Watch Now

Loren Legarda's son disowns her for supporting Ferdinand Marcos Jr.: "I am absolutely disgusted..."

by Rachelle Siazon
May 4, 2022
Loren Legarda, Lorenzo Legarda, #PHElections2022
Lorenzo Legarda Leviste expresses his disgust over his mother's, senatorial aspirant Loren Legarda, decision to run under the ticket of Ferdinand Marcos Jr. and Sara Duterte: "There is no understanding that another Marcos presidency would mean the end of everything for the Philippines. The end of history, ang hangganan ng kasaysayan."
PHOTO/S: Loren Legarda Facebook (left)

"I am absolutely disgusted by my mother and what she has decided to do."

Ito ang matalim na mga salitang binitiwan ni Lorenzo Legarda Leviste, 23, laban sa inang si Antique Representative Loren Legarda, 61.

Si Loren ay dalawang beses nahalal na senador bago siya naging kongresista. Kilala rin siya bilang dating batikang journalist at news anchor sa ABS-CBN.

Sa May 9, 2022 elections, kumakandidato si Loren bilang senador sa ilalim ng UniTeam, ang grupo ng tambalang Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte.

Ito ang dahilan ng pagtakwil at pagkasuklam kay Loren ng anak niyang si Lorenzo.

Isang matapang na open letter ang isinulat ni Lorenzo at inilathala sa Rappler ngayong Miyerkules, May 4, 2022.

Ayon kay Lorenzo, hindi niya masikmura na pinili ng ina na suportahan ang kandidatura nina Marcos Jr. at Duterte na tinawag niyang mga pasista.

Naturingan pa raw na journalist si Loren noong panahon ng martial law at diktadurya ng ama ni Marcos Jr., ang yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"She is endorsing fascists. For weeks I have been crying every day, screaming every day until I spat out blood.

"The decision she’s made is so profoundly unthinkable, unconscionable, unforgivable," emosyonal na pahayag ni Lorenzo.

Isang malaking kahihiyan daw ang political alliance ng kanyang ina.

"It sickens me and makes me want to die. I need everyone to know that Loren Legarda lost her son forever because of this.

"Paint her bright red with that shame. Don’t let her forget it. In the words of a wise woman: I don’t know her."

"AGHAST" BY MOM'S "VILE, BRAINDEAD, RECKLESS" REASONING

Binanggit pa ni Lorenzo ang aniya'y katuwiran ni Loren sa pagsuporta sa UniTeam.

"So I am on their ticket. Does that make me a fascist?" sabi raw ni Loren.

Parang dinuraan daw ng ina ang libu-libong katao at mga pamilya na naitalang dumanas ng "atrocities," mapa-panahon daw noong martial law o sa ilalim ng present administration.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"The litany of Marcos crimes is not something to be debated. Their atrocities are fact," diin ni Lorenzo.

Patuloy ni Lorenzo sa kanyang open letter: "I was aghast. This is a woman who lived through Martial Law; she was once a journalist who taught me to value truth and justice.

"This is how vile, braindead, and reckless these people are.

"They literally have no idea what they are doing, the decades of violence and anguish they are unleashing.

"For her it is just any other election year, ripe for the usual craven, convenient opportunism.

"There is no understanding that another Marcos presidency would mean the end of everything for the Philippines. The end of history, ang hangganan ng kasaysayan."

SAYING NO TO "LIES AS ALTERNATE TRUTH"

Si Lorenzo ay kasalukuyang nakabase sa ibang bansa at limang taon nang naninirahan doon. Sa loob ng panahong iyon ay hindi pa rin niya nakikita ang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala raw siyang ideya kung sino ang mga kandidato sa eleksyon, hanggang sa nabalitaan niya ang pagkatuwa ng sikat na international singer na si Ariana Grande nang gamitin ang kanta nito sa grand campaign rally ni Leni Robredo sa Pasig City.

Ganunpaman, hindi raw kaila kay Lorenzo ang nagdaang anim na taong pulitika sa bansa, kunsaan ang mga tao sa tingin niya ay may sakit na "historical amnesia" at "denial" sa tunay na mga pangyayari.

Ito raw ang dahilan kung bakit sa kabila raw ng dinanas ng bansa noon ay muli raw nananaig ang estilong diktadurya sa pamumuno sa bansa.

Saad ni Lorenzo: "I refuse the normalization of fascistic state thuggery, of lies as alternate truth, of the country’s sorry history being rewritten as fable.

"My mother is an example of how fascism takes hold, is made acceptable, normalized, facilitated, ushered in."

Bukod sa inang si Loren, tingin ni Lorenzo ay kasama ang mga botante sa mananagot sa "mass murder, mass theft, the end of democracy, the denial of truth, the rewriting of history" sakaling manalo sa eleksyon si Marcos Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pang pahayag si Loren kaugnay ng mga pahayag na ito ng kanyang anak.

RELATED STORIES:

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lorenzo Legarda Leviste expresses his disgust over his mother's, senatorial aspirant Loren Legarda, decision to run under the ticket of Ferdinand Marcos Jr. and Sara Duterte: "There is no understanding that another Marcos presidency would mean the end of everything for the Philippines. The end of history, ang hangganan ng kasaysayan."
PHOTO/S: Loren Legarda Facebook (left)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results