Herlene Budol aces sample beauty-pageant Q&A: "Teka lang, ha."

by Bernie V. Franco
May 4, 2022
herlene hipon
Herlene Budol on answering questions in a recent vlog. “Hindi pa ako masyadong nagtu-tutorial na jutakan [utakan], kaya ngayon pa lang ako nag-start."
PHOTO/S: herlene_budol on Instagram / YouTube (Famngarap)

Nagpa-sample si Herlene “Hipon” Budol, 22, ng kanyang kakayahan sa pagsagot ng beauty-pageant questions sa isang recent vlog.

Tampok si Herlene sa first vlog ng LGBTQ couple na sina Apple at Aian sa kanilang YouTube channel na FAMngarap na in-upload nitong May 1, 2022.

Binato ng mga tanong si Herlene at nasubok dito ang kanyang question-and-answer skills.

Si Herlene ay official candidate ng Binibining Pilipinas 2022

Nang sabihan si Herlene na sasagot siya ng mga tanong, may pasubali ang comedienne-aspiring beauty queen.

“Teka lang, ha. Hindi pa ako masyadong nagtu-tutorial sa jutakan [utakan], kaya ngayon pa lang ako nag-start. Don’t expect too much muna,” paalala ni Herlene.

Uanng tanong kay Herlene: sang-ayon ba siya sa pagsali ng mga transgender women sa beauty pageants sa Pilipinas?

Paalala ni Herlene, personal opinyon niya ang kanyang isasagot.

Sabi niya, “Para sa akin, nirerespeto ko yung ano ang desisyon nila [trans women].

“Pero para sa akin lang 'to, ah, may pageant para sa kanila na kaya nilang mas panindigan o bigyan ng mas magandang laban, at ng hustisya yung pinaglalaban nila sa kanilang gender.

Continue reading below ↓

“Kaya para sa akin, may [pageant] para sa kanila.”

herlene hipon

IVF OR ADOPTION?

Isa pang hypothetical question kay Herlene: “Kung ikaw ay magkakaroon ng karelasyon na tomboy o trans man at kayo ay mag-aanak, ano ang mas preferred mo, IVF (in vitro fertilization) o adoption?”

Sagot ng dating Wowowin host: “Sobrang lalim ng tanong na iyan.

Continue reading below ↓

“Pero para sa akin, ha, my own opinion pa rin ito, pipiliin kong mag-adopt.

"Kasi, bukod sa… IVF ba tawag dun? Pang-may budget lang iyon.

“Kasi, kagaya ko, halimbawa, wala akong budget, bakit ko pa ipu-push ang magkaroon ng ganoon kung kaya ko naman mag-adopt?

“’Tapos makatulong pa ako sa mga kabataan na kulang sa pagmamahal ng magulang, financial, na hindi kayang suportahan ang paglaki nila.

“So, ako itong magiging hero nila, magiging magulang nila, na hindi ko man sila isinilang, pero kaya ko silang maging tunay na anak sa puso’t isipan ko.

“Pagtulong ko na rin sa kapwa Pilipino.”

THANKFUL FOR THREE THINGS

Sa kabilang banda, binanggit din ni Herlene ang tatlong bagay na ipinagpapasalamat niya sa buhay.

Una na rito ang makatuntong siya sa entablado ng Wowowin, na siyang naging tiket niya para mapasok ang showbiz.

“This year magga-graduate na ako, fourth year, College of Saint John Paul II Cainta,” pagpapatuloy ni Herlene, na kumuha ng kursong Bachelor of Science in Tourism Management.

Continue reading below ↓

At pangatlo nga ay ang pagpasok niya sa beauty pageant.

“Unexpected. Di ko pa rin ma-sink in sa utak ko na nandito ako, nag-aaral ako, dinadagdagan ko pa ang knowledge, na alam kong marami pa akong hindi alam,” saad ni Herlene.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol on answering questions in a recent vlog. “Hindi pa ako masyadong nagtu-tutorial na jutakan [utakan], kaya ngayon pa lang ako nag-start."
PHOTO/S: herlene_budol on Instagram / YouTube (Famngarap)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results