really settle on this guy, what are my priorities? What's my goal?'

"Hindi ako yung type na may hole, na baka pag one time nagganito siya, nagkamali siya, I'm out. Wala akong ganun.

"We treated our relationship na parang kasal na, kung anuman feeling ng kasal.

"We fight because we want to stay together. Not to fight because you just want to say, 'I'm right, you're wrong.'"

May 18 taon nang magkarelasyon sina Aubrey at Troy, pero halata pa rin ang kilig nila sa isa't isa.

Continue reading below ↓

Ani Aubrey, "Sabi ko nga, 'Pag nag-break tayo, wala na talagang forever.'"

PAU

"walk-out" days prior to LIVING TOGETHER

Mas nag-aaway pa raw sila noong bago pa lang silang magkasintahan at hindi pa magka-live in.

Sabay napangiti sina Aubrey at Troy nang maalala ang "walk-out" days nila noon.

Balik-tanaw ni Troy, "Probably when we're still new. I think there were times when you're frustrated. You get into a fight and then, 'I'm leaving. I'm going.' You can do that, right?"

Singit ni Aubrey, "Kasi may bahay ka na iba."

Dagdag ni Troy, "It's like we're on a date and something happens, 'Take me home.' It would happen."

Natatawa na lang si Aubrey nang inalala ang "paglalayas" niya noon.

Paalala niya kay Troy, "There was a time when I would sleep in your place for three days. Ta's may arte-arte na, 'I'm leaving.' Akala mo lalayas pero di mo naman bahay.

"Ta's siya din ganun sa bahay. 'I'm not going to your house.' Ako naman, 'What?!' Mga ganung drama.

Continue reading below ↓

"Ngayon wala naman, or nung when we had Hunter wala naman."

Si Hunter ang unang anak nina Aubrey at Troy. Si Hunter ay 13 taong gulang, habang ang bunso na si Rocket ay tatlong taong gulang. Ang isa pang anak ni Aubrey na si Maui ay 21 years old.

READ: Aubrey Miles on pre-courtship days with Troy Montero: "Akala ko di niya ako gusto."

GROWING TOGETHER AND AS INDIVIDUALS

Anim o pitong buwang nanligaw si Troy kay Aubrey bago sila naging magkasintahan noong 2004.

Dinaanan din naman daw nila na paminsan-minsan ay may "doubts or questions" sila sa isa't isa noong kasagsagan ng showbiz career nila.

Pero dahil pareho silang madalas na abala sa kani-kanilang trabaho, wala na raw silang oras para mag-away.

"There are plenty of times for us to be apart. So when we're together, it's almsot like we're just enjoying being together."

Hanggang ngayon ay sinisiguro raw nilang may oras sila para sa sarili para di sila magkasawaan.

Continue reading below ↓

"It's a process, yung knowing this is gonna be my time... We really have to implement it. Do your own thing din.

"Kasi if hindi, if we have kids and we let go of the time we have and we don't have, baka ma-affect yung relationship namin," sabi ni Aubrey.

Dagdag ni Troy, "We talk about what's important to us. We both need time for our workout, which is, like, a hobby for us. It's something we enjoy.

"She's very much into planting. That needs a good amount of time and focus.

"There would be times when we're working in the garden, she asks for my help minsan.

"I'll watch the kids while she'd be doing something. It's an understanding."

Opisyal na na-engage sina Aubrey at Troy noong March 22, 2022.

Pero noon pang April 2020 ay kasado na ang plano nilang magdaos ng intimate wedding sa Batanes. Nakansela iyon dahil sa pandemya.

Continue reading below ↓

Sa ngayon ay wala pang opisyal na plano ang couple kung ikakasal ba sila sa end of 2022 o early 2021. Ang tanging alam daw nila sa ngayon ay gusto nila ng destination wedding at intimate celebration.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aubrey Miles on staying committed to Troy Montero long before they got engaged: "Hindi ako yung type na pag one time nagkamali siya, I'm out. Wala akong ganun. We treated our relationship na parang kasal na, kung anuman feeling ng kasal. We fight because we want to stay together. Not to fight because you just want to say, 'I'm right, you're wrong.'"
PHOTO/S: @miles_aubrey / @troymontero Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results