Ellen Adarna had her breast implants removed; shares Derek Ramsay's reaction

by Rachelle Siazon
May 12, 2022
Ellen Adarna
Ellen Adarna says she's happy with her decision to have her breast implants removed: "Goodbye breast implant illness. I can now breathe properly."
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram

Inamin ni Ellen Adarna, 34, na laking-ginhawanang ipinatanggal na niya ang kanyang breast implants.

Sa Instagram Story niya noong May 8, 2022, ipinakita ni Ellen ang litrato ng silicone shells na tinanggal sa kanyang boobs. Ipinatong niya ang mga ito sa kanyang kandungan.

Caption ni Ellen: "Goodbye breast implant illness. I can now breathe properly.

"Goodbye chronic back pain, fatigue, and brain fog."

Ellen Adarna, breast implants

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy niyang "breast implant illness" ay ang sintomas na maaaring maranasan pag sumailalim ng reconstructive surgery sa bahagi ng katawang ito.

Hirit pa ni Ellen: "It was fun while it lasted..."

Ipinakita rin ni Ellen ang short video clip kunsaan itinuro niya ang marka sa taas na bahagi ng kanyang dibdib na karaniwang nilalagay pag surgery.

Kasama niya ang anak na si Elias sa video na kunwa'y nagreklamo pa raw sa bagong size ng kanyang dibdib.

"But there's still a little," hirit pa ni Ellen sa anak.

Ellen Adarna

Continue reading below ↓

Halatang hindi isyu iyon kay Ellen base na rin sa kuwelang pagbahagi niya ng dinanas na medical procedure.

DEREK RAMSAY'S CAKE WITH WITTY DEDICATION

Kuwela naman ang reaksiyon ng mister ni Ellen na si Derek Ramsay.

Ipinakita ni Ellen na binigyan siya ng cake ni Derek na may dedication na "I MISS YOUR OLD BOOBS."

"OMG @ramsayderek07," caption ni Ellen na aliw na aliw base sa kanyang laughing emojis.

@maria.elena.adarna Instagram

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna says she's happy with her decision to have her breast implants removed: "Goodbye breast implant illness. I can now breathe properly."
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results