Aljur Abrenica reacts to Robin Padilla topping senatorial race

by Jerry Olea
May 12, 2022
aljur abrenica on robin padilla
Aljur Abrenica on father-in-law Robin Padilla: "Ako kasi, naniniwala ako kay Papa, e. Naniniwala ako sa kanya. Ang dami niyang pinagdaanan... Ang daming beses niyang bumagsak pero nakakabangon siya. Dun mo masusukat ang isang lalaki, ang pagiging lider ng isang tao."
PHOTO/S: Jerry Olea / @gretsfullido on Twitter

Masayang-masaya si Aljur Abrenica nang mabalitaang nangunguna sa senatorial race ang father-in-law niyang si Robin Padilla.

“Kasi si Papa, ang dami niyang natulungan,” sabi ni Aljur sa storycon ng The Revelation nitong Mayo 11, 2022, Miyerkules, sa Nile Bar, Malate, Manila.

“Alam natin 'yan, di ba, dito sa ating industriya. Yung mga stuntman, tinulungan niya.

“Doon ako humahanga sa kanya, e. He has the ability, kumbaga, kung kailangang ilagay ang isang tao sa isang posisyon ng pagiging lider, siya talaga.

“And he remembers people. One time, may isang tao na isang beses lang niya nakita, and he was telling me, nakasama niya ito sa isang event.

“Hindi niya ito kilala at once lang niya nakita pero natatandaan niya nang tawagin siya. Si Papa, he takes care of his people.

“And he understands the situation. So, actually plus yun para sa atin sa industriya, na nakaposisyon siya.

“Kasi, he knows, e. Alam niya kung ano ang dapat ayusin sa industriya. How to make it better. He’ll be striving to make our industry better.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And outside of that, in his community, nakita ko kung sino siya. He deserves to be number one talaga, para sa akin! Kaya I’m so happy for him!”

Read: Robin Padilla, di makapaniwala sa pangunguna sa senatorial race

ON ROBIN'S BASHERS

Ano ang mensahe niya sa mga taong minamaliit ang kakayahan ni Robin?

“Well, for me, I respect that. But sometimes kasi we ano, e, yung isang dinig lang natin, we believe,” pahayag ni Aljur.

“Sometimes, hindi natin alam na nasa social dilemma tayo. Sa posts natin sa social media, kung ano lang ang gusto nating ipakita, yun lang ang ipinapakita natin.

“Kaya mas mabuti na mag-research tayo. Halimbawa, kung ang ipinapakita lang sa posts ng isang tao, e, yung pro…

“This is proven, sa Google — pag nag-search ka about a certain person, lahat ng gusto mong makita, yun lang ang ipapakita nila.

“So, you ask other people na anti naman. I-search mo sa Google nila, makikita mo rin yung pangit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, kailangang mag-research ka nang husto sa social dilemma para maintindihan mong mabuti. Ako kasi, ganun ako, e.

“When I hear about people na right away nagre-react, like sa mga bashers, di ba, wala namang perpekto, e.

“You just weigh. Huwag kang maniwala agad, na, 'Oh, he’s not qualified.' Alamin mo muna ang story ng tao, yung pinagdaanan niya, saan siya nagsimula. Yung ups and downs niya.

“Ako kasi, naniniwala ako kay Papa, e. Naniniwala ako sa kanya. Ang dami niyang pinagdaanan!

“Lalo na yung bumabagsak siya. Hindi naman siya laging sikat, e. Hindi siya laging nasa top, di ba?

“Ang daming beses niyang bumagsak pero nakakabangon siya. Dun mo masusukat ang isang lalaki, ang pagiging lider ng isang tao.

“If something happens to our country, I know he can handle it. And ang gusto ko pa kay Papa, he has the heart, di ba? Matalino na siya, may puso pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HEALTHY RELATIONSHIP WITH KYLIE

“Papa” pa rin ang tawag ni Aljur kay Robin kahit hiwalay na sila ng asawa niyang si Kylie Padilla. Masaya ngayon si Aljur sa buhay, at marami siyang natutuhan nitong mga nakaraang buwan.

“Yung wife ko, si Kylie, I’m happy for her, di ba? How we handle our kids,” malumanay na saad ni Aljur.

“And nakikita ko kasi siya na she’s OK. Mas OK siya ngayon. There are a lot of things kasi na hindi namin na-tackle before, di ba?

“The media… and the reaction of the people before, hindi rin siya na-handle nang tama, e. Parang ang daming lumabas na mga nega, na hindi naman ano.

“So, happy ako dahil lumipas na. We have a healthy relationship, kami ni Kylie. Actually, nag-message siya sa akin ngayon, e.

“We talk, every week — when it comes to parenting, how do you handle this, may ganito si Alas, mga ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakakapagbiruan na rin kami. Alam mo yun, masaya ako, nakakapagbiruan na kami.”

Read: Aljur Abrenica on Kylie Padilla: “Talagang minahal ko ang babaeng iyon.”

Sa presscon ng pelikulang Manipula noong nakaraang Oktubre, kainitan ng isyu nila ni Kylie. Ngayon, maayos na ang kanilang turingan.

“Through time, yes, through time andami namin napag-usapan. Tinawagan niya ako…”

Inakala ba niya noon na aabot sila ganitong punto ng maayos na relasyon?

Natigilan sandali si Aljur bago sumagot, “Gusto ko… ginusto naming dalawa yun. Pero hindi ko inakalang maghihiwalay kami.”

Co-stars ni Aljur sa psychological thriller na The Revelation sina Ana Jalandoni, Vin Abrenica, Jelai Andres, at China Roces.

Mag-uumpisa ang shooting nito sa Mayo 15, Linggo sa Tagaytay City, sa direksyon ni Ray An Dulay.

Maliban sa Manipula with Ana Jalandoni, may dalawa pang natapos na pelikula si Aljur — yung maaksyong Mamasapano: Now It Can Be Told, at yung sexy-suspense thriller na Pula Ang Kulay ng Gabi ng A&Q Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, ikinakasa na ng GMA-7 ang pagpapalabas ng teledrama ni Kylie na Bolera.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aljur Abrenica on father-in-law Robin Padilla: "Ako kasi, naniniwala ako kay Papa, e. Naniniwala ako sa kanya. Ang dami niyang pinagdaanan... Ang daming beses niyang bumagsak pero nakakabangon siya. Dun mo masusukat ang isang lalaki, ang pagiging lider ng isang tao."
PHOTO/S: Jerry Olea / @gretsfullido on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results