Julie Anne San Jose confirms her parents approve of Rayver Cruz

by Rose Garcia
May 12, 2022
Julie Anne San Jose, Rayver Cruz
Julie Anne San Jose on Rayver Cruz: "Kasi ever since naman po talaga, sobrang masarap pong kasama si Ray… masarap po siyang kasama. We enjoy each other’s company."
PHOTO/S: @myjaps Instagram

Wala pang opisyal na pag-amin mula kina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Pero kapansin-pansin at hindi maikakaila ang closeness at sweetness nilang dalawa.

READ: Rayver Cruz, Julie Anne San Jose trade sweet messages on IG; are they an item?

READ: Julie Anne San Jose, ano ang reaksiyon sa pagyakap sa kanya ni Rayver Cruz?

Kaya ang diretsong tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Julie Anne ay kung ano na talaga ang totoong status nila ni Rayver.

"Ang totoong status ko po ay masaya naman po, very, very happy," nakangiting sagot ng Kapuso singer-actress.

"Siguro yung specific question niyo po, mas mabuti po siguro kung siya na lang ang tatanungin niyo."

At natatawang sabi pa rin niya, "Siya na lang po ang tanungin niyo!"

Nakausap ng PEP.ph si Julie Anne sa launching niya bilang Aqua Skin Ph celebrity endorser sa B Hotel noong May 7, 2022.

Continue reading below ↓

Bukod sa naibibigay na glow sa kanya ng mga iniendorsong produkto, tila mas nakakaganda talaga kapag masaya ang puso.

"Happy life, happy heart, opo!" natatawang pagsang-ayon niya.

Dugtong pa niya, "Masayang maging masaya."

rayver is welcome to visit julie ANNE

Makikita naman sa social media posts nina Julie Anne at Rayver na tila madalas ay nasa bahay ng dalaga ang aktor.

Welcome na talaga si Rayver sa pamilya ni Julie Anne, lalo na sa mga magulang niya?

Tugon ni Julie Anne, "Yeah, and ano naman ‘to, welcome naman po siya sa bahay at nakikita naman din po ng mga magulang ko yun, family ko."

Okay sa kanila si Rayver?

“Opo, okay naman po!” natawang sagot niya.

May blessing ng mga magulang niya?

"Yes," pag-amin ni Julie Anne.

CHILL LOVE LIFE?

Natawa si Julie Anne nang sabihin naming nasubaybayan namin ang love life niya. At parang sa pagkakataong ito, iba, mas relax lang.

Continue reading below ↓

Reaksiyon niya, "Kasi ever since naman po talaga, sobrang masarap pong kasama si Ray… masarap po siyang kasama. We enjoy each other’s company.

"We have a lot of things in common and we also share the same interest, like for example, yung sa music nga po.

"Minsan po sa guitar, nagpapatulong siya sa mga songs niya. Mas magaling na po siyang mag-guitar sa akin.

"Nakakatuwa, nakakatuwa po talaga. We’re very happy and we get to share stuff like that.

"Masaya and it’s always been fun."

Hindi pa sila nakakapag-compose ng kanta na silang dalawa, pero nabanggit na raw niya ito kay Rayver.

"I’ve talked about it sa kanya, so open naman din siya. And if ever man na magkaroon ng collaboration, it’s up to him naman.

"And we really love music," sambit pa ni Julie Anne.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julie Anne San Jose on Rayver Cruz: "Kasi ever since naman po talaga, sobrang masarap pong kasama si Ray… masarap po siyang kasama. We enjoy each other’s company."
PHOTO/S: @myjaps Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results