Alma Concepcion on LGBTQIA+ members joining beauty pageants: "It’s their time to shine."

by Rommel Gonzales
May 2, 2022
Alma Concepcion on LGBTQIAl+
Part of Alma Concepcion's message to LGBTQIA+ community: "Hindi na dapat sinasali yung sexual preference mo when it comes to excellence."
PHOTO/S: @alma.concepcion on Instagram

Pabor ba siya sa pagsali ng LGBTQIA+ (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer and Intersex) sa beauty pageants?

Naitanong ito kay Alma Concepcion dahil gender-related ang seryeng kinabibilangan niya, ang False Positive, na tungkol sa isang mister na nagbuntis.

Nag-trending din kasi ang pagrampa ni Miss Universe Philippines 2021 na si Beatrice Luigi Gomez sa stage in a Francis Libiran suit noong April 30, ang grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2022.

"Definitely yes," ang umpisang pahayag ng Bb. Pilipinas International 1994.

“Parang just the same as any LGBTQIA candidates, kasi yung tinitingnan naman is your capacity to compete mentally, physically.

"So maganda nga sa panahon ngayon, walang discrimination pagdating sa LGBTQIA. Even gay, di ba, may nag-compete na sa Miss Universe na trans.

“So talagang ang ganda ng shift ngayon ng gender equality hindi lang para sa mga babae pero pati na rin sa mga members ng LGBTQIA.

"Kaya I’m very happy simula nung may nag-compete nga na trans, and then now lesbian, so magandang opportunity yun.”

Continue reading below ↓

Ang transwoman na tinutukoy ni Alma ay si Angela Ponce, na naging kinatawan ng Spain sa Miss Universe 2018.

SEXUAL PREFERENCE VS EXCELLENCE

Hindi rin daw maa-undermine ang kakayahan ng isang tao nang dahil sa kanyang gender.

Dugtong ni Alma, “May mga strength ang mga third sex, LGBTQIA, it’s their time to shine.

“Kasi napapansin ko, even my brother who’s gay, napapansin ko lahat ng mga kaibigan niya, lahat productive, lahat successful, so nawawala na yung...mali na yung stigma noon na if you’re gay, kawawa ka naman.

“Nababago na yun.

"Actually, marami ngang businesses tina-target ang mga single, e, kasi they’re the spending crowd, di ba?

“So sila yung ano, sila yung powerful, very powerful ang LGBTQIA when it comes to economy kasi sila yung spending."

Ang mensahe niya sa lahat, huwag maging hadlang sa ikauunlad ng sinuman.

At sa mga miyembro ng LGBTQIA+, huwag panghihinaan ng loob dahil mas bukas na ang kaisipan ng mga tao ngayon.

Continue reading below ↓

“Kaya malaking empowerment ito, malaking opportunity 'tsaka hindi limitasyon ang gender mo to do whatever you like.

“If you wanna compete, if you wanna be a parent, if you wanna shine in whatever career, kahit ano ka pa, kahit ano’ng gender meron ka, it’s a, kumbaga hindi na dapat sinasali yung sexual preference mo when it comes to excellence.

“If you’re very good at what you’re doing di ba, hindi na dapat kinukuwestiyon what you’re doing in your bedroom,” seryosong pahayag pa ni Alma.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alma sa Zoom mediacon ng False Positive noong Lunes, April 18.

Pilot airing ng serye sa GMA-7 today, May 2, kung saan bida sina Xian Lim at Glaiza de Castro.

May livestream din sa YouTube ang False Positive on its pilot week. Mapapanood ito sa official YouTube channel ng GMA Network mula May 2 hanggang May 6 sa oras nitong 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Continue reading below ↓

Sa direksiyon ni Irene Villamor, second lead dito sina Herlene "Hipon Girl" Budol at Buboy Villar.

Kasama rin sina Tonton Gutierrez, Yvette Sanchez, Luis Hontiveros, Rochelle Pangilinan, Dianne dela Fuente, at Ms. Nova Villa.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Part of Alma Concepcion's message to LGBTQIA+ community: "Hindi na dapat sinasali yung sexual preference mo when it comes to excellence."
PHOTO/S: @alma.concepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results