"Missing" Picasso spotted in Imelda Marcos’s house; Marcos camp reacts

by Bernie V. Franco
May 15, 2022
picasso painting
Netizens note the Pablo Picasso painting in a photo from Senator Imee Marcos showing her mother Imelda Marcos, brother President-elect Ferdinand Marcos Jr., and nephew Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos in a tender moment.
PHOTO/S: Imee Marcos / Twitter

Usap-usapan ngayon sa social media ang larawan ng pagbisita ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. at ng anak na si Ilocos Norte Representative-elect Sandro Marcos kay Imelda Marcos sa bahay nito.

Ang larawan ay mula kay Senator Imee Marcos, kapatid ni Bongbong, ang kilalang palayaw ni Ferdinand Jr..

Nakaagaw ng pansin sa netizens ang isang painting na nakasabit sa dingding ng bahay ng Marcos matriarch.

Ito ay ang Femme Couche VI (Reclining Woman VI), isang obra ng namayapang world-famous Spanish painter na si Pablo Picasso.

Itinuturing na “missing” ang painting na ito, at isa sa mga hinahabol ng Philippine Commission on Good Government (PCGG) noon pang 2014.

Ang PCGG ang naatasang kumpiskahin sa mga Marcos ang artwork at jewelry mula sa kanilang sinasabing ill-gotten wealth.

MISSING PAINTING?

Ayon kay Atty. Andy Bautista, dating PCGG chairman, ang natukoy na painting sa bahay ni Imelda Marcos ay isa sa mga pinaghahanap na paintings mula sa pamilya Marcos.

Continue reading below ↓

Ipinost ni Bautista ang painting sa kanyang Twitter account.

Sa panayam ng Sakto ng TeleRadyo nitong May 13, 2022, sinabi ni Atty. Bautista na isa siya sa mga nakakita sa Picasso painting sa kumalat na larawan ng mga Marcos.

Ani Bautista, 2014 pa lang ay hinahabol na nila ang painting na ito kasama ang may 150 paintings mula sa koleksiyon ni Imelda.

Continue reading below ↓

Sa interview, inusisa si Bautista kung magkano sa tingin niya ang halaga ng isang Picasso painting ngayon.

“Ang pinakamahalagang painting ni Picasso ay naibenta ng $155 million. More or less PHP8 billion ang isang painting na ito,” sagot niya.

Ayon pa kay Bautista, kailangang makumpiska na ito.

“Ito na yung ebidensiya. Parang hulog ng langit ito, ‘no.

“Sana bigyan ng pansin ng ating mga namumuno ngayon sa PCGG, ng ating Office of the Solicitor General, na kunin na natin ang painting na ito habang meron pang panahon.”

MARCOS CAMP REACTS

Sa kabilang banda, inusisa ang spokesperson ni Marcos Jr., si Atty. Vic Rodriguez, kung tunay ba o replica ang Picasso painting.

Hindi ito direktang sinagot ni Rodriguez, bagkus ay hinamon nito si Bautista.

“It’s very easy to be agitating people, making allegations, making accusations, when you are thousands of miles away from your motherland,” ani Rodriguez sa isang press briefing nitong Biyernes, May 13.

Continue reading below ↓

Hinamon pa nito si Bautista na umuwi ng Pilipinas “if you’re confident enough and make your allegations here in person so that to be fair to the Filipino people…"

Dagdag pa ng tagapagsalita ni Marcos Jr., “We can also hold you accountable for the many misdeeds and allegations as to the conduct of the 2016 elections.”

Nang matalo si Marcos Jr. kay Vice-President Leni Robredo sa vice-presidential race noong 2016, kinuwestiyon ng kampo ni Marcos Jr. ang election results ng Commission on Elections (Comelec), kung saan chairman si Bautista.

Nagsampa sila ng reklamo na umabot pa hanggang Supreme Court. Ngunit sa huli, ibinasura ito ng Supreme Court for “lack of merit.”

Nag-resign si Bautista bilang Comelec chairman noong 2017 matapos siyang i-impeach ng House of Representatives kaugnay ng alegasyon ng “unexplained wealth.”

Pagpapatuloy ni Rodriguez tungkol sa pahayag ni Bautista, “We will not follow the narrative and the cold allegation of somebody who is thousands of miles away from his motherland.

Continue reading below ↓

“Umuwi kayo rito, dito ninyo gawin iyong alegasyon, nang sa ganun mapanagot din namin kayo doon sa napakaraming bintang at alegasyon tungkol sa kung paano ninyo pinatakbo yung 2016 elections.”

Diumano, umalis ng Pilipinas si Bautista noong 2017 nang ipatawag siya ng Senado ukol sa kanyang “unexplained wealth.”

Sa U.S. naninirahan ngayon si Bautista.

Noon pa man ay itinatanggi ng pamilyang Marcos ang isyu ng ill-gotten wealth.

Katuwiran ni Imelda sa ulat ng news.artnet.com noong 2015, regalo umano sa kanya ang mga artwork.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens note the Pablo Picasso painting in a photo from Senator Imee Marcos showing her mother Imelda Marcos, brother President-elect Ferdinand Marcos Jr., and nephew Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos in a tender moment.
PHOTO/S: Imee Marcos / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results