Why Monsour del Rosario is "napapaaway" when he's with a girlfriend back in the '90s

by Melba R. Llanera
May 4, 2022
Monsour del Rosario
Monsour del Rosario on his action star image and martial arts know-how: "Maraming sumubok kung totoong palaban ba ako o magaling ako sa away. May mga tarantadong ganun... Parang natuto ako na kailangan, on the defensive side, na ready ako."
PHOTO/S: Monsour del Rosario Facebook / Screengrab from Matang Agila and Kanang Kamay

Inalala ng actor-turned-politician na si Monsour del Rosario na naranasan niya noong '90s na mapasubo sa away bilang self-defense sa mga pasaway na hinahamon ang galing niya sa martial arts.

Read: Monsour del Rosario weighs in on Reporma switching from Lacson to Robredo

Bukod sa dating artista, si Monsour ay kilala ring taekwondo champion at lumaban sa international competitions tulad ng 1988 Seoul Olympics, Southeast Asian Games, Asian Games, at World Taekwondo Championships.

Si Monsour ay dating Makati First District Representative at kumakandidato ngayong senador sa May 9, 2022 national elections.

Pagbabalik-tanaw ni Monsour, "Ang problema ko nun nung bata ako, siyempre action ang image ko, 'tapos lumalabas taekwondo champion, karatista, martial artist.

"Tapos siyempre may mga girlfriends ako na artista. Ang problema ko nun pag kasama ang girlfriend kong artista noon, pag siya ay binabastos, napapaaway ako madalas.

"Or pag may loko-loko na lasing or addict o nagsisiga-sigaan na pinagtritripan ka, ayun, gulpi ang inaabot. Parang gusto kang testingin ba."

Continue reading below ↓

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Monsour noong April 25, 2022.

Patuloy niya, "Ako naman, basta mano-mano lang, basta armasan, nung time na yun talagang palaban ako. Hindi lang nababalita pero ayun ang madalas na problema ko noon.

"Parang natuto ako na kailangan, on the defensive side, na ready ako. Hindi ako puwede na masyadong friendly, cool lang ako... Pero nahirapan ako, pero na-handle ko later on.

"Maraming sumubok kung totoong palaban ba ako o magaling ako sa away. May mga tarantadong ganun."

Napag-usapan ito nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung may pagkakataong napaaway siya noong siya ay nag-aartista pa.

Aniya, hindi naman daw siya nakaengkuwentro ng artistang inaway siya.

"Pero as far as mga artista is concerned, they're very nice to me naman.

"Yung mga seniors pag hindi ka naipakilala, hindi kayo mag-uusap. Saka ang pagpasok ko sa industry, hindi ako masyadong nakapasok dun, e.

Continue reading below ↓

"Ang attention ko naka-divide sa taekwondo, sa combat sports, and Olympic sports ng taekwondo and martial arts, at the same time sa paggawa ng action movie."

ON EX-GIRLFRIEND DAWN ZULUETA

Isa sa mga naging girlfriend sa showbiz ay ang aktres na si Dawn Zulueta.

Tinanong ng PEP.ph si Monsour kung nagkita at nakakapag-usap pa ba sila ng ex-girlfriend kahit ngayong may sari-sarili na silang pamilya.

"Last time ko siyang nakita nung dinala niya ang mga anak niya sa taekwondo gym ko. Siguro that was 2013 or 2014, at yun din ang last time ko siyang nakausap.

"Yung dalawang anak niya nag-training sa akin, sa Olympians Taekwondo Training Center.

"Okay naman kami, wala namang problema, wala naman akong naririnig na masama o mabuti so I presume everything is all good between us, as friends, of course."

Monsour del Rosario

Continue reading below ↓

MONSOUR on offer for him to do a movie

Isa sa sikat na action star noong '90s, aminado si Monsour na nami-miss niya ang umarte uli sa harap ng kamera.

Ibinahagi niya sa PEP.ph na may pag-uusap na nga sa pagitan nila ng Reality Entertainment producer na si Dondon Monteverde at batikang direktor na si Direk Erik Matti.

"Actually, sobra kong nami-miss lalo na action movies kaya madalas pag wala akong magawa, paulit-ulit kong pinapanood yung mga dati kong pelikulang aksyon at talagang nami-miss ko.

"I didn't find it work. I really enjoyed doing that kind of work. Happy ako nun, working and doing films like that.

"Tumawag sa akin si Dondon Monteverde at si Erik Matti gustong mag-meeting ngayon. Sabi ko, 'Sobrang hectic ng campaign, hindi ako makasingit ng isang araw na meeting sa inyo.'

"May balak nga sila na gumawa ng pelikula na ako ang gagawin nilang bida. Sabi ko pagkatapos na lang ng eleksyon. Sabi nila, ipangako ko, matalo o manalo, gagawa tayo ng pelikula.

Continue reading below ↓

"Sabi ko, 'Sige, matalo o manalo, gagawa kami ng pelikula.'

"Basta action, action-drama, action-horror, action-comedy, basta may action. Kasi, alam naman ninyo na hirap ako mag-Tagalog, alam nila ang weakness ko.

"Pero sabi nila, itong pelikula is with cooperation of movie industry of France. Baka magkaroon ng foreign actors dito, parang French-Filipino movie. Excited ako dun."

THINKING WHAT HE CAN DO TO HELP PH FILM INDUSTRY

Nabanggit din ni Monsour ang pagnanais makatulong sa mga kapwa artista sakaling palarin siyang manalo bilang senador.

Pahayag niya: "You know, what I like siguro, like what other countries do, how the government supports the film industry there, they have all the festivals and promising directors, promising actors.

"Maybe they can give a break on the same way how the other countries are doing for their film industry.

"Of course, I want to sit down with the leaders of the showbiz industry and see what I can do to help them. Nakakalungkot na maraming kilala ko na nawalan ng trabaho sa movie industry na kasama ko noon.

Continue reading below ↓

"If I can find a way to help them to bring them back and back their livelihood, I'll be happy to discuss with them what I can do to help them.

"Of course, I also want to bring back the action movies, the macho genre, yun ang nami-miss ko and wala na akong nakikitang ganyan."

Malaki raw ang ambag ng kanyang pag-aartista noon sa kung paano siya makisalamuha sa tao bilang kongresista.

"Mapa-cameraman man, mapa-effects man, make-up artists, mga iba't ibang klaseng artista, iba-iba ang klase ng ugali.

"Kung paano ka makisama sa utilities, sa nagpapakain, yung mga yun, lalo na sa mga stuntmen, malapit ako sa kanila. Hanga kasi ako sa mga stuntmen.

"Yung na-experience ko sa movie industry nung nakakasama ko ang mga yun, nung pumasok ako sa public service naging madali sa akin na mag-adjust sa mga tao.

"Although hindi sila coming from movie industry, hindi sila yung mga tao sa behind the scenes, pero halos pareho lang.

Continue reading below ↓

"Hindi ka nalalayo sa kanila, yung mga tricycle driver, pedicab driver, taxi driver, truck driver. Ganun din ang kultura ng pag-iisip, iba lang ang trabaho."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Monsour del Rosario on his action star image and martial arts know-how: "Maraming sumubok kung totoong palaban ba ako o magaling ako sa away. May mga tarantadong ganun... Parang natuto ako na kailangan, on the defensive side, na ready ako."
PHOTO/S: Monsour del Rosario Facebook / Screengrab from Matang Agila and Kanang Kamay
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results