Brothers Alfred and PM Vargas receive two bullets; claim death threat politically motivated

by Jojo Gabinete
May 3, 2022
alfred vargas brother pm vargas
Congressman Alfred Vargas (right) says he and his brother Councilor PM Vargas (left), who is running for congressman, were offered hundreds of millions to withdraw from this elections. He adds, "Gumamit sila ng iba’t ibang emisaryo para paatrasin kami sa laban na ito... Nang hindi nila kami makuha sa pera dinaan naman nila kami ngayon sa paninindak. Umabot na sa puntong ito na nagkaroon ng banta sa aming buhay."
PHOTO/S: @alfredvargasofficial on Instagram

Humarap sa mga miyembro ng media si Quezon City District V Alfred Vargas at ang kanyang kapatid na si PM Vargas ngayong Martes ng hapon, May 3, 2022, para isiwalat ang pagbabanta sa kanilang buhay.

May kinalaman umano sa nalalapit na halalan ang death threat na kanilang natanggap kahapon, May 2. Kandidato si PM bilang House Representative ng District V ng Quezon City.

Sa kanyang binasang pahayag, sinabi ni PM ang pagkabahalang nararamdaman nila ni Alfred dahil sa death threat na ipinarating sa kanila sa pamamagitan ng dalawang bala ng baril.

Bahagi ng pahayag ni PM: “Kahapon, May 2, eksaktong 1:17 p.m., mayroon pong dumating sa District Office sa Novaliches District Center na isang pakete na naka-address sa akin.

“Ang laman ng pakete: dalawang bala ng M16, isa para sa akin, isa para kay Kuya [Alfred].

“Nahagip ng CCTV footage ang mga pangyayari. Maliwanag na ang intensiyon ng nagpadala ay takutin kami at ang aming pamilya.

Continue reading below ↓

“Sa mahigit isang dekada na nating paglilingkod sa distrito, ngayon lamang po ako nakatanggap ng death threat. Ngayon lang nagkaroon ng ganitong klase ng halalan, marumi, magulo, at mapanganib."

Ngunit ayon kay PM, “Hindi po ako magpapatakot sa ganitong klase ng pulitika. Tuloy ang ating laban. Tuloy ang ating pagtulong sa mga tao.

“Tuloy ang ating paninindigan para sa maayos at maprinsipyong Novaliches. Hindi po nating hahayang dumanak ang karahasan lalo na’t buhay ng ating pamilya ang nakataya sa usaping ito.”

Ayon naman kay Alfred, apat na beses silang nakatanggap ng alok ni PM para umatras sa kanilang kandidatura kapalit umano ang daan-daang milyong piso.

Saad niya, “Apat na beses kaming in-offer-an na umatras sa laban na ito.

"Umabot sa daan-daang milyong piso ang inalok sa amin para talikuran na namin ang Distrito Singko. Gumamit sila ng iba’t ibang emisaryo para paatrasin kami sa laban na ito.

“[Pero] ni minsan, hindi namin naisip na ikompromiso ang aming dangal at prinsipyo. Hindi namin kayang talikuran ang Novaleno.

Continue reading below ↓

“Nang hindi nila kami makuha sa pera dinaan naman nila kami ngayon sa paninindak. Umabot na sa puntong ito na nagkaroon ng banta sa aming buhay.

“Ngayon ay nahaharap kami sa ganitong klase ng death threat na itinaon pa sa dulo ng kampanya."

Pakiusap ni Alfred, “Nananawagan kami sa aming mga kadistrito, mga kaibigan, at supporters na samahan ninyo kami na maging vigilant sa lahat ng uri ng kasamaan, pananakot, at pandaraya na ginagawa ng ating mga kalaban ngayong eleksyon.

“Humihingi kami ng tulong sa inyo para protektahan natin ang integridad ng eleksyon, ang aking kapatid at inyong kaibigan.

“Huwag po tayong pumayag sa mga dayong may pakay na manggulo, manloko at mandaya.”

Sinabi ni Alfred na humarap siya sa mga miyembro ng media hindi bilang incumbent congressman ng District V ng Quezon City o artista kundi bilang isang kapatid at kuya.

Maliban kay PM, na tumatakbo sa ilalim ng partidong PDP-Laban, ang mga tumatakbong congressman sa ikalimang distrito ng Quezon City ay sina Congresswoman Annie Susano ng Partido Federal ng Pilipinas, Rose Lin ng Lakas, at ang independent candidates na sina Catherine Esplan, Rose Lyn Sanchez, Angel Rustia Jr., at Antonio Ortega.

Continue reading below ↓

Matapos basahin ang mga opisyal na pahayag nila, humingi ng paumanhin sina Alfred at PM sa media dahil sa payo ng kanilang legal team, hindi na sila nagpaunlak na sagutin ang mga tanong sa kanila.

Ipina-blotter na nina Alfred at PM sa Philippine National Police ang insidente at triple na pag-iingat ang ginagawa nila ngayon dahil banta sa kanilang mga buhay.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Congressman Alfred Vargas (right) says he and his brother Councilor PM Vargas (left), who is running for congressman, were offered hundreds of millions to withdraw from this elections. He adds, "Gumamit sila ng iba’t ibang emisaryo para paatrasin kami sa laban na ito... Nang hindi nila kami makuha sa pera dinaan naman nila kami ngayon sa paninindak. Umabot na sa puntong ito na nagkaroon ng banta sa aming buhay."
PHOTO/S: @alfredvargasofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results