Heart Evangelista: "Lahat ng naka-one-night stand ko, naging kami."

by Arniel C. Serato
May 17, 2022
heart evangelista fashion
Heart Evangelista plays "Never Have I Ever" game with her Team Heart where she admitted to having experienced one-night stand.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram

Kaswal na inamin ng aktres na si Heart Evangelista na naranasan niyang makipag-one-night stand.

Inamin ito ni Heart habang naglalaro ng "Never Have I Ever" kasama ang kanyang mga tauhan o ang Team Heart.

Ang bawat miyembro ng Team Heart ay may kanya-kanyang ginagampanan lalo na sa mga negosyo at endorsement ng aktres.

Kahapon, May 16, 2022, inilabas ni Heart ang kanyang bagong vlog kung saan nilibre niya ang Team Heart sa Balesin Island Club sa Quezon.

Sa nasabing vlog, in-enjoy ni Heart at ng kanyang team ang tatlong araw nilang bakasyon.

Puno ng kainan, inuman, swimming, at personal na bukingan ang naganap sa kanilang bakasyon.

Heart Evangelista Team Heart

Continue reading below ↓

Isa sa ipinakita sa vlog ang kanilang “Never Have I Ever” game kung saan may mga personal silang bukingan at kung guilty ka rito ay kailangan mong uminom ng alak.

Isa sa tanong: “Never have I ever had a one-night stand?”

Umamin si Heart na naranasan niya ito noon. Pero nakarelasyon din daw niya ang mga naka-one-night stand niya.

Ayon sa Kapuso actress, “I guess that was considered a one-night stand.”

Tanong ng isang kaibigan ni Heart, “How would you consider that? There’s no second?”

Diretsong tugon ni Heart, “No. Naging kami eventually, e. Lahat ng naka-one-night stand ko, naging kami.”

Heart Evangelista admits

Continue reading below ↓

Hindi pinangalanan ni Heart ang mga naka-one-night stand niya at nakarelasyon.

Ilan sa mga naging karelasyon ni Heart noon sa showbiz ay sina Jericho Rosales, John Prats, at Daniel Matsunaga.

Umamin din si Heart na minsan ay nagbabasa siya ng messages sa cell phone ng kanyang partner.

Aniya, “I did.”

Ang isa pang tanong sa kanilang laro: “Never have I ever dated or hooked up ten years older than me?”

Diretsong sagot ni Heart: “Siyempre ako, napangasawa ko, e. I do not regret it.”

Ang tinutukoy ni Heart, 37, ay ang asawang si Sorsogon Governor at senator-elect Francis "Chiz" Escudero, 52.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista plays "Never Have I Ever" game with her Team Heart where she admitted to having experienced one-night stand.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results