Miting de avance ng Leni-Kiko tandem, top trending sa Twitter

by KC Cordero
May 7, 2022
Crowd at the Leni-Kiko rally at Ayala Avenue, Makati.
Trending topics sa Twitter ang miting de avance nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan sa Makati City.

Inaabangan ng publiko ang miting de avance ng kampo nina Vice President Leni Robredo at dating senador Ferdinand "BongBong" Marcos ngayong May 7, 2022, ang huling araw ng kampanya.

Sa Makati City ang napiling venue ng kampo nina Vice Leni at running mate niya na si Senator Francis "Kiko" Pangilinan.

Sa Parañaque City naman ang UniTeam nina Bongbong at running mate niya na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Sina Bongbong at VP Leni ang frontrunners sa pagkapangulo sa mga surveys na isinagawa ng Pulse Asia.

Kabilang din sa mga presidential candidates sina Senator Manny Pacquiao, Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno, Senator Panfilo “Ping” Lacson, Ka Leody De Guzman, dating National Security adviser Norberto Gonzales, Faisal Mangondato, dating presidential spokesperson Ernie Abella, at Dr. Jose Montemayor, Jr.

Samantala, kapansin-pansin naman sa Twitter ang pagiging trending ng mga hashtags na tumutukoy sa miting de avance ni VP Leni.

Sa Philippine trends, naririto ang kanilang pagkakasunud-sunod pasado alas singko ng hapon:

Continue reading below ↓
  1. #MakatiIsPink
  2. #PilipinasIsPink
  3. #Ipana7oNa10ParaSaLahat
  4. #KikoIsOurVP
  5. #LeniKikoMitingDeAvance

Trending topics at Twitter

Sa Twitter ay walang topic na nag-trend tungkol kina Bongbong at Sara o maging sa UniTeam.

Star-studded din ang miting de avance ng Leni-Kiko team na pinangungunahan nina Sharon Cuneta, Ely Buendia, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Angel Locsin, Coco Martin, Vice Ganda, Anne Curtis, Gary Valenciano, Ben & Ben, Moira at iba pang performers.

Continue reading below ↓

Sa panayam naman kay Bongbong ng DZRH ay sinabi niyang imbitado si Pangulong Rodrigo Duterte sa miting de avance ng UniTeam.

Aniya, “Siyempre, imbitado siya. Wala pa tayong naririnig na siya ay dadalo sa miting de avance natin.”

Ayon kay acting presidential spokesperson Martin Andanar sa kanyang reply sa media sa isang Viber message kung dadalo ang Pangulo sa UniTeam miting de avance: “Standby.”

Hosts sina Ai-Ai Delas Alas at Bayani Agbayani, habang kasama naman sa listahan ng performers sina Toni Gonzaga, Pops Fernandez, Geneva Cruz, Bugoy Drilon, DJ Loonyo, Katrina Velarde, Richard Reynoso, Renz Verano, Andrew E, at iba pa.

Naglabas naman si dating senador Bam Aquino ng aerial shot ng mga tao sa Ayala Avenue bandang 4:30 p.m. kung saan makikitang kulay pink na malaking bahagi ng lugar.

Crowd at the Leni-Kiko rally at Ayala Avenue, Makati.

Continue reading below ↓

Ito naman ang posts ng isang BBM supporter tungkol sa miting de avance ng UniTeam.

UniTeam rally in Paranaque

Continue reading below ↓

Habang sinusulat ang artikulong ito ay wala pang crowd estimate kung gaano karami ang nasa Leni-Kiko rally.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Trending topics sa Twitter ang miting de avance nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan sa Makati City.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results