780,000 supporters dumalo sa Leni-Kiko miting de avance

by KC Cordero
May 7, 2022
Local rescue team and organizers estimated the crowd at Leni-Kiko rally to be around 780,000.
Ang local rescue team at mga organizers ng event ang nag-estimate sa dami ng tao sa miting de avance nina Vice President Leni Robredo at Senator Francis "Kiko" Pangilinan.

Umabot sa 780,000 supporters ang dumalo sa miting de avance nina Vice President Leni Robredo at Senator Francis "Kiko" Pangilinan na ginanap sa Ayala Avenue, Makati City ngayong May 7, 2022.

Ito na rin ang huling araw ng kampanya para sa mga kandidato sa lahat ng posisyon sa national and local elections na gaganapin ngayong May 9.

Bandang 5:00 p.m., tinatayang nasa 300,000 na ang mga tao sa venue.

Naging 450,000 bandang 6:30 p.m.

Umabot ito sa 750,000 pagsapit ng 8:00 p.m. batay sa pagtataya ng local rescue team at mga organizers ng event.

As of 9:00 p.m., inianunsiyo ng isa sa mga hosts na si Robi Domingo na sinabi ng local rescue team at mga organizers ng event na nasa 780,000 ang bilang ng taong pumuno sa mga kalye sa Makati City.

Ito na ang pinakamalaking miting de avance sa kasaysayan ng halalan sa Pilipinas.

Noong May 7, 2016, tinatayang 300,000 to 600,000 katao ang dumalo sa miting de avance ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Luneta.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang local rescue team at mga organizers ng event ang nag-estimate sa dami ng tao sa miting de avance nina Vice President Leni Robredo at Senator Francis "Kiko" Pangilinan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results