Pia Wurtzbach and Jeremy Jauncey are engaged

by Rachelle Siazon
May 6, 2022
Pia Wurtzbach Jeremy Jauncey engaged
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach is engaged to boyfriend Jeremy Jauncey after more than two years of being in a relationship.
PHOTO/S: Pia Wurtzbach Instagram

Kinumpirma na ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na engaged na sila ng nobyong si Jeremy Jauncey.

Read: Are Pia Wurtzbach and Jeremy Jauncey engaged?

Sa kanyang Instagram account ngayong Biyernes, May 6, 2022, inanunsiyo ni Pia ang pag-level up ng relasyon nila ni Jeremy.

Saktong nagbabakasyon sa Amanpulo ang magkasintahan pagkatapos nilang maging abala sa kani-kanilang work engagements.

Ipinakita ni Pia ang sweet moments nila ni Jeremy na nakasakay ng yate, sunset swimming, pati ang romantic date na tila surprise sa kanya ng fiancé.

Sabi ni Pia, "We found the perfect place to celebrate and tell you guys..."

Continue reading below ↓

ENGAGED SINCE SWITZERLAND TRIP?

Hinihinalang engaged na ang couple doon palang sa kanilang work-vacation sa Switzerland noong Abril.

April 12, 2022, nag-post ang ina ni Pia na si Cheryl Alonzo ng vlog kasama ang couple na noo'y sandaling bumisita sa London pagkagaling ng Switzerland.

Doon unang nasilayan ng masugid na fans ni Pia na mayroon siyang suot na diamond ring. Tugma iyon sa suot niyang engagement ring ngayon.

Pero base sa vlog na iyon ay makikitang tila itinago ni Pia ang ring, at waring ayaw muna ipaalam sa publiko ang engaged status.

Nagtungo sina Pia at Jeremy sa Pilipinas dahil pareho silang may pinagkaabalahang activities—si Jeremy sa isang tourism event at si Pia sa Miss Universe Philippines 2022 coronation night.

Sa event na dinaluhan ni Jeremy noong April 21, hindi nagkumpirma at hindi nag-deny ang binata nang tiyempong mausisa siya kung totoong engaged na sila ni Pia.

READ: What did Jeremy Jauncey say when asked if he's engaged to Pia Wurtzbach?

Continue reading below ↓

CONGRATULATORY MESSAGES

Nanguna sa pag-abot ng pagbati sa couple ang kapwa beauty queens ni Pia.

Kabilang dito si Miss Universe 2020 Andrea Meza, Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu, at Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Catriona Gray

Pia Wurtzbach

Continue reading below ↓

Pia Wurtzbach

Kinilig din sina Miss World 2013 Megan Young, Miss International 2016 Kylie Verzosa, Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina, Binibining Pilipinas Grand International 2016 Nicole Cordoves, at Miss Universe Philippines 2021 first runner-up Maureen Wroblewitz.

Pia Wurtzbach

Continue reading below ↓

Pia Wurtzbach

Pia Wurtzbach

Continue reading below ↓

Pia Wurtzbach

Pia Wurtzbach

Continue reading below ↓

Hindi rin nagpahuli ang close friends ni Pia na sina Binibining Pilipinas International 2014 Bianca Guidotti at Mutya ng Pilipinas Intercontinental 2010 Carla Lizardo.

Pia Wurtzbach

Pia Wurtzbach

Continue reading below ↓

DATING HISTORY

Si Jeremy ay founder ng creative at content agency na Beautiful Destinations.

Nagkakilala sila ni Pia nang hindi inaasahang magkrus ang landas nila sa Covent Garden sa London.

Nilapitan ni Jeremy si Pia na agad daw niyang nakilala.

Mabilis na nagkagaanan ang loob ng dalawa, at naging opisyal silang magkasintahan noong December 31, 2020.

Related Stories:

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach is engaged to boyfriend Jeremy Jauncey after more than two years of being in a relationship.
PHOTO/S: Pia Wurtzbach Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results