Watch Now

Skusta Clee speaks up about realization after breakup with Zeinab Harake

by Melba R. Llanera
May 13, 2022
Skusta Clee, Zeinab Harake
Rapper Skusta Clee on self-love: "Ngayon mas natutunan kong mahalin ang sarili ko. Kailangan mo talagang unang mahalin ang sarili kasi di ka matututong magmahal ng iba kung di mo mamahalin ang sarili mo." Skusta and partner Zeinab Harake reportedly broke up due to third party.
PHOTO/S: @extraordinaryl / @zeinab_harake Instagram

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Skusta Clee kung ano sa kanyang palagay ang naging pagkakamali niya sa pag-ibig na dapat nitong ikumpisal at ihingi ng tawad.

Kamakailan ay nauwi sa hiwalayan ang pagsasama ni Skusta at dating live-in partner na si Zeinab Harake.

Si Skusta, 26, ay rapper-songwriter at miyembro rin ng grupong Ex Battalion.

Si Zeinab ay kilalang YouTuber na may 12.3 million subscribers.

READ: Zeinab Harake unfollows partner Skusta Clee on IG; tweets, "Help me out of this hell."

Ipinagtapat ng Filipina-Lebanese YouTuber na may ibang babae si Skusta, ayon sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa YouTube channel nito noong May 9, 2022.

Sabi pa ni Zeinab, ang pagpapabaya sa kanya ni Skusta ang dahilan ng pagkakalaglag ng kanilang pangalawang anak na si Baby Moon.

READ: Zeinab Harake suffers miscarriage; mourns passing of Baby Moon

Inulan ng kabi-kabilang pamba-bash si Skusta mula sa netizens na nagpakita ng simpatiya at suporta kay Zeinab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapanayam ng PEP.ph si Skusta sa media launch ng music collab nila ni Gloc-9 na "Kumpisal," na ginanap sa Director's Club Cinema 1 sa Podium, Ortigas, nitong May 12, 2022.

Hindi tuwirang binanggit ni Skusta si Zeinab, pero inisa-isa nito ang sa tingin niya'y mga nagawa niyang pagkakamali pagdating sa pag-ibig.

"Sa tingin ko, kung ano yung kasalanan pagdating sa pakikipagrelasyon, siguro yung kulang ka sa pag-iintindi sa partner mo.

"Kasi dun magsisimula ang lahat, dun magsisimula ang lahat nun, wala nang kahit na anong explanation."

Tinanong din namin si Skusta kung anong mga aral sa pakikipagrelasyon ang tumanim sa puso niya.

Ayon sa rapper, marami siyang napagmuni-munihan nitong nagdaang mga buwan.

"Wala naman akong sobrang dala-dala ngayon.

"Like, natutunan kong aralin ang sarili ko, kung ano yung mga bagay na gusto ko, kung ano yung mga bagay na ayaw ko.

"Ano yung mga bagay na takot ako, ano yung mga bagay na di ako takot. Ano ang mga pangarap ko, ano ba talaga ang gusto ko para sa sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sino ba talaga yung tunay sa akin, napansin ko silang lahat," saad ni Skusta.

At pinakaangat sa realization niya ang tungkol sa self-love.

Patuloy ni Skusta: "Marami akong realizations, ngayon mas natutunan kong mahalin ang sarili ko. Kailangan mo talagang unang mahalin ang sarili kasi di ka matututong magmahal ng iba kung di mo mamahalin ang sarili mo.

"Tingin ko, oo, dun siya mag-uumpisa, e. Kailangan mo muna talagang mahalin ang sarili mo bago ka magbigay ng love sa iba.

"Hindi ibibigay mo agad nang di mo muna minamahal ang sarili mo, hindi mo muna aaralin ang sarili mo kasi malo-lost ka kapag puro ka bigay.

"Tingin ko, dun dapat mag-start, mahalin mo, aralin mo ang sarili mo nang sa ganun matututunan mong i-appreciate yung ibang bagay, mahalin ang ibang bagay, di lang tao."

SKUSTA ON BASHERS

Hindi kaila na umani ng batikos si Skusta dahil sa napabalitang isyu sa palibot ng hiwalayan nila ni Zeinab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa nangyaring ito, hiling kaya ni Skusta na sana ay pinag-usapan na lang nila nang pribado ng dating ka-live in ang problema nila at di na brinoadcast pa sa social media?

Tugon niya: "Wala naman akong wish na mga ganun, ang wish ko lang maging okay ang lahat. Maging masaya ang lahat, okay ang mga isip. Hindi lang sa akin, hindi lang sa inyo, sa lahat ng mga tao.

"Lahat tayo may pinagdadaanang problema, lahat tayo may kaso. Ang akin, hangad ko ang kaligayahan ng lahat, kapayapaan ng lahat."

Kinumusta rin namin si Skusta kung ano ba ang estado ng puso niya sa ngayon.

Aniya, "Okay naman, kailangan mo siyang ingatan, e. Ako kasi yung tipo ng tao na di nag-i-stay sa isang lugar. Nagmu-move forward ako. Kasi kung mag-i-stay ako dun, lulugmukin ko lang ang sarili ko."

Hiningan din namin ng reaksiyon ang rapper sa mga taong humusga at bumatikos sa kanya dahil sa nangyari sa kanila ni Zeinab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naiintindihan ko sila. Ganun talaga pag di mo kilala ang isang tao, huhusgahan mo talaga iyan sa una," simpleng saad ni Skusta.

SKUSTA'S "KUMPISAL" WITH GLOC-9

Kakaiba ang tema ng music video ng collaboration song nina Gloc-9 at Skusta, ang "Kumpisal" ng Universal Records.

Pagkukuwento naman ni Skusta, matagal na talaga niyang pangarap makagawa ng makabuluhang kanta, at sagot nga rito ang "Kumpisal."

Lahad niya, "Nung narinig ko yung demo, tulad ng sinabi ko kanina, gusto kong gumawa ng mga ganung klase ng kanta matagal na.

"Di ko lang alam kung kailan ko sisimulan, kailan ang tamang panahon para gawin ko yun.

"Tapos dumaan ang maraming, maraming buwan, taon. Actually, wala kaming idea talaga ni Sir Gloc kung ano talagang content ang gagawin namin, pagdating sa gagawin namin talaga. Pinakinggan ko yung isang buo talaga kasi binigay niya yung lyrics kung saan ang part ko so pinakinggan ko nang buo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko, 'Heto na ito,' di na ako magpapatumpik-tumpik pa, gagawin ko ito."

Sa presscon proper ay nabanggit ni Skusta na 40 percent niya bilang rapper ay dahil sa impluwensiya sa kanya ni Gloc-9.

Aminado rin si Skusta na medyo hawig ang istilo niya sa hinahangaang rapper.

"Madami, kahit yung kung paano ako mag-rap, kung gaano kadikit dun sa ano, sa kanya ko natutunan yun pati yung tono.

"Kasi si Sir Gloc, ang mga type talaga ng music niya is puro minor chords, e.

"Siya yung nakagawa ng minor chords na rap tapos may tono. Sa kanya ko natutunan yun kahit dati."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rapper Skusta Clee on self-love: "Ngayon mas natutunan kong mahalin ang sarili ko. Kailangan mo talagang unang mahalin ang sarili kasi di ka matututong magmahal ng iba kung di mo mamahalin ang sarili mo." Skusta and partner Zeinab Harake reportedly broke up due to third party.
PHOTO/S: @extraordinaryl / @zeinab_harake Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results