Michelle Aldana finally clarifies rumor she backed out from Binibining Pilipinas 1993 because of Ruffa Gutierrez

by Bernie V. Franco
May 17, 2022
michelle aldana ruffa gutierrez
After 29 years, Michelle Aldana (left) clarifies issue that she backed out of Binibining Pilipinas pageant in 1993 because Ruffa Gutierrez also joined that year.
PHOTO/S: YouTube (Michelle Aldana) / @iloveruffag on Instagram / YouTube

Nilinaw na sa wakas ng actress-beauty queen na si Michelle Aldana, 47, na hindi si Ruffa Gutierrez, 47, ang dahilan kung bakit siya nag-back out sa Binibining Pilipinas noong 1993.

Si Michelle ay kinoronahang Mutya ng Pilipinas 1993 at nanalong Miss Asia Pacific 1993.

Si Ruffa ay kinoronahang Bb. Pilipinas-World 1993 at itinanghal na Miss World 1993 Second Princess.

Matapos maging beauty queen, tumawid si Michelle sa showbiz ngunit hindi na aktibo ngayon.

Si Ruffa ay nag-aartista na noon at sinubukan ang beauty pageant, at hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa showbiz.

Nagkasama pa sina Ruffa at Michelle sa pelikulang Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa noong 1996.

MICHELLE ADDRESSES PAGEANT RUMOR ABOUT RUFFA

Recently, nag-react si Michelle sa matagal nang usap-usapan kung bakit hindi siya tumuloy sa Binibining Pilipinas at napadpad sa Mutya ng Pilipinas pageant halos tatlong dekada na ang nakalilipas.

Nitong weekend, ipinost ng isang pageant vlogger sa Instagram ang trivia tungkol kay Michelle.

Continue reading below ↓

Nabanggit ditong si Michelle ay dumalo sa screening ng Binibining Pilipinas noong 1993, pero hindi siya natuloy sumali. Sa halip, sa Mutya ng Pilipinas siya sumali at nanalo.

Maging ang isang pageant enthusiast sa Facebook noong 2019 ay binanggit na umurong umano noon si Michelle sa Binibining Pilipinas dahil kay Ruffa.

Bahagi ng Facebook post (published as is): “Ruffa’s filing of application to Binibini was a last minute surprise.

“It was said that when the other girls saw Ruffa at the venue, some of them backed out.

“It was also said that Michelle Aldana was supposed to join Binibini that year but did not push thorugh wit it.

“It has always been Dindi and Ruffa from the get go.”

Si Dindi Gallardo ay ka-batch ni Ruffa na itinanghal na Bb. Pilipinas-Universe 1993.

Matapos ang 29 taon, nilinaw ito ni Michelle.

Sa comments section ng Instagram post ng pageant vlogger, sumagot si Michelle tungkol sa isyu sa kanila ni Ruffa.

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Michelle, walang kinalaman ang pagsali ni Ruffa sa Binibini kaya siya nag-back out.

Ganito ang sagot ni Michelle (published as is): “I didn’t leave the screening because of @iloveruffag

“I got a call back from the EyeMo tv commercial that day.

“We tried waiting sa screening but it took awhile.

“I had to run back to EyeMo and missed my chance to join Binibini.”

Edited na ang caption ng post matapos ang paglilinaw ni Michelle.

michelle aldana

Continue reading below ↓

Nagsilbi namang blessing in disguise para kay Michelle ang pag-urong niya sa Binibining Pilipinas.

Dahil sa pagsali at pagkapanalo niya sa Mutya ng Pilipinas, nakasali siya sa Miss Asia Pacific at nanalo noong 1993.

Samantala, si Michelle ay isa na ngayon health and wellness activist at nakabase sa South Africa kasama ang kanyang pamilya.

Umuwi siya sa Pilipinas noong 2021 at ginawa ang Love You Stranger, ang upcoming Kapuso series na pinagbibidahan nina Khalil Ramos at Gabbi Garcia.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After 29 years, Michelle Aldana (left) clarifies issue that she backed out of Binibining Pilipinas pageant in 1993 because Ruffa Gutierrez also joined that year.
PHOTO/S: YouTube (Michelle Aldana) / @iloveruffag on Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results