Leni Robredo, Kiko Pangilinan No. 1 in Google Trends; Sharon Cuneta reacts

by Rachelle Siazon
Apr 29, 2022
Leni Robredo, Kiko Pangilinan, #PHElections2022, Vice Ganda, Sharon Cuneta
Leni Robredo and running mate Kiko Pangilinan both land top spot in Google Trends 10 days before the May 9, 2022 national elections. Seen on the left are Leni and Vice Ganda during the Pasay rally. The left photo is from Sharon's IG photo of her and husband Kiko.
PHOTO/S: Leni Robredo Facebook / @reallysharoncuneta Instagram

Nangunguna ang tambalang Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan sa Google Trends sampung araw bago ang May 9, 2022 national elections.

As of today, April 29, 2022, nakasaad na may 57% searches kay Robredo. Siya ang may pinakamataas na search kumpara sa apat na main rivals niya sa pagkapresidente.

Pumangalawa si Ferdinand Marcos Jr. na may 23% searches, at ikatlo si Manila Mayor Isko Moreno na may 10% searches sa Googe.

Pang-apat naman si Senator Manny Pacquiao na may 7%, at panglima si Senator Ping Lacson na may 3%.

Sa vice presidential candidates, una si Pangilinan na may 46%, at pumangalawa si Davao Mayor Sara Duterte na may 38% searches sa Google Trends.

Pangatlo naman si Senator Tito Sotto na may 12%, sina Lito Atienza at Walden Belo ay parehong may 2%.

Google Trends

Continue reading below ↓

Malaki ang itinaas ng percentage ni Robredo kumpara sa Google Trends noong April 22, 2022, kunsaan nakakuha siya ng 46%, habang si Pangilinan ay may 27% lamang noon.

Tila malaki ang ambag sa pag-arangkada nina Robredo at Pangilinan sa Google Trends dahil sa sunud-sunod na malalaking campaign rally na isinagawa nila nitong nagdaang linggo.

Sa ginanap na campaign rally nila sa Pasay City noong April 23, inendorso si Robredo ni Vice Ganda. Iyon ang unang pagkakataong nasilayan ang It's Showtime host sa kampanya ni Robredo.

Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Leni Robredo, #PHElections2022

Continue reading below ↓

Dumalo rin noong gabing iyon sina Regine Velasquez, Maricel Soriano, Angel Locsin, at Ogie Alcasid na sumusuporta hindi lang kay Robredo kundi pati kay Pangilinan.

Maricel Soriano, Leni Robredo, #PHElections2022

Noong gabi ring iyon inilunsad ang video ni Kathryn Bernardo kunsaan nakasaad na siya ay pro-Robredo at Pangilinan.

SHARON CUNETA'S REACTION

Ikinatuwa naman ni Sharon ang balitang umaangat na rin ang mister niyang si Kiko sa Google Trends searches.

Continue reading below ↓

Kagabi, April 28, 2022, nag-post si Sharon ng screenshot ng Google Trends.

Sabi niya sa caption, "As of the past seven days, according to Google Trends!

"Your will be done, Almighty Father. Win or lose, we will accept Your will graciously and gratefully!"

Google Trends

Sabay ipinunto ng Megstar ang claim ng Google Trends na accurate ang predictions nito sa presidential elections.

Continue reading below ↓

Tumama raw ito sa 2020 U.S. presidential elections kunsaan nanalo si Joe Biden laban kay Donald Trump, at pati sa 2016 PH Elections kunsaan nagwagi si Pangulong Rodrigo Duterte.

PULSE ASIA march 2022 survey

Late March 2022 pa ang huling presidential survey na inilabas ng Pulse Asia.

Ang respondents ay 2,400 adults, may edad 18 years old and above.

Nanguna roon si Marcos Jr. na may 56% votes, habang si Robredo ay nakakuha ng 24%.

Bagamat nangunguna si Marcos Jr., kapansin-pansing 9% ang iniangat ni Robredo, habang si Marcos Jr. ay bumaba ng 4% kumpara sa Pulse Asia presidential survey noong February 2022.

Pinakamalaking ambag sa share ni Robredo ay ang resulta mula sa Balance Luzon kunsaan 14% ang iniangat niya, habang 4% ang ibinaba ni Marcos Jr.

Sa parehong survey ay "stastically tied" din sina Marcos at Robredo sa Region 4a o CALABARZON na may vote-rich population, ayon sa ulat ng CNN Philippines.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Leni Robredo and running mate Kiko Pangilinan both land top spot in Google Trends 10 days before the May 9, 2022 national elections. Seen on the left are Leni and Vice Ganda during the Pasay rally. The left photo is from Sharon's IG photo of her and husband Kiko.
PHOTO/S: Leni Robredo Facebook / @reallysharoncuneta Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results