Chx Alcala clarifies last year's nasty rumor about her and Joseph Bitangcol

by Cesar Pambid
Feb 29, 2008
"Napakabata pa ni Joseph kumpara sa akin. Hindi ko siya papatulan, kung sakali man. At hindi ko po siya type." says ex-Pinoy Big Brother housemate Chx Alcala about Joseph Bitangcol. A nasty rumor spread last year about Chx and Joseph.

Laking-gulat ni Chx Alcala, isa sa mga original Pinoy Big Brother housemates, nang banggitin sa kanya ang tungkol sa diumano'y pagkukulong sa kuwarto at pagtitikiman nila noon ni Joseph Bitangcol sa isang resort sa Palawan, kung saan nagkaroon sila ng isang show.

Naging laman ang naturang insidente ng gossip columns sa mga tabloid. Pero namatay na't lahat ang tsismis, hindi nagkaroon ng pagkakataon si Chx na ipagtanggol ang sarili laban sa mga malalaswang tsismis sa kanila ni Joseph.

CHX CLARIFIES. Sa presscon ng Rated F Entertainment concert na Feel-Ahh (kung saan isa sa guests si Chx ng may concert na si Geoff Taylor), binigyang-linaw ng ex-PBB housemate ang tsismis na ito.

"Napakabata pa ni Joseph kumpara sa akin," simulang paliwanag ni Chx sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at sa iba pang press people na naroon tungkol sa tsismis. "Hindi ko siya papatulan, kung sakali man. At hindi ko po siya type."

Continue reading below ↓

"Totoo po na nagkasama kami sa show na yun, kasi iisa lang ang aming handler sa Star Magic. Marami kaming shows na pinagsamahan; sa Tarlac, sa Pangasinan, sa Palawan, at marami pang iba. Totoo rin na naging medyo close kami, pero never na totoong may nangyari sa amin," paliwanag pa nito.

"Yung insidenteng nakatulog sa kuwarto namin si Joseph, totoo po yun. Medyo lasing yata siya. Pumasok siya sa kuwarto at matagal kaming nagkuwentuhan. ‘Tapos nga humiga siya sa isang kama, pero kasama ko si Jenny Suico. Akala ng mga kasama namin, wala roon si Jenny, kaya may nagkuwento sa iba na nagkulong nga raw kami ni Joseph.

"Natatandaan ko na isang araw, may nagtanong sa akin sa Star Magic, kung totoo nga raw na nagkulong kami ni Joseph, sabi ko, hindi totoo.

"Napansin ko rin na no'ng mag-show naman kami, kasama si Sandara [Park]—sila pa noon ni Sandara—parang inisnab ako ni Sandara. Mula sa airport, kahit sa eroplano, hanggang bumaba kami, doon sa mismong show, hindi niya ako kinausap. Ni ayaw niya akong tingnan. Nang magkausap kami ni Roxanne Guinoo, siya na lang ang nagsabi sa akin na galit nga raw si Sandara sa akin dahil do'n sa nangyaring tsismis.

Continue reading below ↓

"After that, wala na. Ni hindi na ako nakapag-explain sa kanya until she went to Korea. Ngayon ko na lang naalala yan, nakalimutan ko na talaga," patawa-tawang sabi pa ni Chx.

LOVE-HATE WITH LOVE. Inungkat din kay Chx yung sa kanila ng ex-boyfriend niyang Indian model na si Love Thadani. Sa kuwento ni Chx, sampung taon na ang away-bating relasyon nila ni Love.

"Like, break po kami ngayon, simula noong Valentine's Day, but I am looking forward na magkabati na kami. He called up to tell me he misses me. Nagdasal daw siya sa maraming simbahan para magkabalikan na kami.

"He told me, he went to Baguio City to visit a shrine ng kanilang religion. Talagang gusto na raw niyang magkabalikan na kami," nakangiting sabi pa ni Chix.

Isa pang problema nila ni Love ay ang parents nilang dalawa.

"Ayaw raw po nila sa Pinay," tukoy ni Chx sa mga magulang ni Love. "Pero sabi ni Love, kaya niya akong ipaglaban. Sa akin naman po, ‘di rin siya gusto ng nanay ko. Ayaw nila [pamilya niya] sa Bumbay, pero ipinaglaban ko siya. I love him, kaya nga nagtataka ako kung bakit lagi kaming nag-aaway," natatawang sabi pa ni Chx.

Continue reading below ↓

Nasabi tuloy ng ilang reporters na nasa presscon na magkapalaran talaga sila dahil kung hindi talaga sila para sa isa't isa, hindi naman sila aabot ng sampung taon.

"May nagsabi nga po sa akin niyan, kaya nga po nanghihinayang ako talaga.

"Ako po, I am looking forward na kaming dalawa na talaga. I wish that we end up in the altar dahil mahal ko po siya. Alam ko rin po na mahal niya ako. Ang problema lang, wala pa siyang proposal na pakasalan ako. But when the time comes and nagtanong siya, walang duda po, papayag agad ako," pahayag pa ni Chx.

THANKS, PBB. Tungkol sa kanyang career, nagpasalamat naman daw si Chx sa pagbigay sa kanya ng Pinoy Big Brother ng chance.

"Enough na po yun. I guess hanggang diyan lang talaga ako, but I really enjoyed it," pagwawakas ni Chx sa panayam sa kanya.

Guest si Chx with model Rodney Pablo sa concert ng Pinoy Dream Academy alumnus na si Geoff Taylor entitled Feel-Ahh at Pila, Laguna, on March 14. Produced by Rated F Entertainment and sponsored by BRATT.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Napakabata pa ni Joseph kumpara sa akin. Hindi ko siya papatulan, kung sakali man. At hindi ko po siya type." says ex-Pinoy Big Brother housemate Chx Alcala about Joseph Bitangcol. A nasty rumor spread last year about Chx and Joseph.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results