Old video of Miss Manila 2020 belittling Herlene Budol as beauty queen material resurfaces; netizens react

by Bernie V. Franco
Apr 28, 2022
miss manila hipon
The banter between Herlene Budol (left) and Miss Manila 2020 Alexandra Abdon in an episode of Wowowin: Tutok to Win in December 2020 resurfaces following Herlene's entry to the Binibining Pilipinas 2022 pageant.
PHOTO/S: YouTube (Wowowin)

Muling lumutang ang lumang video ng sagutan nina Miss Manila 2020 Alexandra Abdon at Herlene “Hipon” Budol higit isang taon na ang nakalilipas.

Si Alexandra ay ang Miss Universe Philippines 2020 candidate na nag-viral sa preliminary interviews ng national pageant two years ago.

Muling binuhay ng netizens ang video kung saan nagharap sina Herlene at Alexandra sa isang episode ng dating Kapuso game show na Wowowin: Tutok to Win noong December 2020.

Sa video na ito, nagpatalbugan ang dalawa kung sino sa kanila ang mas sexy, mas sosyal, at mas maganda.

Ipinagdiinan dito ni Alexandra ang pagiging “squammy at “iskwater” ni Herlene.

Sinabi rin ni Alexandra na walang karapatang maging beauty queen si Herlene.

Ani Alexandra: “Kahit magpa-pageant ang nanay ni Hipon sa bahay nila, hindi siya qualified. Hindi ka qualified, Hipon, kahit magpa-pageant nanay mo…”

Sabi niya ukol kay Herlene: "Yung standards lang, yung qualifications medyo tagilid tayo doon."

Continue reading below ↓

Ang netizen na nag-repost ng video na ito ay dinugtungan ng video ni Herlene nang mapasali ito sa Top 40 official candidates ng Binibining Pilipinas 2022 kamakailan.

NETIZENS SLAM MISS MANILA AFTER REVIVAL OF VIDEO

Umabot sa higit 9,000 reactions ang edited video na ito na ipinost noong April 24, 2022, at daan-daan ang comments at shares.

Malinaw na binuhay ang isyu kasunod ng pagiging official candidate ni Herlene sa Binibining Pilipinas 2022.

Naging maaanghang din ang komento para ipagtanggol si Herlene at muling ma-bash si Alexandra, gaya ng nangyari matapos nilang magharap ni Herlene sa Wowowin.

Pagtatanggol ng isang netizen kay Herlene: “She proved to Ms Manila that shes totally wrong. Slap back to her face.”

Herlene Budol

Continue reading below ↓

Ang isa pa, tinawag na “kulang kulang” si Alexandra.

Hirit ng isa pa laban kay Alexandra: “Sayang kaya d sumikat at nagng artista to dto sya nadale, attitude and medyo off ugali.”

herlene budol

Bash ng isa pa kay Miss Manila: “Gandang ganda sya sa sarili. Over confident si Ms Manila sa totoo lang. Para sakin mas qualified pa si hipon sa kanya.”

Continue reading below ↓

Herlene Budol

Ilan lang ito sa mga batikos ng netizens kay Alexandra dahil sa nabuhay na video.

hipon vs. miss manila was SCRIPTED

Pero hindi lahat ay pamba-bash. Ipinaliwanag ng ibang netizens na scripted ang ginawang sagutan nina Herlene at Alexandra sa Wowowin episode noon.

Paliwanag ng isa: “Mga gullible at mapagpatol sa fake news wahahahahha..

Continue reading below ↓

“They’re good friends, scripted ang issue nila..

“Kawawa naman si Miss Manila mababash na naman, may ma e’content lang kayo!”

Miss Manila

Pagsang-ayon ng isa pa: “OK naman sila. They’re friends na. Nananahimik na si miss manila.”

miss manila

Continue reading below ↓

Himutok ng isang netizen, patunay ang video na maraming tao ang nalilinlang sa videos na hindi tunay na nauunawaan ang konteksto nito.

miss manila

Nang pumutok ang isyu noong 2020, kinumpirma ni Miss Manila na ang nangyaring sagutan nila ni Herlene ay scripted.

Ipinost noon ng isang supporter ni Alexandra ang pagtatanong niya kung scripted ang sagutan nila ni Herlene.

Continue reading below ↓

Tanong ng supporter kay Alexandra: “bb? Diba scripted lang lahat sa wowowin? [Teary-eyed face emoji]"

Tugon ni Alexandra: “Yes po! [smiling face emoji] Pero yung bash, hindi. Hehe.

“But issokay! Kilala nyo naman ako. [smiling face emoji]”

miss manila

Sa isa pang comment, binatikos ng isang netizen si Alexandra sa pagtawag niya ng “squammy” kay Herlene.

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Alexandra, “napagutusan lang po. just doing my job,” indikasyong scripted nga ang paghaharap nila ni Herlene.

Kasunod pa ng isyung ito ay nagkaroon ng mga collaboration sina Herlene at Alexandra na mga video content at ipinaliwanag na magkaibigan sila.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The banter between Herlene Budol (left) and Miss Manila 2020 Alexandra Abdon in an episode of Wowowin: Tutok to Win in December 2020 resurfaces following Herlene's entry to the Binibining Pilipinas 2022 pageant.
PHOTO/S: YouTube (Wowowin)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results