Watch Now

BBM-Sara supporters dagsa sa UniTeam miting de avance

by KC Cordero
May 7, 2022
The crowd at UniTeam rally.
Hindi nagpakabog ang mga supporters nina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte, at nagpakita ng puwersa sa miting de avance ng UniTeam. Host si Ai-Ai Delas Alas. Naroon din si Toni Gonzaga.

Dumagsa ang mga supporters nina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte sa miting de avance ng UniTeam sa huling araw ng kampanya ngayong May 7, 2022.

May mga bus na galing pa sa karating probinsiya, gaya ng Cavite, Laguna, at Pampanga.

Ginanap ang rally sa harap ng Solaire Resort & Casino Manila sa Parañaque City.

BBM-Sara supporters

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula ang programa bandang alas singko ng hapon.

Nagsilbing hosts sina Ai-Ai Delas Alas at Bayani Agbayani, na siyang nagpakilala sa mga nasa senatorial lineup ng BBM-Sara UniTeam.

Geneva Cruz performing at UniTeam rally

Kabilang sa mga celebrities na nag-perform ay sina Toni Gonzaga, Pops Fernandez, Geneva Cruz, Bugoy Drilon, DJ Loonyo, Katrina Velarde, Richard Reynoso, Renz Verano, Andrew E, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DJ Loonyo performing at UniTeam rally

Pinasalamatan naman si Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Bongbong, ang mga supporters ng UniTeam.

Ani Rodriguez sa kanyang Facebook post, “Sa pagtatapos ng kampanya, ipagpatuloy po natin ang naumpisahang kilusan ng pagkakaisa na inilunsad ng BBM-SARA UniTeam.

“Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa, lumahok at sumama sa paglalakbay tungo sa mas maganda, maunlad at mapayapang bukas na may dalang tunay na pagkakaisa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi nagpakabog ang mga supporters nina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte, at nagpakita ng puwersa sa miting de avance ng UniTeam. Host si Ai-Ai Delas Alas. Naroon din si Toni Gonzaga.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results