Manny Pacquiao concedes to Ferdinand Marcos Jr.

by Jojo Gabinete
May 11, 2022
Manny Pacquiao
Senator Manny Pacquiao on losing in the 2022 elections: "Bilang isang boxer at atleta, marunong akong tumanggap ng pagkatalo. Sana lang, kahit talo ako sa laban na ito, panalo pa rin ang mga kapwa ko Pilipino, yung mga naghihirap."
PHOTO/S: Manny Pacquiao Facebook

Gaya nina presidential aspirants Senator Panfilo Lacson at Manila City Mayor Isko Moreno, maluwag sa loob na tinanggap ni Senator Manny Pacquiao ang pagkatalo nito sa halalan na naganap noong Lunes, May 9, 2022.

READ: 2022 PRESIDENTIABLES | Manny Pacquiao: From kargador to boxing legend and senator

"Tapos na ang halalan kaya’t bigyan naman natin ng pagkakataon ang pagkakaisa para sa kapayapaan at kaunlaran ng ating bansa," umpisang pahayag ng senador na may bansag na Pambansang Kamao.

"My decision to run was driven by my utmost desire to serve the country and uplift the lives of poor Filipinos.

"Bilang isang boxer at atleta, marunong akong tumanggap ng pagkatalo.

"Sana lang, kahit talo ako sa laban na ito, panalo pa rin ang mga kapwa ko Pilipino, yung mga naghihirap.

"Huwag po kayong mawalan ng pag-asa dahil hinding-hindi po tayo pababayaan ng ating Panginoon."

Inihayag ni Pacquiao na bagamat nais niyang iprayoridad ang pamilya pagkatapos ng eleksyon, patuloy raw ang kanyang pagtulong sa mga nangangailangang Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa aking pamilya, lalo na sa aking asawa na si Jinkee na naging kasama ko sa buong kampanya, salamat sa pag-uunawa at suporta at sa pagmamahal. Mahal na mahal ko kayong lahat.

"Sa ating susunod na pangulong Bongbong Marcos, ako ay nananalangin para sa tagumpay ng iyong administrasyon na maraming mahihirap ang maiangat ang buhay at matulungan.

"Sa ngayon ay gagamitin ko ang pagkakataon upang magpahinga at mabigyan ng mas mahabang oras ang aking pamilya.

"I will definitely continue my mission to help our people through the Manny Pacquiao Foundation. Hinding-hindi ko tatalikuran ang pagseserbisyo para sa bayan at para sa mga kasama kong mahihirap.

"Patuloy po nating mahalin ang Pilipinas. Sama-sama po nating iangat ang dangal ng bawat Pilipino.

"Maraming-maraming salamat po mga kababayan sa pagkakataong ito. Mahal na mahal po kayo ni Manny Pacquiao."

As of May 11, 2022, 10:47 a.m,, pangatlo si Pacquiao sa presidential race.

Nakakuha siya ng 3,629, 234 votes na malayong-malayo ang agwat sa 14,809, 527 votes para kay Vice President Leni Robredo at sa 31, 078, 996 na boto para kay Ferdinand Marcos Jr. sa partial at unofficial results ng election.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Manny Pacquiao on losing in the 2022 elections: "Bilang isang boxer at atleta, marunong akong tumanggap ng pagkatalo. Sana lang, kahit talo ako sa laban na ito, panalo pa rin ang mga kapwa ko Pilipino, yung mga naghihirap."
PHOTO/S: Manny Pacquiao Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results