Elmo Magalona explains why he kept mum about past controversy about love life

by Melba R. Llanera
May 9, 2022
Elmo Magalona
Elmo Magalona on how he handled past controversy in his love life: "Siyempre wala naman, tapos na yun. It's just, like, kung ano sa country... Like, you still need to remember kung anuman ang nangyari sa past natin, pero it's always important to look forward and to get up."
PHOTO/S: @elmomagalona Instagram

Sa kabila ng kontrobersiyang pinagdaanan ni Elmo Magalona noon, nananatiling tikom ang bibig ng actor-singer sa mga batikos na naipukol sa kanya.

Masalimuot ang kinauwian ng relasyon nila ng ex-girlfriend na si Janella Salvador noong September 2018, at nagresulta ito sa negatibong imahe sa parte ni Elmo.

Sa Star Magic Slay digital magazine launch na ginanap sa end floor ng Resorts World Manila noong May 4, 2022, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elmo kung bakit pinili niyang manahimik sa isyung kinasangkutan noon.

Sagot ni Elmo: "Kasi alam ko na hindi lang ako ang maaapektuhan. It's something that comes with the job, yun lang.

"Siyempre wala naman, tapos na yun.

"It's just, like, kung ano sa country... Like, you still need to remember kung anuman ang nangyari sa past natin, pero it's always important to look forward and to get up.

"Marami naman talagang magta-try na i-push down ka, crab mentality talaga tayo dito, e."

Continue reading below ↓

Ayon din sa Kapamilya star, hindi naman sa deadma siya sa mga batikos sa kanya noon.

Katuwiran niya: "Hindi sa ganun... but hindi naman kailangang tumingin sa ganun [negativity] dahil maraming blessings ang dapat dun ibigay.

"Pero alam mo yun, it's me focusing on negativity o yung pettiness na lang [kapag pinagtuunan ko pa iyon ng pansin.

"Kapag pinakita sa iyo ang ganitong mga bagay, something na maganda, bakit ka pa titingin sa mga hindi maganda?

"I'm not saying na hindi ko nakikita [yung negativity], siyempre mayroon at ina-acknowledge ko yun.

"Pero imbes na mag-react or gaganti, mag-focus na lang tayo sa kung ano ang positive, kung ano yung nararapat sa atin."

Ano ang mga aral na natutunan niya sa kanyang mga pinagdaanan sa personal na buhay at maging sa kanyang showbiz career?

Tugon ni Elmo, "Be more mindful, be more aware.

"Before kasi, I tend to be more impusilve or react on things.

Continue reading below ↓

"Yun din siguro kaya hindi ako nagiging vocal sa mga issues kasi nga I'd like to be more mindful or more thoughtful on what's gonna happen."

Nang tanungin ng PEP.ph kung may girlfriend siya ngayon, agad namang tumanggi si Elmo.

SELF-CONFESSED KAKAMPINK

Naikuwento rin ni Elmo sa PEP.ph na naging abala siya nitong campaign season sa pagsuporta sa sorties ng tambalang Leni Robredo at Kiko Pangilinan.

Aminado siyang nakaranas siya ng pamba-bash mula sa netizens na kontra sa kanyang napiling mga kandidato, pero ipinagkikibit-balikat na lang niya ang mga ito.

Paliwanag ni Elmo, "Para sa akin kasi, inuuna ko ang pagiging Filipino kaysa yung pagiging celebrity, pagiging artista, siyempre trabaho iyan.

"Pero kailangan pa rin unahin ang bansa at unahin kung ano ang gusto kong makita sa bansa ko at sa future. Sa future, pag nagkaroon ako ng pamilya, uunahin ko talaga yun.

"Yung mga bashing, hindi na natin maiiwasan yun pag ipinakita mo yung paninindigan mo sa isang bagay, talagang magsasalita ang mga hindi naniniwala sa ganun. Para sa akin, wala na naman yun."

Continue reading below ↓

Kapansin-pansin din na sa campaign rallies ng Kakampinks ay kinakanta niya ang mga pinasikat na rap songs ng namayapang amang si Francis Magalona.

Para kay Elmo, ito ang paraan niya ng pagbibigay-pugay sa ama at pagpapakilala ng musika nito sa mga bagong henerasyon.

"Siyempre, para buhay na buhay pa si Papa. Ginagawa ko naman talaga siya kasi number one, siya talaga ang reason kung bakit ako nandito sa industry.

"For the next generations, sa mga mas bata na hindi nakikilala ang mga kanta niya. At least nagagawa ko yun, naririnig ng mga tao uli."

SHOWBIZ CAREER

Sa usaping showbiz career naman ng aktor, isang romantic-comedy show na may titulong Panalo o Talo: It's You! ang pinagkakaabalahan niya ngayon sa Net25.

Read: ABS-CBN star Elmo Magalona headlines new NET 25 teleserye

"I've been doing this project with Net25, it's a rom-com pero it deals with political stuff also but in a light way kasi nga romcom siya."

Continue reading below ↓

Ine-enjoy rin niya ang pagiging solo actor lalo't matagal siyang natali sa pagkakaroon ng love team.

"It's a breath of fresh air, it's something new, and parang there's so much things to try out na hindi ka ipe-pair or as a solo."

Isa sa mga artistang makikita sa Star Magic Slay digital magazine ng Star Magazine, masaya at proud si Elmo na nakasama siya sa featured celebrities dito.

Ang Star Magic ang talent management arm ng Kapamilya Network.

Saad niya, "Siyempre it's an honor, I'm super happy, grateful dahil, first of all, this is the first time in a long time na I've got to work with Star Magic again.

"Yung energy kasi and company of Star Magic people like my handler, iba't ibang handlers din ang kasama namin dun.

"And also Direk Lauren [Dyogi] himself was able to join our shoot.

"I'm very honored na napili ako dahil hindi lahat naman nakasama dito sa shoot."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elmo Magalona on how he handled past controversy in his love life: "Siyempre wala naman, tapos na yun. It's just, like, kung ano sa country... Like, you still need to remember kung anuman ang nangyari sa past natin, pero it's always important to look forward and to get up."
PHOTO/S: @elmomagalona Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results