Watch Now

Pro-BBM celebrities celebrate huge lead of Marcos Jr.; Kakampinks still proud for voting Robredo

by Rachelle Siazon
May 10, 2022
Ai-Ai delas Alas, Andrew E, Angelika dela Cruz, Janno Gibbs, Rita Avila, Andrea Brillantes
Celebrities supporting presidential candidates Ferdinand Marcos Jr. and Leni Robredo take to social media their respective opinion about the partial presidential tally results this 2022 elections. Seen in the main photo are Ai-Ai delas Alas, Andrew E with Marcos Jr., Angelika dela Cruz, Janno Gibbs with Leni Robredo, Rita Avila, and Andrea Brillantes.
PHOTO/S: Instagram

Ilang saglit na lamang ay malalaman na ang opisyal na resulta ng May 9, 2022 national elections.

Sa kasalukuyan ay nangunguna ang tambalang Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio.

Sa partial tally as of 12:17 a.m. ng May 10, milya-milya ang layo ng bilang ng nakuhang boto ni Marcos Jr. kumpara sa pumapangalawang kandidato na si Leni Robredo.

#PHElections2022, #Eleksyon2022

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At ngayon pa lang ay naglabas ng mensahe ang kani-kanilang celebrity supporters.

Sina Ai-Ai delas Alas at Andrew E, na parehong kilalang supporters nina Marcos Jr. at Duterte, ay ikinatuwa ang nangangamoy na pagkapanalo ng kanilang napiling manok.

Sa Instagram Story ni Ai-Ai, nag-report siya ng ulat ng New York Times na may headline na malaki ang lamang ni Marcos Jr. sa kalabang presidentiables.

Nilagyan niya ito ng GIF na "CONGRATS!"

Ai-Ai delas Alas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mayroon din siyang Instagram post kunsaan ibinahagi niya ang dasal na naniniwala siyang ibibigay ng Diyos ang "THE BEST para saten LAHAT."

Sabi pa ni Ai-Ai, "Si GOD ang bahala pag sya ang nag desisyun for the best."

Ipinahiwatig din niyang naluluha siya sa tuwa.

Hindi niya tuwirang sinabi kung tinutukoy niya rito ang resulta ng botohan.

Ai-Ai delas Alas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero umpisa pa lang ng araw ay kumpiyansa si Ai-Ai sa tambalang Marcos Jr. at Duterte base sa nauna niyang IG post na may hashtag na "paglyamadokalmado."

Si Andrew E naman ay nag-post ng red and green heart emojis na may kasamang Philippine flag emoji sa kanyang Instagram post.

Andrew E

Malinaw na tinutukoy niya rito ang pagiging lyamado nina Marcos Jr. at Duterte sa halalan dahil sunud-sunod din ang kanyang Instagram Stories ng mga pro-Marcos at pro-Duterte na nagbubunyi sa anila'y "landslide victory" ng Uniteam teamup.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section ng post ni Andrew E, naglagay ng Philippine flag, hearts, at praying emojis si Randy Santiago na isa ring supporter ng tambalang Marcos-Duterte.

Ang sexy star na si Sunshine Guimary ay nag-comment din ng fire emojis.

May pauna na ring congratulatory messages para kina Marcos Jr. at Duterte sina Jeremy Marquez, Angelika dela Cruz, at Mickey Ablan.

Angelika dela Cruz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jeremy Marquez

Mickey Ablan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LENI ROBREDO'S CELEBRITY SUPPORTERS

Sa kabilang banda, proud naman si Janno Gibbs sa pagtindig niya para sa inendorsong presidentiable na si Leni Robredo.

Nag-alay siya ng tula na pinamagatan niyang "Sapat na."

Sabi rito (published as is): "Sino man ang hiranging wagi sa halalan

"Taas noo at hanga, sa nasaksihan

"Isang bayang namulat, walang takot nanindigan

"Sa ngalan ng malayang kinabukasan

"Sapat nang maitala sa aklat ng tadhana

"Na minsan'y pinaglaban

"At pumanig sa tama."

Janno Gibbs

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-reply dito si Ogie Alcasid na "Mismo pare mismo." Si Ogie at misis niyang si Regine Velasquez ay supporters ni Robredo.

Aminado namang na-stress si Rita Avila sa partial tally ng halalan.

Bahagi ng isa niyang Instagram post: "SO LAHAT TAYO STRESSED ATM DAHIL SA MAGIGING RESULTA.

"TRUST IN THE LORD, OUR GOD.

"Ibibigay NIYA ang kailangan natin. Either a spank on the butt or a pat on our heads."

Rita Avila

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa sumunod niyang post ay sinabi ni Rita na anumang resulta ng eleksyon ay bitbit niya ang mga leksyon mula sa karanasang ito.

"Manalo o matalo, sa huli ay sarili pa din natin ang dala natin. Naging masama ka o mabuti pagkatapos ng kampanya at eleksyon?

"Maraming leksyon ang ituturo sa atin."

Diin pa ni Rita, nananatili ang bilib niya sa ipinamalas na leadership ni Robredo at sa mga nakita niyang magandang katangian nito nitong halalan.

Si Arlene Muhlach ay ipinagmalaki rin na si Robredo ang kanyang "ipinaglaban."

Inengganyo rin niya ang kanyang IG followers na manalangin ng kapayapaan para sa susunod na anim na taon.

Arlene Muhlach

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Kapuso star na si Mavy Legaspi, dalangin naman ang pagkakaisa ng bayan sa kabila ng resulta ng eleksyon.

Ipinapasa-Diyos na lamang daw niya ang lahat.

kyline alcantara

Halos hindi naman makapaniwala sina Andrea Brillantes, Sharlene San Pedro, at Saab Magalona sa resulta ng eleksyon.

Andrea Brillantes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sharlene San Pedro

Saab Magalona

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman matanggap ng TikToker na si AC Soriano ang resulta ng eleksyon.

Sa kanyang series of tweets, may nilagay siyang "DISQUALIFY."

Ni-retweet din niya ang pag-alma ng ibang netizens sa lyamadong boto ng supporters ni Marcos Jr.

Sabi rin ni AC, "when spirits are down, there is now way to go but up. kapit tayo. pagtatawanan natin ito mamaya."

AC Soriano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AC Soriano

Kapansin-pansin din ang tweet ni KC Montero na waring nasuka, pero walang direktang tinukoy kung bakit.

RELATED STORIES:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrities supporting presidential candidates Ferdinand Marcos Jr. and Leni Robredo take to social media their respective opinion about the partial presidential tally results this 2022 elections. Seen in the main photo are Ai-Ai delas Alas, Andrew E with Marcos Jr., Angelika dela Cruz, Janno Gibbs with Leni Robredo, Rita Avila, and Andrea Brillantes.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results