Robin Padilla, Richard Gomez, Arjo Atayde, other celebs triumph in 2022 elections

Lucy Torres, Aiko Melendez, Angelu de Leon, James Yap also win.
by Erwin Santiago
May 10, 2022
robin padilla richard gomez arjo atayde
Robin Padilla (left) is leading the senatorial race; while Richard Gomez (center) and Arjo Atayde (right) are both on their way to the Congress as they lead the congressional race in their respective districts in Leyte and Quezon City.
PHOTO/S: Instagram

Base sa resulta ng May 9, 2022 elections, malakas pa rin ang hatak ng mga tumakbong celebrities sa mga botante.

Patunay nito ang pangunguna ni Robin Padilla sa senatorial race. As of 6:17 a.m. ngayong May 10 ay nasa 25.6 million na ang boto niya.

Pangatlo ang broadcaster na si Raffy Tulfo.

Nag-aagawan naman sa panghuling puwesto ang dating aktor at senador na si Jinggoy Estrada, na kasalukuyang nasa 12th spot, at ang komedyante at dating Quezon City mayor na si Herbert Bautista na nasa 13th spot.

Sa mga celebrity na tumakbo bilang kongresista, nangunguna sa first district ng Quezon City ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde, gayundin ang dating PBA player na si Franz Pumaren sa third district ng Quezon City; ang mag-inang Lani Mercado sa second district ng Cavite at Jolo Revilla sa first district ng Cavite; Dan Fernandez sa lone district ng Sta. Rosa, Laguna; ang boyfriend ni Aiko Melendez na si Jay Khonghun sa first district ng Zambales; ang mister ni Vilma Santos na si Ralph Recto at ang dating swimmer na si Eric Buhain sa Batangas; at si Richard Gomez sa fourth district ng Leyte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lamang sina Daniel Fernando at Alex Castro bilang governor at vice governor ng Bulacan, respectively. Nangunguna rin bilang vice governor ng Oriental Mindoro si Ejay Falcon.

Sa mga tumakbong mayor, nahalal muli si Vico Sotto, anak nina Vic Sotto at Coney Reyes, bilang mayor ng Pasig City. Panalo rin sina Lucy Torres ng Ormoc City, Leyte; Javi Benitez ng Victorias City, Negros Occidental; Ina Alegre ng Pola, Oriental Mindoro; at ang dating PBA player na si Vergel Meneses sa Bulacan, Bulacan.

Panalo namang vice mayor ang aktor na si Yul Servo sa Manila; ang dating PBA player na si Dodot Jaworski sa Pasig City; at ang pinsan ni Vico na si Gian Sotto sa Quezon City.

Pasok naman, so far, sa hanay ng mga konsehal sina Alfred Vargas at Aiko Melendez sa Quezon City; sina Angelu de Leon at Kiko Rustia sa Pasig City; ang basketball players na sina Paul Artadi, James Yap, Don Allado, ang aktor na si Ervic Vijandre, at ang boyfriend ni Sunshine Cruz na si Macky Mathay sa San Juan City; sina Vandolph Quizon, Jomari Yllana, at Ryan Yllana sa Parañaque City; Jhong Hilario sa Makati City; Bibet Vidanes sa Pililla, Rizal; Lou Veloso sa Manila; Bb. Pilipinas-Globe 2019 Leren Bautista sa Los Baños, Laguna; at Nash Aguas sa Cavite City.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pasok naman bilang board member ng Nueva Ecija si Jason Abalos.

Ngunit hindi lahat ng mga celebrity na tumakbo ngayong 2022 elections ay pinalad.

Natalo sa pagka-presidente sina Isko Moreno at Manny Pacquiao; pati na sina Tito Sotto (for vice president) at Monsour del Rosario (for senator).

Gayundin ang dating ABS-CBN reporter na si Sol Aragones (governor, Laguna); ang Jukebox Queen na si Imelda Papin (governor, Camarines Sur); ang beauty queen na si Sharifa Akeel Mangudadatu (governor, Sultan Kudarat); ang aktor na si Jerico Ejercito (vice governor, Laguna).

Hindi rin pinalad ang mister ni Ara Mina na si Dave Almarinez (congressman, first district of Laguna); sexy comedienne na si Angelica Jones (congressman, third district of Laguna); aktor na si Richard Yap (congressman, Cebu City); aktor na si Rommel Padilla (congressman, Nueva Ecija); dating sikat na PBA payer na si Alvin Patrimonio (mayor, Cainta, Rizal); aktor na si ER Ejercito (mayor, Calamba, Laguna); talent manager na si Arnold Vegafria (mayor, Olongapo City); at comedian na si Teri Onor (vice mayor ng Abucay, Bataan), at Raymond Bagatsing (vice mayor ng Manila).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nabigo naman sa pagkakonsehal sina Bobby Andrews at Hero Bautista (Quezon City, fourth district); Roderick Paulate at Melissa Mendez (Quezon City, second district); Ali Forbes (Quezon City, sixth district); Dennis Padila (Caloocan City); Arci Muñoz (Cainta, Rizal); Inday Garutay (San Juan); at Claudine Barretto (Olongapo City).

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robin Padilla (left) is leading the senatorial race; while Richard Gomez (center) and Arjo Atayde (right) are both on their way to the Congress as they lead the congressional race in their respective districts in Leyte and Quezon City.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results