Pinabulaanan ni Kris Aquino ang malisyosong death hoax na kumalat tungkol sa kanya kamakailan.
Read: Kris Aquino says her doctors rule out “cancer, tumors" after tests
Gumawa si Kris ng video update sa Instagram para bigyang-linaw ang tunay na lagay ng kanyang kalusugan.
"Yung chismis na na-confine ako, nasa ICU, nag-aagaw-buhay, masyado kayong advanced...
"Para klaro ang lahat, dahil gusto niyong patayin na ako... Well, I'm not yet dead.
"I'm going to fight to stay alive," pahayag ni Kris.
Makikita ito sa Instagram post ni Kris nitong Lunes ng umaga, May 16, 2022.
KRIS'S THREE AUTOIMMUNE CONDITIONS
Gayunman, inamin ni Kris na "life-threatening" ang kanyang sakit at kinakailangan ng medical attention sa ibang bansa.
Tatlo ang kanyang sakit, base raw sa diagnosis ng kanyang mga doktor.
Paliwanag ni Kris (published as is): "Mula end of April, we found out life threatening na yung illness ko.
"i’ve always been proud of my honesty & courage.
"Ginusto ko na maka lipad sana ng tahimik pero utang ko po sa mga nag darasal na gumanda ang aking kalusugan ang mag THANK YOU & to tell the TRUTH.
"Kayo na lang please ang mag research- 3 ang confirmed autoimmune conditions ko: chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, and definitively confirmed after my 3rd skin biopsy was read by a pathologist here & in the US - meron po akong vasculitis, to be very specific - late stage 3 of Churg Strauss Syndrome now also known as EGPA."
Ang chronic spontaneous urticaria, ayon sa webmd.com, ay ang pagkakaroon ng episodic hives o "raised, red, itchy bumps" sa balat.
Ang autoimmune thyroiditis o Hashimoto's disease, ayon sa mayoclinic.org, ay sakit kunsaan pinapatay ng immune-system cells ang hormone-producing cells sa thyroid gland. Ang thyroid gland ay gumagawa ng hormones na kumokontrol sa metabolic functions ng katawan.
Ang Churg Strauss Syndrome, ayon sa radiseases.org, ay isang rare disorder na maaaring makasira sa multiple organ systems, partikular na sa lungs. Nagkakaroon ng "abnormal clustering" ng white blood cells sa blood at tissues, "inflammation of blood vessels o vasculitis, at "development of inflammatory nodular lesions." Kadalasang naaapektuhan nito ay mga indibidwal na may history ng allergy.
Ang third phase ng Churg-Strauss syndrome ay tinatawag na "vasculitic phase" kunsaan nagkakaroon ng "widespread inflammation" ng blood vessels at pagharang o pagbagal ng pagdaloy ng dugo sa iba-ibang organs ng katawan.
Ayon kay Kris, kailangan niyang magtungo ng Houston, Texas dahil doon lamang siya makakakuha ng karampatang lunas sa kanyang mga karamdaman.
Patuloy ni Kris: "My team of doctors here & abroad (we’ve been closely consulting with a Filipino-American doctor and his team in Houston, Texas. Here the majority of my doctors practice in St Luke’s BGC and/or Makati Medical Center except my neurologist who has clinics in Asian, Perpetual & Medical City).
"They are all worried about organ damage in my heart & in my lungs. Kaya lahat ng paraan sinubukan for me to get to Houston soonest.
"Yung gamot that God willing can help save me doesn’t have FDA approval here or in Singapore & isasabay na po mag infuse ng chemotherapy as my immunosuppressant. Why? Allergic po ako sa lahat ng steroids."
Nabanggit ni Kris na sa May 19, 2022 ang nakatakdang paglipad niya sa Houston.
Sabi niya, "It's really an effort to save me, my life, my organs. Siyempre if your veins are affected and your blood vessels, all the major organs will also be affected."
MESSAGE TO BASHERS
Nakiusap naman si Kris na tigilan na raw ang pamba-bash sa kanya o di kaya ay pagpapakalat ng malisyosong balita tulad ng death hoax na inuugnay sa kanya kamakailan.
"Not for my sake, pero for my 2 sons, 1 in the autism spectrum & 1 only 15- kung balak nyo pong mambastos or mag comment ng masakit o masama, sa mga sarili nyo na lang pong IG, FB, or chat group sana gawin.
"Hindi nyo po ako kailangan gustuhin para magpakatao… please don’t punish kuya & bimb for being my sons.
"Hindi po masama ang maglakas ng loob at magsabi ng sobrang bigat na katotohanan."
MORE STORIES ABOUT KRIS: