Director Carlos Siguion-Reyna tries acting in Apoy Sa Langit

by Ruel J. Mendoza
May 16, 2022
Carlos Siguion-Reyna
Carlos Siguion Reyna on being part of the cast of Apoy Sa Langit: "Sa totoo lang, masarap palang umarte na lang. I was used to give directions to the actors I've worked with before. Ngayon iba naman." In Apoy Sa Langit, Carlos plays the sidekick of Zoren Legaspi, whose character is married to Maricel Laxa-Pangilinan.
PHOTO/S: Apoy Sa Langit mediacon / Apoy Sa Langit

Ang pag-arte na ang gustong gawin ngayon ng award-winning film director na si Carlos Siguion-Reyna.

Ginagampanan niya ang papel na Edong, ang sidekick ng character ni Zoren Legaspi as Cesar sa GMA-7 Afternoon Prime teleserye na Apoy Sa Langit.

Sa mediacon ng Apoy Sa Langit, ikinuwento ni Direk Carlos kung bakit niya tinanggap ang role sa serye.

Isang dahilan daw ay ang makatrabaho niya bilang direktor si Laurice Guillen.

Lahad niya, "This year, si Direk Laurice basically brought up, proposed I think, na there's a show sa GMA na na-cast ako. I got word from it nga and then, yeah, I was excited.

"I didn't even know kung ano yung kuwento or whatever, but I knew she was directing it. I knew it was a teleserye.

"Mukhang there is an extensive development on the story of the characters kaya it got me excited."

Naka-attend noon si Direk Carlos ng isang acting workshop kunsaan ang naging facilitator ay si Direk Laurice. Marami raw siyang nai-apply sa mga natutunan niya sa naturang workshop sa pag-create ng kanyang character ni Edong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang beses na ring umarte sa teatro si Direk Carlos kaya kahit paano ay may konting background siya sa pag-arte. For a change daw, siya na ang artista at sumusunod na lang siya sa kanilang direktor sa set.

"I like directing and acting, pero dito I want to have a different experience for a change. Gusto ko maglaro, e. I want to have fun.

"I really like the team of Apoy Sa Langit at gusto kong itong ginagawa ko ngayon.

"Parang ibang muscle, ibang set of muscle naman ang nae-exert. It's related to directing, but it's parang mas total immersion ka and you're lost in the situation when you're acting. It's fun, it's playing.

"Sa totoo lang, masarap palang umarte na lang. I was used to give directions to the actors I've worked with before. Ngayon, iba naman.

"And working with Direk Laurice for the first time, it's something to look forward to," diin pa ni Direk Carlos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nabanggit ni Direk Carlos na nag-retire na siya from directing movies. Ang pinakahuling nagawa niya ay ang pelikulang Hari Ng Tondo (2014) na pinagbidahan nina Robert Arevalo, Rez Cortez, Cris Villonco, Lorenz Martinez, at Liza Lorena.

Unang pelikulang idinirek niya ay ang dramedy na Misis Mo, Misis Ko na bida sina Dina Bonnevie, Edu Manzano, Jackie Lou Blanco, Ricky Davao, at Jaclyn Jose.

Namayagpag noong '90s si Direk Carlos at ginawa niya ang hindi malilimutanng pelikula sa ilalim ng Reyna Films tulad ng Hihintayin Kita Sa Langit, Saan Ka Man Naroroon?, Ikaw Pa Lang Ang Minahal, Kailangan Kita, Kung Mawawala Ka Pa, at Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin.

Hinulma rin niya ang Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin, Tatlo Magkasalo, Ang Lalake Sa Buhay Ni Selya, Kahapon Dalawang Bata, Abot-Kamay Ang Pangarap, at Azucena.

Kabilang sa mga artistang nabigyan ng acting award ni Direk Carlos mula sa iba't ibang award-giving bodies ay sina Richard Gomez, Dawn Zulueta, Sharmaine Arnaiz, Richard Quan, Maricel Soriano, Eddie Gutierrez, Tirso Cruz III, Armida Siguion-Reyna, Amy Austria, Sarah Jane Abad, John Arcilla, Isabel Granada, Tonton Gutierrez, Alessandra de Rossi, Cris Villonco, at Robert Arevalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napanalunan naman ni Direk Carlos ang best director awards mula sa Gawad Urian (1992 and 1993), Film Academy of the Philippines (1993), FAMAS (1993), at Cinemalaya Independent Film Festival: Directors Showcase (2014).

Nagwaging best film sa Young Critics Circle noong 1993 ang Ikaw Pa Lang Ang Minahal. Nabigyan din ng parangal ang mga pelikula niya sa mga international film festivals tulad sa San Diego Asian Film Festival 2001 (Grand Jury Prize for Azucena) at Berlin Film Festival 1997 (Teddy Jury Prize for Ang Lalake Sa Buhay Ni Selya).

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlos Siguion Reyna on being part of the cast of Apoy Sa Langit: "Sa totoo lang, masarap palang umarte na lang. I was used to give directions to the actors I've worked with before. Ngayon iba naman." In Apoy Sa Langit, Carlos plays the sidekick of Zoren Legaspi, whose character is married to Maricel Laxa-Pangilinan.
PHOTO/S: Apoy Sa Langit mediacon / Apoy Sa Langit
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results