Rayver Cruz tells Julie Anne San Jose he's willing to wait for her

by Rachelle Siazon
May 17, 2022
Rayver Cruz, Julie Anne San Jose
Rayver Cruz tells Julie Anne San Jose in front of her family and friends: "Pag ready ka na, pag ok na kina Tito and Tita, palagi lang ako andito. Mahal kita. Happy birthday."
PHOTO/S: @niceprintphoto / @sparklegmaartistcenter Instagram

Inamin na sa wakas ni Rayver Cruz na may espesyal siyang pagtingin para sa malapit na katrabahong si Julie Anne San Jose.

READ: Rayver Cruz, Julie Anne San Jose trade sweet messages on IG; are they an item?

READ: Julie Anne San Jose confirms her parents approve of Rayver Cruz

Sa 28th birthday celebration ni Julie Anne na ginanap kagabi, May 16, 2022, nagkaroon ng pagkakataon si Rayver na ihayag ang kanyang saloobin para sa singer-actress.

Sinabi niyang naging malapit sila mula nang magkatrabaho sila sa GMA-7. Una silang nagkasama sa Studio 7, ang defunct weekly musical-variety show na umere mula October 2018 hanggang December 2019.

Nakilala ang tambalan nilang JulieVer nang sila ay maging co-hosts sa reality talent search na The Clash, at pareho rin silang mainstays ng ongoing weekly variety show na All-Out Sundays.

Bukod dito ay naging bahagi si Rayver sa Limitless trilogy concert ni Julie Anne.

Continue reading below ↓

"Si Juls talaga yung isa sa pinaka-naging close sa akin. Siya talaga yung close na close sa akin ever since," saad ni Rayver sa kanyang birthday greeting kay Julie Anne.

"Mas mahirap pa ito kaysa sa kahit anong prod number," hirit niya.

Saka sinabing, "Gusto ko lang sabihin how much I appreciate Juls. Maraming-maraming salamat sa lahat... Blessing ka for me. You inspire everyone.

"Gusto ko magpasalamat sa iyo at sa family mo. Thank you po sa family ni Juls, Tito, Tita, mga kapatid...

"Kasi nakikita naman ng lahat na nakakabisita ako sa inyo."

Off cam, hindi inililihim ng dalawa ang jamming sessions nila sa bahay ni Julie Anne.

Madalas din silang mag-asaran sa palitan nila ng mensahe sa social media, hanggang sa nabuo nga ang endearment nila sa isa't isa na "spideyness" at "litol pumpkin."

At sa kaarawan nga ni Julie Anne, idineklara ni Rayver ang pagmamahal sa dalaga at waring panliligaw niya rito.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Rayver: "Happy, happy birthday, Juls. Gusto ko lang sabihin nandito lang ako.

"Maghihintay ako kahit gaano katagal.

"Pag ready ka na, pag ok na kina Tito and Tita, palagi lang ako andito.

"Mahal kita. Happy birthday."

Kilig na napahiyaw ang mga bisita sa birthday party ni Julie Anne dahil sa sweet message ni Rayver.

Panay naman ang ngiti ni Julie Anne na halatang kinikilig din.

Nitong mga nagdaang buwan ay consistent naman si Julie Anne sa pagsabing nae-enjoy niya ang company ni Rayver at talagang nagkakasundo sila sa maraming bagay.

READ: Julie Anne San Jose, ano ang reaksiyon sa pagyakap sa kanya ni Rayver Cruz?

PAST RELATIONSHIPS

Si Rayver ay pitong buwan nang single mula nang maghiwalay sila ni Janine Gutierrez noong October 2021.

February 2022 nang magsalita si Rayver tungkol dito at sinabi rin niya noong naka-move on na siya.

READ: Rayver Cruz on breakup with Janine Gutierrez: "There was no third party involved, especially from my end."

Continue reading below ↓

Ang huling napabalitang karelasyon ni Julie Anne ay si Benjamin Alves, at naghiwalay sila noon pang November 2018.

READ: Julie Anne San Jose confirms breakup with Benjamin Alves

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rayver Cruz tells Julie Anne San Jose in front of her family and friends: "Pag ready ka na, pag ok na kina Tito and Tita, palagi lang ako andito. Mahal kita. Happy birthday."
PHOTO/S: @niceprintphoto / @sparklegmaartistcenter Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results