Dominic Roque on relationship with Bea Alonzo: "Seloso lang ako sa time, pero sa tao, hindi."

by Melba R. Llanera
May 18, 2022
Bea Alonzo, Dominic Roque
Dominic Roque on Bea Alonzo: "She knows my past relationships, kilala niya kung sino ang mga yun, and alam din naman niya ang mga pinagdaanan ko. So, hindi expected na may chance kami. Magkaibigan lang kasi talaga kami..."
PHOTO/S: @dominicroque Instagram

Aminado si Dominic Roque na "seloso" siya sa oras ng kasintahang si Bea Alonzo, pero nilinaw rin nitong nakikita niya ang effort ng dalaga para makasama siya.

READ: Bea Alonzo-Dominic Roque love story: From friends to lovers

"Okay kami, we're both very happy, masaya naman kami talaga. Okay din naman ang mga tao sa paligid namin," bungad ni Dominic sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Patuloy niya, "Gets ko naman na siyempre hindi siya available, pero we find time together.

"Siyempre sinabi ko rin last year na ang daming work, minsan lang kami magkita. Okay lang naman, trabaho naman yun.

"Ngayon kasi sobra ang focus niya sa trabaho. Siyempre matagal din siyang hindi nakapagtrabaho, na-miss din niya ang taping at mag-shooting.

"Pag may ginagawa siyang isang bagay, ibinibigay niya ang 200 percent niya."

Nakakasingit pa rin daw naman sila ng quality time together.

"Recently nga nag-camping kami, nagpunta kami sa Tanay. Mostly friends, kasama ko ang best friend ko. Nandun din mga kapatid ng best friend ko, mga kaibigan," banggit ni Dominic.

Continue reading below ↓

Hindi ba mahirap magkaroon ng girlfriend na A-lister sa mundo ng showbiz?

Sagot ni Dominic, "Siguro kung malinaw naman yung ano ninyo from the start, yung expectations sa bawat sarili, wala naman sigurong dapat habulin.

"Kung clear naman saka tapat naman yung napag-usapan before everything... basta okay naman sa akin."

Tinanong din ng PEP.ph ang aktor kung hindi ba siya nakakaramdam ng selos sakaling magkaroon ng kissing scene si Bea sa mga gagawin nitong acting projects.

Sabi ni Dominic, "Hindi naman, showbiz din naman ako, e. Galing din naman ako sa showbiz, galing yung family ko sa showbiz.

"Ang tagal ko nang sumasama sa mga shootings, tapings. Alam ko naman. Saka work yun. Seloso lang ako sa time, pero sa tao, hindi."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph si Dominic nang dumalo ito sa 100th vlog episode celebration ni Bea noong May 11, 2022.

FROM FRIENDS TO LOVERS

Dito ikinuwento ni Dominic na hindi niya inaasahang magiging sila ni Bea. Nagsimula sila bilang magkaibigan, at kinalaunan ay pinursige ni Dominic ang panliligaw sa aktres.

Continue reading below ↓

Naging opisyal silang magkasintahan noong January 28, 2021. Pero noon pa lang October 2019 ay nagsimulang mapadalas ang paglabas-labas nila.

READ: Bea Alonzo to Dominic Roque on their anniversary: “It took so much patience from you.”

Saad ni Dominic "Hindi ko rin naman in-expect na ganito, na magiging kami. Simula 2016 magkaibigan lang talaga kami, lumalabas kami as friends.

"She knows my past relationships, kilala niya kung sino ang mga yun, and alam din naman niya ang mga pinagdaanan ko.

"So, hindi expected na may chance kami together. Magkaibigan lang kasi talaga kami, tapos ito ang nangyari nung 2019."

Masaya si Dominic na parehong tanggap ng pamilya ni Bea ang kanilang relasyon.

Katunayan ay dalawang beses nang naimbitahan ang pamilya ni Dominic sa farm ni Bea sa Zambales kaya naging malapit na rin ang mga ito.

Sabi ng aktor, "Yes, both parents namin. Siyempre isa sa pinakamagandang feeling yun, di ba, na okay ang family namin together. Okay sa family ko, okay sa family niya.

Continue reading below ↓

"Siyempre yun ang pinaka-important kasi yun ang root namin, saka siyempre wala kaming iisipin na negative pa pag ganun yung feeling."

ON BEA TAKING CARE OF DOMINIC WHEN HE HAD COVID-19

Lalo pa raw napamahal si Dominic kay Bea nang makita ng binata kung paano siya nito alagaan nang magkaroon siya ng COVID-19.

Dalawang beses daw tinamaan ng COVID-19 si Dominic, una ay iyong Delta variant noong 2021 at Omicron nitong 2022.

At sa pagkakasakit niyang ito, lalo na nung Delta variant ang tumama sa kanya, naranasan niya ang pag-aasikaso ni Bea na umaktong personal nurse niya.

Read: Bea Alonzo recounts how she looked after Dominic Roque when he had COVID-19

Lahad ni Dominic, "Yung Delta yung medyo may naramdaman ako na matindi. So far, okay naman ako, hindi lang makabalik nang fullly sa workout.

"Nahirapan akong huminga, pagod yung feeling. E, nasa bahay lang ako nun, nasa condo lang ako mag-isa. Nandun, mapapaisip ka, 'Di pala biro ito.'

Continue reading below ↓

"Nung nagka-COVID ako nung first, dun ko nakita yung alaga ni Bea. Nung first time ko nagka-COVID, inalagaan niya ako nun, e.

"Nung time na magkasama kami, then nagkaroon ako ng symptoms, so hindi niya ako iniwan. Sumama siya sa akin sa quarantine ko.

"Ayun, magkasama kami sa bahay hanggang matapos ang quarantine ko. Never siya nagkaroon ng COVID.

Sabi ni Dominic sa PEP.ph, nakita na niya kay Bea ang babaeng gusto niyang pakasalan at makasama habambuhay.

"Yeah. Kung ilang taon pa [bago yung kasa], di ko masasabi. Pero sa ngayon maganda naman ang nakikita naming future together."

WHAT KEEPS DOMINIC BUSY

Sa huli, inalam ng PEP.ph kung ano ang pinagkakaabalahan ni Dominic.

Aniya, personal na desisyon niya ang magpahinga muna sa showbiz at harapin ang pagpapalago ng sariling kumpanya.

"Mayroon akong start-up company na Black Peak Hypermedia. It's a marketing and social media management company. Gumagawa rin kami ng content for brands. Dun ako nagpo-focus.

Continue reading below ↓

"Showbiz? Hindi naman sa nag-quit, pero lie-low. Focus ako dito sa Black Peak. May mga offers since 2017, pero huwag muna."

Proud si Dominic na maganda ang takbo ng pagiging content creator niya.

"Tuluy-tuloy ang work ko sa social media, being an ambassador, endorser ng mga products or brands.

"As a content creator, influencer, dun ako nagpo-focus din. Mostly sa Black Peak Media.

"May ginagawa rin kami ni Bea, may ginagawa ang Black Peak for me, dun ang focus ko."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dominic Roque on Bea Alonzo: "She knows my past relationships, kilala niya kung sino ang mga yun, and alam din naman niya ang mga pinagdaanan ko. So, hindi expected na may chance kami. Magkaibigan lang kasi talaga kami..."
PHOTO/S: @dominicroque Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results