Miss Roxas City brings the house down at Miss Universe PH 2022 preliminary interview with "diarrhea" story

by Bernie V. Franco
Apr 27, 2022
Miss Roxas City
Miss Roxas City Francheska Dadivas gives very natural and unfiltered answers at the preliminary interviews of the Miss Universe Philippines 2022 pageant that amused and shocked pageant experts.
PHOTO/S: YouTube (Empire Philippines)

Mas naging exciting ang preliminary interviews ng Miss Universe Philippines 2022 pageant dahil sa live telecast ito.

Ngayong Miyerkules, April 27, 2022, ipinamalas ng 32 kandidata ang kanilang husay sa pagsagot ng mga tanong sa preliminary interviews na ipinalabas live via YouTube.

Gaya ng mga nakalipas na taon, meron at merong kandidatang susulpot na agaw-eksena.

Ngayon taon, ito ay si Miss Roxas City Francheska Dadivas.

Napanganga ang ilang pageant authorities nang sumalang sa interview si Francheska.

Sabi ng pageant vlogger na si Norman Tinio, nagmarka sa kanya si Miss Roxas City dahil sa pagiging natural nito. Nahulog nga raw siya sa kanyang kinauupuan sa mga sagot ng kandidata.

Inilarawan naman ng pageant vlogger na si Adam Genato si Francheska bilang “so refreshing” “kakaiba” at “English version ni Miss Manila.”

Si Miss Manila 2020 Alexandra Abdon ay naging viral noong Miss Universe Philippines 2020 pageant dahil sa kanyang pagiging natural at masa.

Continue reading below ↓

MISS ROXAS CITY SAYS SHE IS A RASCAL

Sa dalawang unang tanong kay Miss Roxas City sa preliminary interviews ng Miss Universe Philippines 2022, nagmarka agad ang kanyang sagot dahil sa pagiging totoo niya.

Unang tanong: “In a nutshell, tell us your story from childhood to now that puts a smile on your face.”

Sagot ni Francheska: “I like to do a lot of things so I can’t really say what I do on a daily basis or what I do every time.”

Hindi nag-atubiling aminin ng kandidata na siya ay pilya mula nung bata.

“But in a nutshell, I would say I’m a rascal. Up to now I’m still a rascal. I’d like to make people happy and that’s what I wanna do,” sabi niya.

Mas ikinaloka naman ng judges ang naging sagot ni Miss Roxas City sa pangalawang tanong.

Ano raw ang pinakanakakatawang karanasan niya kasama ang mga kaibigan na hanggang ngayon ay natatawa siya.

Continue reading below ↓

Walang pagdadalawang-isip na sagot ni Francheska: “When I was in grade school, I was told to model our school uniform, but I had diarrhea.

“So, I tried to fart a little bit, but then it was hot, so something came out.

“And I had to do the runway and then I was, like, trying to close my legs…”

Miss Roxas City Francheska Dadivas

Continue reading below ↓

Hindi na tinapos ni Miss Roxas City ang kanyang sagot sa pag-aakalang ubos na ang kanyang oras hanggang sa tumunog na ang bell.

Natawa ang host ng prelims at dinig din ang pagtawa ng mga nasa interview room.

Kung titingnan ang Instagram account ni Miss Roxas City, makikita ang pagiging natural niya dahil hindi siya natatakot mag-post ng wacky shots kahit nagmumukha siyang katawa-tawa.

Continue reading below ↓

MISS ROXAS CITY’S WIT

Sa kabila ng pagiging komikera niya, ipinamalas din ni Miss Roxas City na isa siyang matalinong kandidata.

Sa mga sumunod na tanong, mabilis siyang nakapagbigay ng mga makabuluhang sagot.

Sa paanong paraan niya natutulungan ang mga kababaihan para isulong ang women’s health at well-being?

Tugon niya: “I’m joining this pageant for that advocacy as well. I want to tell the people—also women—that women aren’t just women. Women are women.

“People always say that women are less than men, but we’re not. We’re actually stronger.”

Impressive din ang sagot ni Miss Roxas City nang matanong kung ano ang maipapayo niya sa mga kababaihan “to be socially aware and empowered.”

Aniya: “Keep doing mistakes. Just do you do whatever you want to do, because those mistakes will mold you, who you will become.

“And if she’s here right now, I’d tell her that, ‘You will like who you will become.’”

Continue reading below ↓

Praktikal din ang kanyang sagot sa huling tanong kung anong “feature, tool, or innovation that you have been able to use and maximize as an online shopper and why.”

Sagot ni Miss Roxas City: “That would be my cellphone because it’s very handy, because I can do whatever I want, everywhere. That’s it.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Roxas City Francheska Dadivas gives very natural and unfiltered answers at the preliminary interviews of the Miss Universe Philippines 2022 pageant that amused and shocked pageant experts.
PHOTO/S: YouTube (Empire Philippines)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results